Chapter 19

1239 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Damn it!   Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko dahil siguradong mamamatay ako kapag dinaganan ako ng malaking leon na ito pero hindi nakikisama ang katawan ko.   Ni hindi ko ito maigalaw kahit na ang dulo ng mga daliri ko.   Shit! Sa ganitong paraan nalang ba ako mamamatay? Ganito lang ba talaga kaikli ang buhay ko kahit sa mundong ito?   “Sina!”   Mapait akong ngumiti.   Mukhang ganoon nga ang mangyayari.   Pero nagpapasalamat pa din ako dahil nakilala ko si Alicia. Siya man si Alice o hindi, nagkaroon siya ng malaking puwang sa buhay ko at babaunin ko iyon kahit sa kabilang--   Nanlaki ang mga mata ko nang sumulpot ang isang lalaking may hawak ng espada mula sa likuran ng leon at walang pagdadalawang isip nitong hinati sa gitna ang naturang halimaw.   Kaya naman ng bumagsak ang walang buhay nitong katawan ay hindi ako nito nadaganan pero nabalot ako ng dugong tumalsik mula dito na ikinangiwi ko.   “Sina!”   Doon ako natauhan at bumaling kay Alicia na tumatakbo na palapit sa akin. “Okay lang ako.” sabi ko para huwag na siyang mag-alala dahil baka may mabangga pa siyang monster sa paligid dahil sa pagmamadali niya.   “Sigurado ka bang okay ka lang?” tanong ng lalaking pumaslang sa leon.   Bumaling ako sa kanya at tumango. “O-oo. Salamat sa pagliligtas.”   “You are still a novice?” tanong niyang muli na tinanguan ko. “That makes sense why you didn’t even move after you saw this black lion.”   Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”   “This lion has the ability to freeze any creature that he sees.” aniya. “At ang madalas tablan ng ganitong ability ay iyong mga novice.”   “Oh.” sabi ko. “Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako makagalaw kanina kahit gusto kong tumakbo o umiwas man lang.”   Pero teka--   “Hindi ba’t isang high rank ang black lion?” sabi ko. “Paanong narito siya sa novice field?”   “Iyan din ang inaalam namin.” aniya. “Pinadala kami ng guildmaster dito nang mabalitang may gumagalang mga black lion sa paligid. At may nakaharap na kaming tatlo sa kanila nang mapansin ko ang pagtakbo ng isang iyan dito kaya agad kong sinundan.”   “Soren!” Isang lalaki ang tumatakbo palapit sa amin at nanlaki ang aming mga mata nang makita ang isa’t-isa. “Luna!”   “Chein.” tawag ko sa kanya. “Isa ka din sa ipinadala ng guildmaster para sa mga ito?” Itinuro ko ang black lion na nasa paanan ko.   Tumango siya. “Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?”   “I was just caught up when that guy killed this monster.” sabi ko habang itinuturo ang lalaking nagligas sa akin.   “Oh.” Inakbayan niya iyon. “This is Soren Kludd, a fighter who used swords. Level 64.”   Nanlaki ang mga mata ko. Ang pagkakaalam ko, level 99 ang maximum level ng mga adventurer. Ibig sabihin ay beterano na ang isang ito.   Kaya naman pala ganoon kadali para sa kanya ang hatiin sa gitna ang malaking leon na ito nang mabilis bago pa bumagsak sa akin.   “And Soren, this is Luna.” pakilala ni Chein sa akin. “At iyong babaeng papunta dito ay si Alice. Sila iyong novice na kinukwento ko sa inyo.”   “Ah.” Tumangu-tango si Soren habang nakatingin sa akin. “The potential all rounder and a barrier user.”   “Sina.” Tuluyan nang nakalapit sa amin si Alicia at akma sana akong yayakapin ngunit agad siyang tumigil nang mapansin niya ang itsura ko.   Well, hindi ko naman siya masisisi lalo na’t balot talaga ako ng dugo at hindi pa ganoon kabango ang amoy nito. Yikes!   “Bakit kaya hindi na muna kayo bumalik sa guild office para makaligo at makapagpalit ng damit si Luna.” ani Chein. “We could let you use a return scroll para makabalik agad kayo doon.”   “Really?”   Tumango siya at kinuha sa bag ang isang return scroll, isang magic item na kapag binuksan namin ay automatic kami nitong ite-teleport sa pinakamalapit na guild office.   Nabibili ang scroll na ito sa mismong guild namin.   “Thank you.” sabi ko at kinuha ang scroll na iyon. “Babawi nalang ako sayo.”   “Dinner will do.” ani Chein. “Siguradong gutom kami sa dami ng trabaho ngayon.”   “Okay.” sang-ayon ko. “Later?”   Tumango siya.   “Cool.” Binuksan ko na ang scroll. Nagliwanag ito pagkuwa’y isang magic circle ang lumabas sa kinatatayuan namin at sa isang kisap-mata lamang ay nasa loob na kami ng guild office.   “Pumunta ka na sa banyo at maligo.” ani Alicia. “Ako na ang bibili ng pamalit mo. At ako na din ang magsu-surrender ng quest natin.”   “Okay.” Agad siyang umalis habang ako ay dumeretso na sa banyo na nasa tabi lang ng kwarto kung saan kami dinala ng scroll.   Common shower room naman ito pero nakahiwalay ang sa babae at sa lalaki. At nag-provide ang guild ng ganito dahil madalas na bumalik ang mga adventurer mula sa kanilang quest na madungis at puno ng monster’s blood.   Agad ko nang itinapon ang mga suot ko sa isang gilid at ibinabad iyon sa tubig upang mawala ang mga dugo pagkuwa’y pumasok ako sa isang shower cubicle at hinayaang bumuhos ang tubig sa aking ulo.   At hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Soren.   Hindi ko alam kung bakit pamilyar siya at kung bakit nakaramdam ako ng takot ng makita ang espadang hawak niya.   Kasabay pa noon ang pagbabalik ng alaala ng gabi kung saan namatay kaming dalawa ni Alice.   Madiin kong ikinuyom ang aking kamao at hinawakan ang tiyan ko kung sana mayroon itong peklat.   Isa ito sa maaaring koneksyon namin ni Sina.   Namatay kami sa parehong gabi, parehong sitwasyon at parehong parte ng katawan.   Ipinikit ko ang aking mga mata at iumiling-iling.   Ayoko nang alalahanin ang gabing iyon. Gabing wala akong nagawa para iligtas si Alice. Gabing pareho naming naranasan ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay namin.   Ah!   Bakit kailangang mangyari ng mga bagay na ito? Hindi na nakakatuwa.   “Sina?” dinig kong tawag sa akin ni Alicia mula sa labas ng cubicle kung nasaan ako. “Okay ka lang ba diyan?”   Huminga ako ng malalim. Ayokong malaman niyang may bumabagabag sa akin dahil siguradong mag-aalala siya. “Oo, okay lang ako. Matatapos na din ako kaya paki-iwan nalang diyan sa gilid ang mga damit ko.”   “Okay.” aniya. “Hihintayin nalang kita sa labas.” Nadinig ko ang mga yabag niya palayo sa akin kasunod ng pagbukas at pagsara ng pintuan.   Muli akong huminga ng malalim.   Kung anuman ang nangyari noon sa akin bilang si Luna ay kailangan ko nang ipagsawalang bahala.   Hindi na ako makakabalik doon at kahit magsisi pa ako, hindi ko na din mababago pa ang nakaraan.   Ang dapat ko na lamang gawin ay magpatuloy sa buhay na mayroon ako ngayon bilang si Sina Crisiente.   Ginulo ko ang aking buhok.   Kasalanan ito ng Soren na iyon. Siya ang nagpaalala sa akin ng nakaraan ko kaya naman kailangan ko siyang iwasan.   Ayokong paulit-ulit na bumabalik sa nakaraang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD