Chapter 61

1111 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Inis kong ginulo ang aking buhok.   Hindi ko naman kasi inaasahan na sa pagkakataong ito ay makakasabay ko sa isang quest ang party nila Chien at Soren.   Maliban doon ay ngayon ko lang nalaman na isa din palang adventurer si Kronen na kabilang din sa Ruwan Rai guild. Gusto ko mang sabihin na sinusundan niya talaga ako pero nalaman ko mula kay Saila na halos tatlong taon na ding kabilang ng guild si Kronen at isa ito sa tatlong diamond rank na guild.   At ngayon nga ay may mahalagang quest na kinuha si Kronen na nangangailangan ng backup squad mula sa rank B at rank E. And he did especially request our name.   Wala sana akong planong tanggapin iyon ngunit ang pagiging backup squad namin ay isa na ding quest at makakaapekto sa exp points namin kung tanggihan namin iyon.   Ah!   Hindi niya talaga ako binigyan ng pagkakataon na dumistansya sa kanya pagkatapos ng panggugulo nila sa isip ko noong nakaraang araw dahil sa pesteng kasal na iyon.   Maging ang soloist na kapatid ko ay napasama na din sa party nila Chien dahil sa kalokohan ni Kronen.   At ngayon nga ay nakasakay na kami sa isang karwahe papunta sa lugar kung saan namin gagawin ang quest na sinasabi ni Kronen.   And yes, we don’t have any idea what this quest is about. Sinabihan lang niya kami na kailangan niya ng apat na all rounder with different guild’s rank and level at mga support with light magic.   “Ano ba talagang details ng quest na gagawin natin?” tanong ko.   Well, nakailang tanong na din naman talaga ako pero hindi pa din niya ako sinasagot. And I don’t have any idea why he is doing this.   “Hindi ba dapat ay sinasabi mo na sa amin para mapaghandaan namin agad ito?” tanong pa ni Alicia.   “You don’t have to worry.” sabi niya habang nakahiga sa isang gilid at nakatalikod sa amin. “Just sit and relax. I can assure you that you will be fine even if you didn’t prepare.”   “Kronen.” tawag ko sa kanya ngunit hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin. “You have to tell us.”   Bumuntong hininga siya pagkuwa’y bumangon at humarap sa amin. “Like what I said, hindi nyo kailangang mag-alala. Stop asking question dahil hindi ko naman kayo dadalhin sa isang lugar kung alam kong mapapahamak kayo.” Itinuro pa niya ako. “Lalo ka na. Kaya please? Can you let me sleep for a while?”   “But--”   “J-just let me sleep.” aniya. “Sasagutin ko ang tanong nyo mamaya paggising ko. Pwede ba iyon?”   Nagkatinginan kaming magkakasama at wala na din namang nagawa kundi tumango.   Medyo nakaramdam din ako ng pagkahiya dahil nakikita ko sa mga mata ang labis na pagod.   “Good.” Muli siyang nahiga patalikod sa amin at nagtakip pa ng kanyang maliit na unan sa tainga.   Bumuntong hininga ako at sumandal na lang.   Ang karwahe kasing sinasakyan namin ay iyong ginagamit ng mga merchant upang paglagyan ng kanilang mga produkto. Kaya naman maluwag ang loob nito at maaari kaming mahiga.   At sa tingin ko ay malayo-layo ang byahe namin dahil mayroon pang karwaheng mas maliit kaysa sa sinasakyan namin na siyang nakasunod. Nakita kong mayroong inilalagay doon ang ilang tauhan ng guild at ilan sa mga box na iyon ay naglalaman ng mga pagkain.   “Luna.” Bumaling ako kay Alicia na siyang tumawag sa akin. “Bakit parang sobrang close nyo ni Prince Kronen? Hindi ba’t noong nakaraan lang naman kayo nagkakilala nang simulang ipaalam ng inyong ama ang tungkol sa mga kasunduang kasal?”   Napakamot ako ng ulo at alanganing ngumiti sa kanya. “Sa totoo lang, hindi ko din alam kung paano ipapaliwanag sayo pero hindi iyon ang una naming pagkikita.”   Kumunot ang noo niya. “Kung hindi ay kailan?”   “Iyong gabi na dinala ko kayo ni Sage sa tower at doon tayo nagpalipas ng gabi.” sabi ko. “Bigla nalang siyang sumulpot pero hindi din iyon ang unang beses na nakaharap ko siya dahil ayon sa kanya ay matagal na kaming magkakilala.”   “And you can’t remember him?”   Umiling ako. “Not a single thing. At sabi din niya, it is me who erased my own memories which is I don’t really know if it is true.”   “Wait.” Biglang sumingit sa amin si Sage. “Did he say that he can give you back those memories but you have to do something to gain it back?”   Tumango ako. “Why? Did you know about it?”   Hindi siya sumagot at agad na nag-iwas ng tingin. Akma pa nga sanang lalayo sa akin ngunit mabilis kong hinawakan ang kanyang kwelyo. “L-Luna…”   “Mamili ka.” malamig kong sabi. “Magsasalita ka o magkakasakitan pa tayo dito.” Aba, sa kanya ko nalaman ang tungkol sa full moon meeting na itinatag ni Sina at ng nakatatanda nitong kapatid kaya posibleng sa kanya ko din malaman kung ano nga ba ang paraan na sinasabi ni Kronen upang maibalik ang alaalang inalis ni Sina sa katawang ito.   “H-hindi--”   “Ah, hindi ka magsasalita.” Itinaas ko ang kamay at akma siyang sasabunutan ngunit na hinawakan ni Alicia ang aking mga kamay kaya bumaling ako sa kanya. “Alice?”   “Hindi naman kailangang umabot sa ganyan.” aniya. “Kapatid mo pa din si Sage kaya hindi mo siya dapat sinasaktan.”   “But you know that those memories will give me more idea what the hell happened to those full moon meetings that he said.” sabi ko. “Kaya kailangan ko siyang pilitin--”   “Shut up.” Tinakpan niya ang bibig ko pagkuwa’y bumaling kay Sage. “Can you at least tell me something para matahimik itong kapatid mo?”   Mabilis na tumango si Sage. “Yes, pero kaunting detalye lang ang aking maibibigay dahil iyon lang ang sinabi sa akin ni Sina.”   Walang hiya talaga si Sina.   Alam kong nag-iingat siya pero bakit pinapahirapan niya kung sino man ang papalit sa kanya sa katawang ito?   Inis kong binitiwan si Sage pero masamang tingin pa din ang ibinibigay ko sa kanya. “Magsalita ka na.”   Huminga siya ng malalim at diretsong tumingin sa akin. “Kapag nagpilit kang ibalik ang alaalang inalis mo sa sarili mo, mayroong malapit sayo na maglalaho.”   “Damn it!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD