Sina Crisiente's Pov (Diamond Kingdom's First Princess)
Nang mahuli ang lalaking iyon ay dinala ito at pinaluhod sa harap namin. Napuno pa ng bulong-bulungan ang bulwagan dahil galing din pala sa kilalang pamilya ang lalaking ito.
"Are you sure, Sina?" tanong ng inang reyna. "Ang kaibigan ng pinsan mong si Seiya ang nanloob sa tower at nanakit sa inyo ni Alicia?"
Tumango ako. "I saw him that night." I can feel his fear at the same time guilt and relieve na hindi ko maintindihan kaya bumaling ako sa reyna dahil alam kong nararamdaman din nya ito.
She just smile at me at held my hands.
"We can talk about that issue later. Dalhin ang lalaking iyan sa kulungan. Siguraduhing mababatayan at mapapakain. Gusto kong malaman ang panig nya tungkol sa nangyari." sabi ng hari. "Umpisahan na natin ang pagdiriwang nang hindi masayang ang pagpunta ng bisita." Humarap ang hari sa lahat. "Umpisahan na ang pagdiriwang."Kasunod nito ay ang pagtugtog ng orkestra at nagsimulang magsayawan ang mga bisita.
Inilabas na din ng mga kawal ang lalaking iyon na hindi na nanlaban pa. Nakita ko pa ang mapait nitong ngiti bago tuluyang mawala sa tingin ko kaya nasisiguro kong marami pa akong kailangang malaman sa kanya.
"Okay ka na ba, Sina?" tanong ng reyna.
Tumango ako at yumakap sa kanya. Ngayong nasa akin na ang alaala ni Sina, hindi ko maiwasang malungkot sa mga nangyari sa nakaraan nila. "I'm sorry, mom. I'm sorry for leaving you here and hide in that tower. I'm sorry for staying in your side when you needed me the most."
"Sina."
Tumingin ako sa hari na naluluha na din. "Dad, I'm sorry kung wala ako sa tabi nyo nang mamatay si Kuya." Yeah, I have an older brother at sya talaga ang tagapagmana ng trono pero dahil maaga syang namatay at ako ang sumunod na anak ay ako na ang itinalagang tagapagmana.
"You really remember everything, Sina." sabi ng hari at niyakap kami ng reyna. "But you don't have to say sorry. Alam kong mas gugustuhin ng kuya mo na manatili ka sa tore kaysa ilagay sa panganib ang buhay mo."
Kumalas kami ng yakap sa isa't-isa.
"Tama na ang dramahan nyo." sabi ng inang reyna at pinunasan ang luha ko. "Narito tayo para ipagdiwang ng paggaling ni Sina at ang paglabas nya sa toreng iyon kaya magsaya tayo. Tsaka na natin asikasuhin ang mga problemang kinakaharap natin."
__________
Matapos ang party ay agad akong nagpalit ng damit tsaka dumeretso sa kulungan. Isinama ko na si Alicia dahil kabisado nya ang buong palasyo. Sinabihan kasi ako ng hari na sila nalang ang bahala sa lalaking iyon pero syempre, kailangan kong makialam dahil may mga tanong ako sa kanya na gusto kong mabigyan agad ng sagot.
"Sina? Sigurado ka ba dito? Baka magalit ang mga magulang mo kapag nalamang pinuntahan mo ang taong nagtangka sa buhay natin."
"Hindi nila malalaman kung hindi ka magsusumbong." sabi ko. Sa alaala ni Sina, laging isinusumbong ni Alicia ang halos lahat ng ginagawang kalokohan ni Sina kaya hindi imposibleng makarating din ito sa reyna pagkatapos namin dito.
Pero kahit ganoon ay pinagkakatiwalaan pa din ito ni Sina. Well, ang reyna lang naman kasi ang sinasabihan nito at ang isinusumbong lang din nito ay iyong mga bagay na alam nyang delikado para kay Sina.
Nang marating ang kulungan ay hindi ko na kinailangang magsalita. Agad ako nitong iginaya sa kulungan kung nasaan ang lalaki.
Nakita ko itong mag-isa sa kulungan. Nakaupo sa gilid at nakayuko.
Sinenyasan ko ang kawal na umalis muna tsaka ako tumikhim na agad ikinaangat ng ulo ng lalaking iyon.
"S-Sina." mahina nitong sabi pagkuwa'y gumapang palapit sa'kin. "Na-nakahanda akong pagbayaran ang nagawa ko pero nakikiusap ako sayo. Huwag mong hayaan na madamay ang pamilya ko. Hindi nila alam ang ginawa ko.Wala silang kinalaman dito." Mahigpit itong humawak sa rehas na naghihiwalay sa aming dalawa at lumuhod. "Nakikiusap ako sayo, Sina. Iligtas mo sila."
"Isang bagay lang ang magagawa ko para matulungan ang pamilya mo." sabi ko. Well, kahit anong gawin ko ay hindi na maililigtas ang buhay nya. Pinagtangkaan nyang patayin ang tagapagmana ng trono at nadamay pa ang anak ng ministro.
"Sina." Bumaling ako kay Alicia at bakas ang matinding takot sa mukha nya habang nakatingin sa lalaki. "S-sya ang nagtangka sa buhay natin." Mukhang naaalala na din nya ang nangyari nang gabing iyon.
Nang gabing iyon ay nasa balkonahe ng tower sina Sina at Alicia habang pinagmamasdan ang full moon. Nang biglang may panang dumaplis sa kanang mata ni Sina. At doon lumabas ang lalaking ito at sinugod sila.
Hindi inaasahan ng dalawa ang pagsugod na iyon at ang tanging nagawa lang ni Alice ay yakapin ako kaya sya ang unang nasaksak ng espada sa likod pero tumagos iyon hanggang sa likod ko.
At marahil, isa iyon sa koneksyon kung bakit ako na-reicarnate sa katawan ni Sina. Dahil kung paano kami namatay ni Alice ay ganoon din ang nangyari sa kanila. Idagdag pa na pareho iyong full moon.
"He can't harm us anymore, Alicia." Hinawakan ko ang kamay nya at nginitian sya. "Just calm down for a while, okay? I just need something to clear everything regarding this issue."
"Okay. I'll just stay outside." sabi nya at agad lumabas.
Bumaling ako sa lalaking iyon. "I will save your family but you have to tell me everything I want to know."
Tumango sya. "I will tell you everything you want to know."
"May kasama ka nang gabing iyon, hindi ba?" Natigilan sya sa tanong ko at lalo syang nakaramdam ng takot. "He's the one who shoot the arrow to draw our attention so that you will succeed to kill me."
"H-hindi—"
"Kapag hindi ka nakipagtulungan, hindi ko maipapangako na maililigtas ko ang pamilya mo." malamig kong sabi. "I am the crown princess of this kingdom and you dare to lay your hand on me. You just kill me and Alicia that night and it is considered as treason kaya sa tingin mo ba ay hindi iisipin ng hari na ang pamilya mo ang nag-utos—"
"Wala silang kinalaman dito!" sigaw nya habang nakayuko. "Hindi sila ang nag-utos sa akin na patayin ka. Hindi sila."
"Then, tell me!" balik sigaw ko. Nakakainis! Kung may mind reading ability lang ako, eh 'di sana ay hindi ako nahihirapan sa pakikipag-usap sa ungas na ito. "Look, I'm here to help you. Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari at napilitan ka lang na gawin iyon dahil may nag-utos sayo. Kung hindi ka magsasalita, magdudusa ang pamilya mo sa kasalanang hindi nila ginawa."
"Sina..."
Napalingon ako sa likuran at nanlaki ang mata ko nang makita ang reyna. Sa tabi nito ay si Alicia na umiling-iling na para bang sinasabi na hindi sya ang nagsumbong dito.
Bumuntong hininga ito at napailing. "Ang tigas talaga ng ulo mo."
Napakamot ako ng noo. "I'm sorry, mom. I wanted to know the truth."
"We can know the truth without asking him." sabi nito na ikinakunot ng noo ko. "Bumalik tayo sa kwarto mo at doon ko ipapaliwanag ang lahat."
"T-teka—" Muli akong napabaling sa lalaking iyon.
"Hindi ko na alam kung anong maitutulong ko sayo, Mister." malamig ko syang tiningnan. "Kung kanina palang ay ibinigay mo ang hinihingi ko ay baka maging ang buhay mo ay nailigtas ko pa." Kumapit ako sa braso ng reyna at umalis kami habang dinig ang pagmamakaawa ng lalaki.
Kami nalang ng reyna ang bumalik sa kwarto ko dahil pinauwi na namin si Alicia. Gabi na din at baka mag-alala pa ang magulang nya.