Sina Crisiente's Pov (Diamond Kingdom's First Princess)
Malaking balita ang paglabas ko ng tower at parang nagkaroon ng malaking festival sa buong kaharian kaya nagdadalawang isip na akong tumuloy pero hindi naman pwede dahil nakapagsabi na ako sa reyna.
At ngayon nga ay inaayusan na ako ni Alicia dahil haharapin ko ang buong pamilya ni Sina sa paglabas ko dito.
"Do I really have to wear this?" I asked while staring at a dress that looks like Chinese hanfu, ang traditional dress sa china in their ancient times. Ang kaibahan lang ay mas maikli ang manggas nito at hanggang tuhod ang haba. Ang sapatos ay pang-modern style na may makintab na bato.
"Sina, this is formal event kaya kailangan mong mag-ayos." ani Alicia Actually, sya pala ang nag-iisang kaibigan ni Sina at malaki ang tiwala ng buong kaharian sa kanya kaya ito lang din ang pinapayagan nilang mag-alaga at makasama ni Sina sa loob ng halos labing walong taon.
At tulad ni Sina ay muntik din itong mamatay. Nauna itong magising kaysa sa akin pero sinasabi nilang mas malala ang lagay nito dahil sya ang unang sumalo ng saksak na sana ay para sa akin.
"Haharapin mo ang lahat ng miyembro ng royal family kaya dapat lang ay maging presentable ka." dagdag pa nya. "At isa pa, hindi ako papayag na laitin ka ng mga intrimitida mong pinsan at kapatid sa ama."
"Eh?"
Naupo sya sa tabi ko. "Sorry for not saying this to you pero halos lahat ng pinsan at kapatid mo ay nagtatangkang lumapit sa hari dahil gusto nilang makuha ang posisyon mo. They said that you don't have potential to rule the kingdon and it will just destroy if they leave it to you."
"Can you tell me more about what happen outside while I was hiding here?" tanong ko. "I know, nakakagulat ang mga sinasabi at ginagawa ko ngayon pero na-realize ko lang na walang mangyayari kung patuloy lang akong magtatago at walang gagawin. Hangga't nabubuhay ako, patuloy silang gagawa ng ikapapahamak ko, manatili man ako dito o hindi."
"Are you sure?"
I nod. "And please, can you explain everything because to be honest, my memories are a bit messy. I don't remember other things that happen."
Tumangu-tango sya. "I understand what you feel. Nagkaganyan din ako nang magising ako. Halos wala akong maalala kahit ano pero sa tulong ng mga magulang ko ay unti-unting bumalik ang alaala ko."
What?
"Ang paliwanag sa akin ni Queen Sienna ay marahil sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sayo." malungkot nyang sabi. "Napahamak ka dahil hindi ako nag-ingat at hindi iyon kinaya ng utak ko kaya nawala ang lahat ng alaala ko." Bumaling sya sa'kin. "Pero hindi ko ginusto iyon. Hindi ko gustong kalimutan ka. Iyon ang pinakahuling bagay na gugustuhin ko."
Ngumiti ako at hinaplos ang mukha nya. "I know that because I feel it. Beside, pareho ang nangyari sa'tin. Hindi ko gustong makalimutan ang nakaraan ko pero heto, hindi malinaw sa akin ang mga nangyari."
Ngumiti sya. "It's okay. Kahit hindi mo ako maalala ay hindi nagbabago ang trato mo sa'kin. Though, ramdam kong may pagbabagong naganap sayo mula nang magising ka. Patunay na ang bigla mong pagde-desisyon na lumabas dito at parang hindi ka natatakot harapin ang pagbabagong magaganap sa buhay na tatahakin mo sa labas."
"Natatakot ako pero pagkatapos nang nangyari sa'tin, kahit magkulong pa ako dito ay kung desidido silang tapusin ang buhay ko ay hindi din ako magiging ligtas dito." sabi ko. "Mas mabuting lumaban nalang para sa pangalawang buhay na ibinigay sa atin."
Hindi man ito ang tunay kong katawan at kung darating ang araw na kakailanganin kong ibalik ito kay Sina, sisiguraduhin kong hindi na nya aalalahanin pa ang panganib. At hahayaan ko syang mabuhay ng masaya at ligtas sa piling ng pamilya nya kapalit ng pagkakataong ito para sa'kin.
"You're really change." aniya. "And I'm happy for that."
"Okay, ipagpatuloy mo na ang pag-aayos sa'kin habang ikinu-kwento mo ang lahat maging ang mga posible kong datnan sa labas."
__________
Ayon kay Alicia, maliban kay Sina, may lima syang kapatid sa ama mula sa tatlo pa nitong asawa. Apat na babae at isang lalaki.
At sinasabi nyang lahat ng iyon ay nagtatangkang agawin ang posisyong mayroon ako. They all want to inherit the throne kaya dapat akong mag-ingat sa kanila. Hindi man nila pagtangkaan ang buhay ko ay gagawa sila ng paraan para masira ako sa hari.
Maliban sa kanila, may tatlo pang nagtatangkang kunin ang loob ng hari at iyon ay ang mga pinsan ko na anak ng kapatid ng hari. Puro lalaki ang mga iyon at malaki din ang pagkagusto na makuha ang trono at sigurado sya na hindi ako sasantuhin ng mga iyon para makuha ang inaasam.
Sinabi din nya na halos lahat ng katiwala sa buong palasyo ay hindi ko mapagkakatiwalaan kaya dapat akong mapagmatyag. Oras daw kasi na bumalik na ako sa palasyo ay bihira na lamang syang makakabisita sa akin dahil siguradong pipigilan na sya ng mga taong iyon.
So basically, ang tanging kakampi ko lang sa lugar na ito ay si Alicia at ang reyna. Hindi ko pa alam kung anong tingin sa akin ng hari dahil hindi ko pa ito nakikita so I can't assume that he trust me fully.
At maliban sa hari, kakailanganin ko ding harapin ang Queen Doweger, ang ina ng hari na may malaki ding parte na ginagampanan sa palasyo. Isa ito sa nagde-desisyon kung nararapat ba akong manatili bilang crown princess kaya malamang ay habang nagtatago si Sina sa tower ay inuuto na ng mga pinsan at kapatid nya ang Queen Doweger.
"Are you ready, Sina?" tanong ng mahal na reyna na syang nakaalalay sa akin. "They are all waiting for you."
"Ahm, I don't really know if I'm ready." mahina kong sabi. "But I was the one who decide to go out of that tower so I think I don't even have a choice but to face everyone."
Hinaplos nya ang pisngi ko at matamis na ngumiti. "Hindi ko alam kung dapat akong magpasalamat sa nangyari pero nakikita ko ang malaking pagbabago hindi lamang sayo kundi maging kay Alicia. You both change for a better right after you wake up from that accident." Hinawakan nya ang kamay ko. "So, I think, you can handle everything from here."