Chapter 62

1218 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Ah!   Gusto kong sumigaw dahil sa matinding inis na nararamdaman ko pero nahihiya akong istorbohin ang mga kasama kong mahimbing nang natutulog.   Malalim na kasi ang gabi nang makalabas kami sa border ng Diamond Kingdom at Tourmaline Kingdom kaya naman nagdesisyon na ang lahat na magpahinga muna.   Hindi pa din naman namin nakausap si Kronen paggising niya dahil siya ang naghanda ng makakain namin at nang matapos ay agad na ding nakaramdam ng pagod ang lahat.   Hindi naman kami nababahala sa kaligtasan namin dito kahit mahimbing ang aming tulog dahil sa barrier na inilagay ni Alicia sa paligid.   Pero dahil sa huling sinabi ni Sage kanina, hindi ako makatulog.   Nasabi ko nang walang hiya si Sina, hindi ba? Ngayon, sobrang walang hiya na talaga!   Bakit kailangan niyang gawan ng ganoong klaseng kundisyon ang pagbabalik ng alaalang inalis niya sa sarili niya. Bakit kailangang may buhay na nakadikit sa isang bagay na in the first place, dapat ay hindi niya inalis.   Aba, hindi ko naman hiniling na mapunta sa sitwasyong ito. Hindi ko ginustong pumalit sa buhay niyang ito kaya bakit ako ang nahihirapan? Bakit kailangan ako ang humarap sa ganitong klaseng sitwasyon?   Inis kong ginulo ang buhok ko at tumayo. “Damn it! Damn it! Damn it!” Pinagsisipa ko ang damong nasa harap ko at dito inilalabas ang inis na nararamdaman ko ngayon sa may-ari ng katawnag ito.   Wala naman kasi akong ibang magagawa dahil wala dito ang bruhang iyon. Ni hindi ako sigurado kung permanente na ba ako sa katawang ito o panandalian lang at babalik pa siya.   “Kawawa naman ang mga damong iyan.” Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Kronen na nakaupo sa damuhan hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. “Why are you still awake?”   “Sa tingin mo ba ay makakatulog ako pagkatapos ng sinabi ng kapatid ko?” balik ko sa kanya. “Lalo na’t nagbabalak akong ibalik ang alaalang inalis ko sa sarili ko?”   Muli kong ginulo ang buhok ko. Noong una ay okay pa akong saluhin ang responsibilidad na iniwan ni Sina. Pero ngayong may buhay na palang nakasalalay para sa mga desisyong kailangan kong gawin, then huwag siyang umasa na susunod ako sa kung ano ang inaasahan niya.   “Matanong nga kita.” Humarap ako sa kanya. “Ano ba ang dapat kong gawin para maibalik ang alaalang iyon?”   “Are you sure you want to know?” tanong niya. “Hindi ba’t sinabi na ni Sage ang posibleng mangyari kapag bumalik ang alaalang iyon?”   “I know.” sabi ko. “Pero hindi ko naman sinabing gagawin ko kung anuman ang dapat gawin para doon. I just want to know kung ganoon ba ka-worth it ang mga gagawin ko at ang alaalang iyon para maging kapalit ng buhay ng isang tao.”   Ngumiti siya. “Labing isa.”   Kumunot ang noo ko. “Labing isa? What do you mean?”   “As of now, there are eleven heir and heiress in every kingdom.” sabi niya. “Each one of them holds the pieces of your memories but they are not aware of that.”   “Then?”   “You will meet them in time and they will ask you a favor.” dagdag pa niya. “It is basically a quest and the reward that you will get is a piece of your memories. If you accept it, you will slowly gain those memories pero ang katawan ng sinumang nakakonekta sa mga memoryang iyon ay unti-unting manghihina. But if you turn down their request, you will suffer the consequence.”   “Exp points?”   Tumango siya. “But of course, hindi lang iyon ang mawawala sayo.”   “Then, ano pang mawawala sa akin kung ite-turn down ko ang lahat ng pabor ng mga tagapagmana ng kaharian sa buong Thamani?”   “The most important person in your life.”   Nanlaki ang mga mata ko. “W-what?”   “You are so cruel right?” mapait siyang tumawa at ginulo ang kanyang buhok. “Maibalik man ang alaala mo ay may isang taong malapit sayo ang mamamatay.”   Shit ka talaga, Sina! Bakit sa dinami-dami ng kundisyong maiisip mo ay buhay pa ng mga taong mahal mo?   Oh, did she really love them? Bakit buhay nila ang isinasangkalang ng babaeng iyon?   “Kailangan mo nalang alamin kung sino nga ba ang worth it pang mabuhay.” dagdag niya at ibinagsak sa damuhan. “I don’t know why she did that.”   Kumunot ang noo ko nang marinig ang isang salita na tingin ko ay hindi yata angkop sa kanyang sinabi sa harap ko. “She?”   Tumingin siya sa akin. “Si Sina.”   Plano ko sanang ituro ang aking sarili ngunit hindi ko na itinayo at agad na lamang hinawakan ang kutsilyo kong nakatago sa tagiliran ko. “Y-you know it.” sabi ko. “You know it right from the start.”   Tinitigan niya ako at ilang sandali ay unti-unti siyang ngumiti at tumango. “I know it right before she died.”   “What?”   Bumangon siya. “I am aware that Sina’s soul is no longer in her body and a new soul, with the help of Hunter, enter her body.” Bumaling siya sa akin. “I know that you are not really that woman. Your real name… it was Luna. Luna Nueva.”   “s**t!”   **********   Someone’s Pov   “Did something happened?” tanong sa akin ng babaeng kasama ko ngayon sa malaking silid na aming inihanda para sa magaganap na pagkikita-kita naming magkakaibigan. “Halatang kinakabahan ka eh.”   “Sino bang hindi kakabahan gayong alam naming hindi talaga siya ang kaibigan natin.” sabi ko. “Besides, sigurado akong sinabi na ni Kronen ang nalalaman niya tungkol dito.”   “Oh.” Tumangu-tango siya. “Then, we have to get ready. Personal na ibinilin ni Sina ang sinumang magigising gamit ang katawan niya kaya kailangan nating gawin iyon.”   Sina Crisiente, kilala bilang mahina at duwag na prinsesang nagkuong lamang sa kanyang tore sa loob ng mahabang panahon.   Pero hindi alam ng marami na higit pa silang maraming nagagawa ng kanyang nakatatandang kapatid upang masiguro lamang na hindi kailanman magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga kaharian.   But the woman that we all know is no longer here. She is literally dead and her soul vanished into a thin air that even our god, Hunter, doesn't have any idea about where she really belongs.   At ang babaeng makakaharap namin na gamit ang katawan ni Sina ay nagngangalang Luna, isang reincarnated soul that Hunter put on our friend’s body. At sa pagkakataong ito, hindi namin alam kung ano nga ba ang kanyang magiging desisyon para sa responsibilidad na hawak ng isang prinsesa.   Hinawakan ng aking kaibigan ang aking balikat kaya napalingon ako sa kanya. “Alam kong kakaiba itong babaeng nasa katawan ni Sina but you have to be calm. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Hunter sa babaeng iyan at dinala sa mundong ito but things will surely got into its places.”   Bumuntong hininga na lamang ako at tumangu-tango. “I just hope so.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD