Chapter 04

1004 Words
Sina Crisiente's Pov (Diamond Kingdom's First Princess)   Apparently, I am now in a different world. Isang mundo na tinatawag na Thamani.   Iyon ang paliwanag sa lahat ng nakikita ko dahil sobrang imposible na magkaroon ng mga lumulutang na isla sa earth. It has a lot of green here, I mean, trees with lots of fruits, plants and flowers.   Kita mula sa kinatatayuan ko ang nagtataasang bundok na puno pa din ng malalagong puno. At maaliwalas ang simoy ng hangin.   And I am inside someone's body with my own memories. So I assume that my soul was reincarnated in this world and transfer inside the body of this kingdom's princess.   And Luna Nueva is now Sina Crisiente.   The first princess of this kingdom  at tagapagmana ng trono na ikinulong sa pinakamataas na tower ng palasyo mula pagkabata upang protektahan sa mga taong nagtatangka sa buhay nito dahil sa isang propesisya na pumapaloob sa pagkatao nito.   Iyong babaeng nakita ko kanina, sya si Alicia Amero, ang nag-iisang nilalang na hinayaan nilang makapasok sa kwartong ito, maliban sa reyna na personal na tumitingin sa kundisyon ng katawan ni Sina. I still don't know her connection with Sina but I think she's also a relative.   And I saw Alice in her.   At hindi ko maintindihan kung bakit gayong hindi sila magkamukha. But I just have this feeling that maybe like me, na-reincarnate din sya. At siguro, napunta sa babaeng iyon ang kaluluwa nya.   But it seems like I'm wrong. Dahil hindi tulad ko, kilala nya ang reyna at ang mismong pagkatao samantalang ako, wala akong alam sa katauhan ng katawang kinalalagyan ko ngayon.   "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng reyna matapos tingnan ang lagay ko. Until now, hindi ako makapaniwalang nasa ibang mundo ako. At mas hindi kapani-paniwala, ang mundong ito ay nababalot ng mahika.   Yes! Mahika... Magic... Power...   Dahil nang i-checkup ako ng reyna kanina ay may liwanag na lumabas sa mga palad nya at pumalibot iyon sa akin.   Makailang beses ko pang kinurot ang sarili ko para lang masigurong hindi panaginip ang mga nagaganap sa akin.   At nang ma-confirm kong nasa reyalidad nga ako at hindi panaginip ay wala akong ibang magawa kundi tanggapin ang sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.   Wala naman din kasi akong ibang pagpipilian. At iyon ang mas magpapadali ng sitwasyon ko.   Isa pa, mas mabuti na din iyon nang sa gayon ang pinakaimportanteng bagay na dapat kong gawin ay makakuha ng impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay na mayroon sa mundong ito.   Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kasi alam kung paano ba makikitungo sa kanila dahil hindi naman ako ang anak nya. "A-ayos lang po." Well, basically speaking, anak niya ang may-ari ng katawang ito. Pero ang kaluluwa sa loob nito at ang memorya nito ay pag-aari ng ibang tao na galing pa sa ibang mundo.   "Hindi ba masakit ang kanang mata mo?" tanong niya   Napahawak ako sa kanang mata ko na nakabalot ng benda.   Ang kwento ni Alicia kanina, may nakapasok sa tower nang hindi namin namamalayan at sinugod ng taong iyon si Sina. Maliban sa kanang mata na tinamaan ng palaso, may saksak din ng espada ang sikmura nito.   "Ayos na din po."   "So, wala nang masakit sayo?"   Tumango ako.   "Mabuti kung ganoon." Tumayo ang reyna tsaka bumaling kay Alicia. "Pinadagdagan ko ang mga magbabantay sa ibaba para mas—" Natigilan ito sa pagsasalita at muling bumaling sa akin dahil kumapit ako sa damit nya. "May problema ba, Sina?"   Tinulungan ako ni Alicia na makabangon tsaka humarap sa reyna. "Ahm, gusto ko na po sanang lumabas dito."   Nanlaki ang mata nila. Maging si Alicia na mukhang hindi din inaasahan ang sinabi ko. Bakit? Hindi ba kailan man inisip ni Sina na lumabas dito?   "S-seryoso ka ba, Sina?" tanong ni Alicia pagkuwa'y hinawakan ang mga pisngi ko. "Sabihin mo, maayos ka na ba talaga?"   Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.   "Hindi ba't ikaw mismo ang nagpilit na magkulong dito dahil natatakot kang mamatay sa kamay ng mga nagtatangka sa buhay mo?" muling sabi ni Alicia. "Kaya ganito ang reaksyon namin."   Tumango ang reyna. "Kahit sinasabi sayo ng iyong ama na magtatalaga sya ng poprotekta sayo ay hindi mo tinanggap at piniling magkulong."   "Ikaw ba talaga si Sina?" Pinakatitigan ako ni Alicia. "Para kasing nag-iba ang aura mo at tinawag mo ako sa ibang pangalan nang magising ka."   "Ano ba iyang naiisip mo, Alicia." naiiling na sabi ng reyna. "Marahil ay dala ito ng nangyari sa kanya at halos isang buwan din syang walang malay dahil dito, hindi ba?"   Pero hindi nawala ang tingin sa akin ni Alicia. Parang pinag-aarapan nya ang kabuuan ko pero ilang sandali lang ay bumuntong hininga siya. "Siguro nga po." aniya na lihim kong ikinahinga ng maluwag.   Mukhang siya ang dapat kong pagtuunan ng pansin dahil siya din ang higit na nakakakilala kay Sina.   "Pero seryoso ka ba talaga sa sinabi mo? Gusto mo nang lumabas dito?" muli niyang tanong sa akin.   Tumango ako. "Wala nang saysay ang pagtatago ko dito dahil nagawa na nilang mapasok dito. Kung talagang gusto nila akong—" Natigilan ako nang bigla akong yakapin ng reyna.   "Hindi ko alam ang dahilan ng biglaan mong pagbabago pero masaya ako dahil pinili mo nang lumabas dito." naiiyak nitong sabi. "Alam kong labis na kalungkutan ang naramdaman mo sa mga nakalipas na taon dahil nabalot ka ng takot pero huwag kang mag-alala, anak. Sisiguraduhin ko at ng iyong ama na walang mangyayaring masama sa iyo. Pagkatiwalaan mo sana kami."   Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero na-realize ko nalang na umiiyak na din ako at mahigpit na nakayakap sa reyna.   Iyong init ng kanyang yakap. Iyong pagmamahal nya kay Sina. Iyong pag-aalala nya. Ramdam ko ang lahat ng iyon.   I don't know what happen to Sina at kung bakit ako nasa katawang ito pero kung pagkakataon ito na ibinigay sa akin ay sisiguraduhin ko na hindi ko ito sasayangin.   Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang hindi na maulit ang anumang pagkakamali at pagkukulang sa nakaraang buhay na mayroon ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD