Chapter 18

1110 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Maaga kaming umalis ni Alicia upang pumunta sa guild office at makapamili ng quest na aming gagawin.   Nakabili na din naman kasi kami ng mga temporary armor and weapon na aming suot ngayon para kahit paano ay may proteksyon kami para sa gagawin naming quest.   At ngayon nga ay papunta na kami sa tinatawag na novice field kung saan matatagpuan ang mga low rank monster na kailangan naming patayin para makuha ang mga ingredients na hinihingi ng quest na aming nakuha.   “Kailangan natin ng sampung slow rabbit’s red eyes.” sabi ko habang binabasa ang laman ng quest. “It has two big copper rewards and 10 points per party member.”   “Ilan ba ang points na kailangan natin para mag-level up?” tanong ni Alicia. Kahit naman kasi lumalabas siya ng kaharian ay wala din siyang alam tungkol sa kalakaran ng adventurer.   “According to Chein’s lesson, we need 99 points para maging level two tayo.” sabi ko. “Pero sa bawat pagtaas ng level natin ay nadadagdagan din ang points na kailangan para makapag-level up. At makikita natin iyon sa license natin once na matapos tayo sa first quest natin.”   “Then we need at least 10 quest bago mag-level two.” sabi nya.   “Depende sa quest.” sabi ko naman. “May mga beginner’s quest din kasi na nagbibigay ng malaking points.”   Tumangu-tango siya. “Then, umpisahan na natin ito para makabalik agad tayo sa guild office at makakuha muli ng susunod na gagawin.”   “Eh?” Gulat akong bumaling sa kanya. “Gusto mong tumanggap ng quest maghapon?”   Kumunot ang noo niya. “Ayaw mo?”   “Ahm, hindi naman sa ganoon.” sabi ko. “Pero…”   “Pero?”   “Plano ko sanang pumunta muna sa hotspring na nadaanan natin kahapon pagkatapos natin dito.” sabi ko. “Hindi pa ako nakakapunta doon eh.”   Nag-isip siya pagkuwa’y tumango. “Okay. Hindi naman natin kailangang magpa-level up agad.”   Ngumiti ako. “Thank you, Alice.”   “Then, umpisahan na natin ito para makapunta na tayo doon.”   Puno ng pagkamangha ang aking naramdaman nang marating namin ang lugar na tinatawag na novice field.   Literal kasi itong field. Isang malawak na field na mayroong punong mga d**o na may mga kaunting puno at maliliit na katawang tubig.   At puno ito ng mga maliliit na hayop na itinuturing na low rank monster.   “Saila said that this kind of monster will not attack us at ang tanging posibleng umatake lang sa atin ay iyong mismong nasaktan natin.” sabi ni Alicia. “Pero nakakakaba pa din dahil kahit sabihing mga low rank monster ang mga ito ay nasisiguro kong masasaktan pa din tayo.”   “Kaya nga kailangan pa din nating mag-ingat.” sabi ko tsaka inilabas ang bow and arrow na gagamitin ko. “Surround yourself with your barrier. Ikaw ang pupulot sa mga mapapatay kong slow rabbit.”   “Eh?” Bumaling siya sa akin. “Sa tingin mo ba ay mapapatay mo sila sa ganitong distansya?”   Nagkibit balikat ako. “Pero kailangan kong sanayin dahil mas gusto ko munang i-enhance ang pagiging sniper ko.”   Bumuntong hininga siya. “Okay.” Inilabas niya ang isang box na nasa bag niya. Isa iyong dimensional storage na pwedeng pagtaguan ng kahit gaano kadami at kalaking gamit. “Siguraduhin mo lang na tama ang tatamaan mo ay hindi iyong higit na may mataas na rank, okay?”   “Syempre naman.” sabi ko. “Akong bahala sayo.”   Alam kong nagdadalawang isip siya sa plano ko dahil nga alam din niyang walang kakayahan si Sina pagdating sa pagpana at hindi sapat ang practice namin kanina pero wala naman siyang choice eh.   Siya ang may barrier kaya siya lang ang pwedeng pumunta doon at hindi naman pwedeng wala akong gawin dahil hindi ako makakakuha ng experience na nagbibigay din ng points para sa pagle-level up namin.   Iba pa iyon sa points na makukuha namin kapag nai-surrender na namin ang items na kailangan dito.   Muli siyang bumuntong hininga. “Fine.” Naglakad na siya papunta sa kinalalagyan ng mga slow rabbit.   Galing sa pangalan nito ay literal na mabagal kumilos ang mga rabbit na siyang target namin. Pero may isang bagay ang nakakapagpahirap na mahuli o mapatay ito.   Gawa kasi ito sa salamin kaya mahirap mahanap kung saan ito nagtatago dahil nare-reflect niya ang mismong nakapaligid sa kanya.   “Huwag kang papalpak, huh!” Paalala ni Alicia bago siya tuluyang makalayo at binigyan ko nalang siya ng okay sign para siguruhin.   Well, I am actually confident in my skills as Luna. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang i-apply ang mga nalalaman ko gamit ang katawang mayroon ako kaya medyo kinakabahan din.   Pero kung wala namang magiging problema, tingin ko ay matatapos namin ito ng maaga at makakapag-enjoy ako sa hot spring.   Huminga ako ng malalim pagkuwa’y inilagay na ang palaso sa pana at itinutok iyon sa unang slow rabbit na aking target.   I aim it and when I see it stop moving, I immediately release the arrow and wait  until it finally hits.   “Yes!” I exclaimed when I saw how that glass slow rabbit shattered.   Kumaway sa akin si Alicia na naroon at nakuha na ang pulang mata nito na siyang kailangan para sa quest pero tingin ko ay maging ang salaming katawan ng rabbit ay kinuha na din niya.   Ngayong alam ko na na kaya kong i-apply sa katawang ito ang mga nalalaman ko noon ay magiging madali na ang lahat.   Agad kong inilabas ang isa pang palaso at inilagay ito sa pana at muling itinutok sa sunod kong target.   Muli akong huminga ng malalim pagkuwa’y binitiwan ang palaso at tulad kanina ay muli ko itong tinamaan.   Sa pagkakataong ito, sunod-sunod ko nang pinatamaan ang mga slow rabbit at hindi ako nabibigo na mabasag ang mga ito.   Mukhang hindi nga iyon inaasahan ni Alicia ngunit nakangiti siya habang pinupulot ang mga items noon.   Nang masiguro kong sampu na ang napatay kong slow rabbit ay agad ko nang itinabi ang pana ko at tumakbo papunta sa kanya.   Ngunit hindi pa man ako nakakalapit nang tuluyan sa kanya ay napahinto ako sa pagtakbo at bumaling sa aking likuran nang makaramdam ako ng malakas na aura.   At sa isang iglap ay bumungad sa akin ang isang malaking black lion na siyang pabagsak na sa akin.   At hindi ko alam kung bakit hindi nakikisama ang katawan ko at nananatili lang na nakatayo.   Shit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD