Chapter 06

1031 Words
Sina Crisiente's Pov (Diamond Kingdom's First Princess)   Kinakabahan ako. Parang gusto kong tumakbo nalang at muling magtago sa tower.   "Ahm..." Sa mga nangyayari ngayon na hindi ko pa maintindihan ay hindi ko alam kung kakayanin ko nang harapin ang lahat. Paano kung—   "Sina..." Tumingin ako sa reyna. "Trust me, okay? I'm your mother kaya hindi ko hahayaan na mapahamak ka o may gawin sayong masama ang kahit sino. I will protect you this time nang hindi mo na muling isipin na magkulong sa tower na iyon at lumayo sa akin."   Niyakap ko sya. "I'm sorry." Hindi ko alam kung bakit mas gusto ni Sina na malayo sa pamilya nya at magkulong sa tower na iyon. Para kasing napakababaw na dahilan ang takot nya gayong kaya syang protektahan ng mga magulang. "I promise. Whatever happens in the future, hindi na po ako lalayo sa inyo. Hindi ko na po kayo iiwan."   "Thank you." Kumalas sya at pinunasan ang luha namin. "Shall we go?"   Huminga ako ng malalim tsaka tumango. "Let's go."   Magkahawak kamay kaming humarap sa pintuan at ilang sandali lang ay bumukas ito. Bumungad sa akin ang isang malaking bulwagan na puno ng makikinang at magagandang palamuti. Puno ito ng mga bisita na suot ang kanilang magagarang damit at masayang pumapalakpak habang dumadaan ako sa gitna kasama ang aking ina.   Pero may napansin akong kakaiba sa mga ngiting iyon kaya napahigpit ang hawak ko sa kanay ng reyna at akma sana akong titigil sa paglalakad pero malambing na pinisil ng reyna ang kamay ko.   Binigyan din nya ako ng matamis na ngiti na para bang sinasabi na ligtas ako at hindi ako hahayaang mapahamak kaya unti-unti kong ikinalma ang sarili tsaka nagpatuloy sa paglalakad.   Hanggang marating namin ang hindi kataasang flatform kung nasaan ang trono ng mga namumuno sa mundong ito.   Bahagya akong yumuko biglang pagbati at lihim kong pinagmasdan ang hari na matiim na nakatingin sa akin.   Tumayo ito pagkuwa'y lumapit sa'kin at nanlaki ang mata ko nang bigla nya akong yakapin. Pero agad akong kumalma at gumanti ng yakap.   "My first born." naiiyak nitong sabi. "I'm sorry for not protecting you."   Umiling ako. "You're always protecting me and what happen to me is not your fault so please, don't feel sorry." Alice told me everything I know kaya tingin ko ay hindi ako makakagawa ng pagkakamali sa harap nila. Kailangan ko lang talaga munang magtiis sa party na ito pagkatapos ay tsaka ko kakausapin ng masinsinan ang hari at reyna.   "But—"   "Besides, that was all in the past." Kumalas ako ng yakap at ngumiti. "Ang mahalaga po ay magkakasama na tayo. Hindi na po ako muling mababalot ng takot dahil alam kong hindi nyo ako pababayaan." Doon ko napansin na nasa gilid na pala namin ang Queen Dowager.   Humarap ako dito at muli sanang yuyuko pero agad ako nitong niyakap. "I am glad that you're safe, my grandchild."   Ngumiti ako at gumanti ng yakap. Mukhang wala akong dapat ipag-alala sa mga nakatatas sa akin. Thanks for Sina's ability, alam ko kung ano ang nararamdaman ng mga nakapaligid sa akin.   First, ang pagiging empath na malaking tulong sa ganitong sitwasyon. Kaya kong maramdaman ang lahat ng nararamdaman ng mga nilalang sa paligid ko. Kaya ko ding baguhin ang nararamdaman nila pero kailangan ko ng direct contact sa magiging target ko. I inherit this from the queen.   Second, I can access anyone's memories with direct touch. Aside from that, I can also erase or alter someone's memories. I inherit this from the king.   Third is taming. Kaya kong magpaamo ng mga nilalang. Walang specific kind of creature pero tingin ko ay mga hayop lang ang sakop nito. And I inherit this power form the queen dowager.   Kumalas ng yakap ang inang reyna pagkuwa'y pareho kaming humarap sa mga bisita. "Ipinapakilala ko, ang aking unang apo at tagapagmana ng trono ng ating kaharian,Sina Crisiente."   At binigyan nila ako ng masigabong palapakan.   Iginala ko ang tingin sa paligid at tinatandaan ang bawat itsura ng mga narito. Pero natigilan ako nang matigil sa isang lalaki ang tingin ko.   Hindi ko alam kung bakit pamilyar sya sa akin kaya hindi ko inalis ang tingin dito hanggang sa mapansin syang nakatingin ako sa kanya.   At ganoon nalang ang panlalaki ng mata nya pagkuwa'y agad tumalikod. Kasabay noon ang pagkirot ng kanang mata ko.   "Sina?" Agad akong nilapitan ng reyna. "Masakit ba ang mata mo?"   Hindi ako makasagot dahil sa sakit na nararamdaman ko. Madiin kong hawak ito habang inaalalayan ako ng hari at reyna na maupo. At ilang sandali pa ay maging ang ulo ko ay nagsimula nang sumakit kasunod nito ang pagsulpot ng mga alaala.   Hindi akin ang mga ito kaya malamang ay kay Sina ito na bumabalik sa katawang ito. Siguro ang lalaking iyon ang naging trigger kaya biglaan ang pagbalik ng alaalang ito.   "What is happening to Sina?" nag-aalalang sabi ng hari kaya tumingin ako sa kanila at pilit ngumiti.   "I-I'm fine."   "You don't look fine, young lady." sabi ng inang reyna. "Maaari nati—"   Umiling ako at humawak sa kamay nya. "A-ayos lang po ako. I just need a moment." Nararamdaman kong unti-unti nang nawawala ang sakit kaya hindi na namin kailangan pang tapusin ang party na ito.   Ayokong masayang ang pinaghirapan nila dahil lang dito.   Doon ko napansin na nakapalibot na pala sa'min ang mga palace guards.   "Is it about your memories, Sina?" biglang tanong ng reyna na ikinatigil ko. Ah, mukhang nabanggit ito ni Alice sa kanya kaya tumango ako.   "I think, someone might be the trigger kaya bumalik ang memories ko." Huminga ako ng malalim. Wala na ang sakit kaya bumaling ako sa kanila. "At ang nilalang na iyon ang nagtangka sa buhay namin."   Nanlaki ang mga mata nila at agad humarap sa mga bisita. Eksanto namang palabas na ng pintuan ang lalaking iyon.   "Habulin ang lalaking iyon." mabilis na utos ng hari sa kawal na agad tumakbo para habulin ang lalaki.   Hindi ko akalain na sa ganitong okasyon pa biglang babalik ang alaalang ito pero nagpapasalamat na din ako dahil hindi na ako mangangapa pa dito. Magiging madali ang pagkilos ko nang walang nakakahalata na hindi si Sina ang nasa loob ng katawang ito.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD