Chapter 21

1287 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Hindi ko alam kung bakit nagkakagulo sa guild office nang dumating kami ni Alicia.   Halo lahat ay parang natataranta at bakas ang kanilang pag-aalala. At sa mga paghahandang ginagawa nila ay para bang mayroon silang kakaharaping malakas na halimaw.   Lumapit ako kay Saila. “Anong nangyayari dito?”   “We just learned last night that a powerful tamer’s roho has been stolen in an underground storage at Garnet Kingdom.” sabi niya.   “And?”   “Someone broke its seal and put the roho into someone’s body.” dagdag niya. “And that someone is kind of a villain and now, he is using those black lions to attack any village that was built near the eleven kingdoms.”   “At naghahanda ang lahat upang pigilan ang mga iyo?”   Tumango siya. “And most of the knights are already positioned around their kingdoms just in case they attack.”   Kaya siguro nagkakagulo din sa palasyo. Hindi ko na kasi nagawa pang magtanong sa mga magulang ko dahil masyado silang busy sa kanilang ginagawa.   Bumaling ako kay Alicia. “Hindi ka nila kakailanganin ang tulong mo?”   Umiling siya. “Wala na akong maitutulong pa.”   “Bakit?”   “Isang beses lang maaaring i-sealed ang isang roho.” aniya. “Kapag nasira ang seal na iyon ay hindi na maaaring ulitin dahil maaari na itong ma-corrupt at sumabog.”   “Then, ano na ang gagawin nila kapag nakuha nila ang roho na iyon?”   “They have to destroy it.”   Nanlaki ang mga mata ko.   “Masyadong malakas ang isang roho.” sabi niya. “Lalo na ang mga Hunter’s Moon. Their roho can destroy a whole kingdom in just a blink of an eyes kaya kailangan itong wasakin bago pa ito sumabog.”   “Is there no other way?”   Umiling siya. “That’s the only thing. Hindi man ito sumabog ay nasisiguro kong patuloy itong nanakawin ng mga ganid upang magamit ang kapangyarihang taglay nito.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Let’s go. Wala tayong maitutulong dito.”   “Pero--”   Hindi ko na naituloy ang akma kong sasabihin dahil nakikita ko ang madilim na mukha ni Alicia.   Pero bago kami tuluyang makalabas ay nakasalubong namin si Chein.   “Oy, anong ginagawa nyo dito?” tanong niya.   “Kukuha sana ng quest pero mukhang abala ang lahat kaya babalik nalang kami sa susunod.” sabi ko.   “No.” Agad niyang hinawakan ang kabilang kamay ko kaya natigil kami ni Alicia. “We will need your help.”   “Huwag mo kaming idamay sa kapabayaan nyo.” singhal ni Alicia.   “You know something, Alice.” ani Chein. “And it looks like you will only do what you can if this woman is involved.”   “And don’t you dare, Nomi!” banta ni Alicia at pilit akong hinihila papunta sa kanya ngunit hindi nagpapatinag si Chein.   Agad ako nitong hinila pagkuwa’y hinakbayan kaya lalo akong hindi makuha ni Alicia.   “Te-teka!” pigil ko sa kanila. “Ano bang nangyayari?”   “You best friend here can help us to find the one who holds the stolen roho.” ani Chein referring to Alicia. “But she doesn’t want to cooperate because she thinks that the one who secured those roho that she sealed before didn’t do his job properly.”   Tumingin ako kay Alicia at mukhang wala siyang planong itanggi ang sinasabi nito.   “She’s the only one who can locate it.” dagdag pa ni Chein.   “Bakit kaya hindi nyo muna pahingiin ng tawad iyong nagbabantay sa nanakaw na roho bago nyo pilitin si Alice na tumulong sa inyo?” tanong ko pagkuwa’y bumaling kay Chein. “Maybe that’s what she wanted to hear but since you guys didn’t even think about it, nagmamatigas siyang huwag kayong tulungan.” Bumaling akong muli kay Alicia. “Right?”   Hindi siya sumagot ngunit hindi din naman niya itinanggi. Nananatili lang siyang nakahawak sa kamay ko.   “Eh paano makakahingi ng tawad, hanggang ngayon nga ay wala pa ding malay.” sabi nito.   Nanlaki ang mga mata ko at muling tumingin sa kanya.   “It is not like ginusto niyang makuha ang roho’ng nasa pangangalaga niya.” sambit nito. “Nilabanan niya ang salarin pero mukhang malakas ang nilalang na iyon kaya naman napuruhan siya at hindi ganoon kaganda ang lagay sa pagamutan.”   “Damn!” mahinang sambit ni Alicia pagkuwa’y binitiwan ako at tumalikod sa amin. “Ihanda nyo ang grupo nyo at magkita tayo sa tarangkahan pagkatapos ng isang oras.”   “Alice.”   “Take care of that woman while I am gone.” At mabilis siyang tumakbo palabas ng guild office.   Alam kong responsableng babae si Alicia pero nakakabigla pa din kapag ganoon siya kaseryoso. This side of hers is kind of new to me dahil base sa alaala ni Sina ay lagi lang itong masiyahin at madaldal.   “Looks like you are stuck with me for a while.” ani Chein.   Tinapik ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko tsaka humarap sa kanya. “Mas mabuti pang asikasuhin mo na ang dapat mong gawin.”   “But--”   “Hindi ako aalis dito.” sabi ko tsaka naupo sa mataas na upuan na nasa gilid. “I will just wait here.”   “Sigurado ka ba?”   Tumango ako. “And I am not a child that needs a babysitter.”   Natawa siya. “Fine. Babalikan kita after this at sasama ka sa amin sa tarangkahan dahil iyon ang sinabi ng kaibigan mo.”   “Okay.”   Tumakbo na siya sa mga kasama niya at tumulong sa pag-aayos ng mga armas na kanilang gagamitin.   Siguro ay hindi talaga mawawala sa bawat mundo ang mga nilalang na mapaghangad sa kapangyarihan.   Natural yata iyon sa bawat nilalang na nililikha ng mga diyos at diyosa.   Well, it would be a boring life if they didn’t prepare something that will stir the world that they created.   Bumuntong hininga ako at inis na ginulo ang buhok ko. “Those gods and goddesses are all ruthless for creating this kind of world. Where no one can have a peaceful life.   They made sure that each and every creature that they create will suffer before they give the peace.   **********   “Sigurado ka bang nakahanda na ang lahat?” tanong ko kay Gilliard, ang isa sa mga heneral ng aking hukbo. “At nasa kani-kanilang pwesto na ang mga tauhan natin?”   “Yes, my queen.” sagot nito. “Hinihintay na lamang nila ang iyong utos upang simulan ang paglubos.”   Tumangu-tango ako. “Eh ang prinsesa?”   “We are still locating her.” sabi nito. “Base sa mga espiyang aking pinadala sa kanilang kaharian ay bigla itong nawala nang magtungo ito sa isang guild office.”   “Siguraduhin nyong hindi na mauulit ang nangyari kahapon kung saan muntik nyo siyang mapatay.” bilin ko. “Malaki ang koneksyon niya kay Hunter kaya naman kakailanganin ko siya ng buhay.”   “Yes, my queen.” anito. “Sisikapin kong ilayo siya sa magaganap sa paglusob.”   “Makakaalis ka na.”   Tumayo ito at yumuko pagkuwa’y tuluyang umalis sa aking harap.   Bumuntong hininga ako at tumingala. “Hindi pa ito ang tamang oras ngunit nais kong makita kung talaga nga bang handa kang protektahan ang prinsesang iyon, Hunter.”   Panoorin mong mabuti kung paano ko pahirapan ang mga nilalang na iyong nilikha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD