I was 6years old when I met Hyun. He was with his father when they visit our house and his cold attitude made me curious about him.
Our father talks about something and because I was curious dahil iyon ang unang beses na nakita ko sila, sumilip ako sa nakaawang na pinto.
Biglang sumulpot sa likod ko si Hyun at ginulat ako. Pero mas nagulat ako sa naging response ng katawan ko dahil hinawakan ko sya sa braso at walang sabing ibinalibag sa pader tulad ng mga napapanood ko noon.
At nakita iyon ng lahat ng nasa bahay namin kaya agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. I don't even know how to react that time. Nagulat kasi talaga ako sa ginawa nya at hindi ko nakontrol ang sarili ko.
Natakot pa ako noon nang umakyat sila sa kwarto ko kasama si Hyun na bakas ang matinding sakit na nararamdaman pero hindi ako pinagalitan ni Papa. Si Hyun pa ang pinag-sorry nila sa akin.
At kung tama ang pagkakaalala ko, simula din ng araw na iyon, nagbago na ang pakikitungo sa akin ng pamilya ko.
Well, they still took care of me but they stop smiling at me and I don't feel the same love they have for me just like before.
Pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil kay Hyun. After kasi ng insidente ay naging malapit kami sa isa't-isa. Lagi syang pumupunta sa bahay para makipaglaro sa akin.
When I enter grade school, lagi nya akong tinutulungan sa assignments at projects ko. When I enter high schools, sya ang tumutulong sa akin sa pagre-review para sa exams ko. He even helps me whenever someone tried to bully me. And that time, he encourage me to study different martial arts para magawa kong makalaban sa mga mambu-bully sa akin.
I don't have any friend when I enter college. Lahat ng ia-approach ko ay agad akong nilalayuan. They don't want to be friend with someone like me, that's what they said. But I don't really mind kasi nasa tabi ko naman si Hyun. He never let me feel that I'm alone.
That's why I fall in love with him, hard.
I fall in love to the point na lahat ng gusto nya ay ginagawa ko para lang mahalin din nya ako. I desperately did everything to reach his standards kahit malayo na iyon sa personality ko.
I study all the sports para masabayan ko sya kapag naglalaro. I study gun firing para makasama sya kapag nagta-target shooting sila ng mga kaibigan nya. I even study swordsmanship dahil isa iyon sa hilig nyang gawin. I basically did everything he does.
Kaya nang sabihin ng daddy nya na gusto ni Hyun na sumali din ako sa organisasyong pinamumunuan nila ay agad akong pumayag.
They trained me so hard and I endure all the pain because of Hyun. Yes, he is the one why I keep fighting kahit sobrang hirap na ng pinapagawa nila. I thought that if I passed that training, he will be happy dahil sa kanya nalang umiikot ang buong buhay ko.
Sya nalang kasi ang mayroon ako. Sya nalang ang taong tumatanggap at nagmamalasakit sa akin. I don't mind being a ruthless and cold assassin kung ito lang ang paraan para makasama ko pa sya.
But I don't know why I still feel empty. I have Hyun in my life but I still want someone who will care for me. I still want to have a friend.
Am I that greedy?
Yes, I am greedy. Dahil sa tuwing makakalabas ako ng headquarters ay naghahanap ako ng mga pwede kong kaibiganin.
Pero may makilala man ako at makasama ng ilang araw ay lumalayo din agad sila kapag sinasabi ko na ang buong pagkatao ko. At hindi na sila nagpapakita after that.
Naisip ko. Siguro ay kapalaran kong maging mag-isa dahil sa dami ng taong pinatay ko. Besides, I was the one who choose this life kaya wala akong kaparatang magreklamo.
So I stop looking for friends and keep myself busy with my work.
Sa madalas kong pag-iisa, doon ko na-appreciate ang ganda ng buwan. Lalo na ang new moon kaya lagi ko itong inaabangan every month.
I don't even know why but every time I stared at the moon, it helps me to lessen the sadness and loneliness in my heart.
May times pa nga na humihiling ako sa buwan. Hoping that someday, it will hear me and grant my wish even if I know that it's impossible.
Ah, I'm wrong. It grants my wish. It did grant the only wish I'm begging for. Because the moon gave Alice in my life.
It let me met the most precious person I had in my life. It gave me the only person who can accept and understand me.
Halos sa lahat ng bagay ay nagkakasundo kami ni Alice. At sa tatlong taon ng pagkakaibigan namin, bihira lang kaming mag-away ng matindi. Kaya nang sabihin nya sa'king na-in love din sya kay Hyun ay hindi iyon naging issue sa pagitan namin.
But who would have thought that the man we both loved is also the man who killed both of us.
__________
"...na!"
Iminulat ko ang mata at ang bumungad sa'kin ay kadiliman. Madilim na lugar pero malinaw kong nakikita ang buong katawan ko.
"...na!"
Nagpalinga-linga ako para hanapin ang pinagmumulan ng boses. Hindi ko alam kung ano ang binabanggit nito pero ramdam ko ay tinatawag ako nito. Sinimulan kong tumakbo sa iba't-ibang direksyon pero parang hindi ako umaalis sa kinalalagyan ko mula pa kanina.
"Wake up!" muli nitong sigaw. "You have to wake up!"
Natigil ako sa pagtakbo nang may lumitaw na bilog na liwanag sa harap ko. At mukhang dito galing ang boses kaya agad ko itong hinawakan ngunit tumagos lang ito sa kamay ko.
Paulit-ulit ko iyong ginawa pero hindi ko pa din ito mahawakan.
"Do you deserve it?"
Napalingon ako sa likuran ko at doon nakita ko ang isang babae.
She has long white hair, violet eyes and she's wearing a long white dress. She's holding a shaft with a crystal ball and a bird cage-like object.
"Who are you?"
Tumingin ito sa'kin at ngumiti. "Do you deserve to be with her? Can you promise me that this time, you can protect her?"
Her?
"I'll give you this last chance, Luna Nueva." Ngumiti ito. "Be sure to protect her because in this life, if she dies, you'll also die."
What?
"I'm granting your wish." Unti-unti itong naglalaho kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya pero hindi ko ito naabutan nang tuluyan akong makalapit sa kinatatayuan nito kanina.
Ang naabutan ko lang dito ay tatlong bilog na liwanag na nagsimulang magpaikot-ikot sa akin. Hanggang sa lumaki ito at balutin ako.
Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa tindi ng liwanag at sa muli kong pagdilat ay nasa ibang lugar na ako.
Sa loob ng isang kwarto, to be exact.
"Sina!"
Nanlaki ang mata ko sa biglang pagsulpot ng isang babae sa harap ko.
"I'm glad you're awake." Umiiyak ito pero bakas ang matinding tuwa sa kanyang mga mata. "Gumising ka na din sa wakas."
"Alice? Alice!"