Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)
“Si--Luna!”
Nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at nakahinga ako ng maluwag nang makita si Alicia.
“You really go all out,” sabi niya nang tuluyang makalapit sa akin. “Kung hindi ko pa tinakpan ang tainga ko, baka pati ako ay tulog sa mga oras na ito.”
“Well, alam ko naman na maiisip mo kung ano ang gagawin ko.” sabi ko.
Tumangu-tango siya. “Nung marinig ko palang ang boses mo, alam ko na kung ano ang nasa isip mo kaya agad na akong nagtakip ng tainga.” Iginala niya ang kanyang paningin. “Sa tingin mo ba ay lahat ng narito ay naapektuhan ng magic mo?”
“Siguro naman,” sabi ko. “Kasi nakaabot sa pwesto mo ang effect ng boses ko.” Nag-inat ako. “Let’s go.”
“Iiwan natin silang ganito?” gulat niyang tanong sa akin na agad kong tinanguan. “But--”
Napakamot ako ng ulo. “Fine. Let’s just take out the guys wearing cloaks and those bastards that encourage me to kill my opponent.”
“Where should we put them?” tanong niya.
“May nakita akong kulungan sa loob,” sambit ko. “Doon nalang natin sila ilagay.” Muli akong nag-inat. Marami-rami din ang aming dadalhin sa kulungang iyon.
“Then, let’s start.” Maging si Alicia ay nag-inat tsaka itinaas ang kanyang kamay sa langit. “Activate, Null magic.” Unti-unting lumiwanag ang kanyang kamay pagkuwa’y itinapat iyon sa akin.
Ang liwanag sa kamay niya ay lumipat sa akin at bumalot sa buong katawan ko hanggang sa tuluyan itong nawala.
Pero pakiramdam ko ay may bumukas sa loob ko na hindi ko mapaliwanag.
“What did you do?” tanong ko sa kanya.
“Sinabi naman sayo ng mahal na reyna ang tungkol sa nililihim mong kapangyarihan, hindi ba?” balik niya sa akin na tinanguan ko. “You can only use a couple of null magic earlier but when I activate it, lahat ng klase ng null magics ay maaari mo nang gamitin.”
“Eh?” Tinignan ko ang aking mga kamay. “You really have to activate it just for me to use?”
Tumango siya. “Null magic is also known as personal magic. Simple spell that can only be cast with just the exact word of it. Kaya naisip ng reyna na i-deactivate ito at magtira lamang ng ilan upang hindi mo ito aksidenteng magamit kapag nakikipag-usap ka sa iba.”
Well, they have a point.
Lalo na sa pagkakataong ito kung saan wala pa din akong kontrol sa mana na nilalabas ng katawan ko. Kaya nga ilan sa mga main magics ng katawang ito ay naka-sealed at si Alicia lang ang may kakayahang i-unsealed iyon.
Pinakamadaling gamitin ang null magic kaya naman hindi ko na kailangang magsanay para magamit ito. Sadyang kailangan lang ng pag-iingat upang hindi ito magamit ng aksidente at makasakit pa ako ng iba nang hindi ko naman intensyon.
Muling iniangat ni Alicia ang kanyang kamay at itinutok ang palad sa langit. “Activate: Illusion barrier.”
Unti-unting nabalot ng barrier ang kabuuan ng dalawang arena upang masiguro na wala nang makakapasok dito at makakakita ng ginagawa namin. Nagbibigay din ito ng ilusyon mula sa mga nasa labas na patuloy pa ding nagaganap ang novice test dito.
Bumaling siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. “Now, start your job.”
Napakamot nalang ako ng ulo at bumuntong hininga. “Fine.” Itinapat ko sa langit ang kamay ko dahil madami-dami din ang kailangang gamitan ng kapangyarihang ito. “Program start: Levitate everyone wearing black cloak and those who encourage us to kill earlier. Program ends.”
Isa-isang naglutangan ang mga walang malay na nilalang na nakasuot ng itim na cloak. Kasunod noon iyong mga maiingay na encourager kanina.
Sumenyas din sa akin ni Alicia na nasa kabilang side ng arena para silipin ang nangyayari sa kabila. Binuksan na din niya ang mga pintuan na kailangan namin upang
“Program start: Fly all of them all the way through the cellar inside of this arena. Program ends.”
At unti-unti nang gumalaw ang mga nakalutang na ito at nagsimulang lumipad papasok.
Nang masiguro kong nasa maayos na nang program ko ay naupo na muna ako sa sahig at pinapanood ang bawat pagpasok ng mga lumulutang na nilalang sa loob.
“Do you have any idea who they are?” tanong ko nang maupo siya sa tabi ko. “Sa tingin mo ba ay alam nila kung sino tayo?”
Umiling siya. “Wala silang kinalaman sa atin bilang mga naninirahan sa palasyo. Nandito sila dahil sa ginawa nating pakikialam sa nangyari sa tarangkahan ng kaharian noong nakaraan.”
“So, gusto nilang tayo ang unahin dahil nakikita nilang posible tayong maging hadlang sa iba pa nilang plano para manggulo dito?”
Tumangu-tango siya. “And I am sure that they will not going to stop hangga’t hindi nila nagagawa ang misyon nila.”
“Then, magtutuloy-tuloy pala ang problema natin.”
Bumuntong hininga siya. “Mukhang ganoon nga ang mangyayari.”
Nahiga ako sa sahig at napakamot ng noo. “Bakit parang kahit saan yata ako magpunta ay hinahabol ako ng gulo.”
Even when I was still Luna Nueva, kahit saan ako magpunta ay lagi pa din akong hinahabol ng gulo. Para bang hindi hindi yata matatapos ang isang araw na hindi ako nakaka-encounter ng gulo.
“Do you want to go back and stay inside the palace?”
Marahas akong bumangon at umiling-iling. “Ayoko. Ayoko!”
Bahagya siyang natawa at napailing-iling. “Before, you always wanted to stay inside the palace but now, you don’t even want to stay there any longer.”
“You can’t blame me for that,” sabi ko. “Akala ko noon ay magiging ligtas ako sa loob ng palasyo, pero hindi iyon nangyari na ikinamatay pa ni Kuya. Nag-decide akong magkulong sa loob ng tower pero muntik pa tayong mamatay. So locking up and holding myself back will only give me nothing but stress. Kaya gagawin ko nalang ang lahat ng gusto ko.”
Well, that was my decision as Luna inside Sina’s body. Inabandona na naman ng babaeng iyon ang sarili niyang buhay at katawan. Ipinasa pa niya sa akin ang mga problema niya kaya bilang kapalit ay gagawin ko ang lahat ng gusto ko para sa buhay na ito.
“So for now, let’s enjoy everything that I missed all those years.”
Tumayo ako nang maipasok sa loob ng cellar ang pinakahuling nilalang na nakasuot ng cloak. “Awake.”
Isa-isang nagigising ang mga manonood na nasa dalawang arena kaya agad nang inalis ni Alicia ang illusion barrier niya at bumalik sa kabila upang walang maghinala sa aming ginawa.
Bumaling ako sa announcer at itinuro ang aking kalaban na hanggang ngayon ay wala pa ding malay.
“Oh, we didn’t even see how our Luna manage to knock her opponent.” sabi ng announcement kasunod ng malakas na sigawan ng mga audience.
Wala naman kasi sa kanilang memorya na nakatulog sila.
“And now, I announce that Luna Nueva passed her novice examination today."