Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)
I can’t believe it! I really can’t believe it!
Paano nangyaring alam ng lalaking ito na hindi talaga ako si Sina. Na ako talaga si Luna Nueva na nanggaling sa Earth.
“Hindi mo kailangang ma-threaten sa sinabi ko.” aniya. “Wala din naman akong planong sabihin sa kanila ang totoo. It is just, Sina told us everything before she died so all of the kingdom’s representatives on a full-moon meeting are aware of your existence.”
“Then--”
“Oh,” Pintuloy niya ako bago pa makapagsalita. “I just want to clear that it is you that I love and not Sina?”
Kumunot ang noo ko. “Are you kidding me?”
Umiling siya at seryosong tumingin sa mga mata ko. “I am serious. Ikaw talaga ang minahal ko at hindi ang bruhang si Sina na walang ibang ginawa kundi ang mag-utos.”
“Gago!” sigaw ko. “Paano mangyayari na minahal mo ako kahit hindi mo pa ako nakikita?”
“Sina always talks about you.” aniya. “She can see the future and she told me everything she sees about you. Everything that you will do being the princess of Diamond Kingdom, an adventurer of Ruwan Rai and the leader of eleven representatives for a full-moon meeting.”
“At base sa mga kwento niya ay minahal mo na agad ako?”
Tumangu-tango siya. “Hindi ba iyon pwede?”
“Hindi talaga pwede!” bulyaw ko. “Love is--”
“A strange feeling that makes everything possible.” putol niya sa akin. “And you can’t say that it is not allowed because I know what I am feeling right now.”
“Love is not a blind feeling that will only be based on someone else's perspective.” madiin kong sabi. “You are just curious about me because I am just a soul inside Sina’s body.”
Napakamot siya ng ulo pagkuwa’y bumuntong hininga. “Hindi na ako makikipagtalo dahil sigurado namang hindi mo tatanggapin ang kahit anong sasabihin ko about my own feelings.” aniya. “Anyway, balik tayo sa topic. Ako at ang buong full-moon meeting representatives will not say anything to others. You can keep these secrets with us and we can assure you that you can trust us.”
Hindi ko siya pinansin.
Iniisip ko kasi kung ano ang mga posibleng mangyari sa aking kung sakali man na malaman ng iba ang tungkol sa akin.
At ang katotohanang patay na si Sina habang ibang kaluluwan naman na galing sa ibang mundo ang nasa loob ng katawan nito.
“Luna.”
Matalim akong tumingin sa kanya. “Bakit?”
Umiling siya at ngumiti. “Huwag mo munang isipin ang napag-usapan natin ngayon. Mas maganda din kasi na kasama natin ang iba upang maipaliwanag sayo ang lahat at ang dahilan kung bakit ka narito.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Dahilan? May dahilan kung bakit ako nandito?”
Tumango siya. “According to Sina. And she said that reason to one of our friends.”
Then, hindi aksidente na nandito ako. Ang parehong paraan naming pagkakamatay ay isa lamang aksidente at walang kinalaman iyon sa pagdadasal namin ni Alice na muling mabuhay ng magkasama.
Ibig sabihin ay hindi iisa sina Alice at Alicia. Wala dito ang kaibigan ko at ako lang ang mag-isang nabubuhay sa mundong ito. Ibig sabihin ay talagang kasalanan ni Sina kung bakit nandito ako sa mundo nila at ngayon nga ay tinatabunan na ng mga katotohanan tungkol sa pamumuhay ko dito.
“Ah!” Inis kong sinabunutan ang sarili ko.
Masyado nang pinapasakit ni Sina ang utak ko at hindi na makatarungan ang mga bagay at responsibilidad na iniwan niya sa akin.
Kahit pa sabihing napaghandaan na niya ito bago siya mamatay ay hindi pa din iyon sapat para sa akin.
“Hey!” Nilapitan niya ako at hinawakan ang mga kamay ko. “Stop hurting yourself.”
Nanatili akong nakayuko habang hinahayaan siyang hawakan ang mga kamay ko. “Kung nabanggit sayo ni Sina ang tungkol sa akin, ibig sabihin ay alam mo din siguro kung bakit ganoon nalang ang siglang ipinapakita ko sa lahat.”
“I know.” aniya. “It is about your best friend who also got killed in your former world. You expect that her soul is inside of Alicia’s body but now that I told you that Sina knows everything, you realize that you are just thinking about it because they are kind of look a like and they also have the same personality.”
“Nagdesisyon akong tanggapin ang responsibilidad na ito dahil sa kanya. Dahil alam kong hindi magiging maganda ang sitwasyon kapag wala akong ginawa para sa kanya.” sabi ko. “I was thinking back then na kung wala akong nagawa noon para maipagtanggol siya, babawi ako sa buhay na ito kahit pa pareho kaming nasa loob ng ibang katauhan. At kahit hindi niya ako naaalala.”
Pero sino nga ba ang niloloko ko? May pagkakahawig man si Alice at Alicia, may pagkakapareho man ang kanilang ugali, may pagkakapareho man sila ng mga mannerism, hindi nangangahulugang mangyayari din sa kanya kung ano ang nangyari sa akin.
“Sina…” Binitiwan niya ako at niyakap. “Just rest, baby. You will get to know everything soon and I will help you with everything you need.”
***********
Kronen Shah’s Pov (Aquamarine Kingdom’s First Prince)
Dahan-dahan kong inihiga si Sina na mahimbing nang nakatulog sa aking bisig.
Hindi naman siya umiyak. Actually, tulala lang siya habang nakatingin sa malayo hanggang sa tuluyang makatulog.
I guess, masyado talagang malakas ang impact sa kanya na malamang hindi niya kasama sa mundong ito ang nag-iisang taong gusto niyang makasama kahit sa kabilang buhay.
“Kronen.”
Kinumutan ko muna si Sina bago binalingan si Alicia. “Did you hear everything?”
Tumango siya. “And you guys are saying the truth? Hindi siya si Sina?”
“Technically, she is Sina.” sabi ko at lumapit sa kanya. “But Sina’s soul has already disappear before someone discovered your body and when we arrived here, Luna’s roho is already inside of this body.”
Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Sina. At base sa nakikita ko sa mga mata niya ay nagdadalawang isip siya kung dapat pa bang manatiling malapit dito.
At naguguluhan siya which I understand because she experiences the difference being with the real Sina and the Sina where Luna’s soul in it.
“Nagsisimula na bang magbago ang isip mo toward her?” tanong ko. “Iyong pakikipagkaibigan mo lang ba sa kanya ay dahil sa pangalan at mukha niya?”
Matalim siyang tumingin sa akin. “Don’t use that kind of technique on me, Kronen. You don’t know what I am feeling right now.”
Mapait akong ngumiti. “Yes, I don’t know what you are feeling right now. But I need to make sure what you really feel towards her because you, of all people, have the ability to harm her, especially when you are too overwhelmed by your emotions. So I need to know if you will be a threat to her safety.”
Hindi siya agad sumagot. Tumitig muna siya sa akin pagkuwa’y itinapat kay Sina at makalipas ang ilang sandali ay bumuntong hininga.
Napangiti nalang ako nang makita ang kasagutan niya mula sa kanyang mga mata. “I guess, I don’t have to worry about it anymore.”
“But I want to know something.” sambit niya.
“What is it?”
“Tuluyan na ba talagang naglaho ang roho ni Sina?” tanong niya. “Si Luna na ba talaga ang permanenteng mananatili sa katawang iyan?”
Nagkibit-balikat ako. “I know Sina’s plan pero walang kahit ano doon ang nagsasabi tungkol sa kung babalik ba siya upang bawiin ang buhay niya o tuluyan na niyang ipinaubaya ang buhay niya kay Luna.”
But to be honest, ayoko nang bumalik si Sina.
Mas okay nang si Luna na lang ang manatili dito dahil alam kong higit siyang makakatulong sa amin.