Chapter 20

1177 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Sinabi ko kanina na iiwasan ko si Soren dahil masyadong pamilyar ang aura niya sa akin na nagiging dahilan kung bakit naaalala ko ang nakaraan ko bilang si Luna ng Earth.   Pero bakit parang pinaglalaruan yata ako ng tadhana?   Ah, hindi ang tadhana ang may kasalanan kung bakit kasama namin ni Alicia si Soren at ngayon nga ay kasalong kumain.   Si Chein Nomi ang may kasalanan.   Siya ang nag-aya dito na sumabay na sa aming kumain kahit hindi naman kami close. At dahil nakakahiya kung hindi ako papayag ay hinayaan ko nalang.   Ah! Kung pwede ko lang batukan si Chein.   “So? Kamusta ang unang araw nyo bilang mga adventurer?” tanong ni Chein. “Did you enjoy it?”   “Enjoy sana kung walang leon na biglang susulpot sa likuran ko.” walang gana kong sabi. “At hindi ako paliliguan ng dugo.”   “Well, it was kind of my fault kaya nakalusot ang isang iyon sa amin.” ani Chein. “But you are okay.”   “Yeah, right.” Inirapan ko siya. Siya din pala ang dahilan kung bakit nagkaharap kami ni Soren kanina. Kung hindi siya nagpabaya ay hindi ko makikilala ang isang ito at hindi ko maaalala ang nakaraan ko.   “Bakit ba bigla kang naging badtrip?” tanong ni Alicia. “Okay ka naman kanina ah.”   Bumuntong hininga ako. “We missed our chance to go to the hot spring that I mentioned to you earlier.”   “Oh.” Tumangu-tango siya. “We can always go there when we have our free time.” Ginulo niya ang buhok ko. “Cheer up na.”   Huminga ako ng malalim at ngumiti. “Okay. Let’s go there next time.”   “Sure.”   Bumaling ako kay Chein. “Anyway, you said that novice field is safe from high rank monster kaya paano nakapasok doon ang isang black lion?” Sabi niya kasi before, may barrier na nakabalot sa novice field that forbid the mid and high rank monster away from it at para manatili lang sa loob nito ang mga low rank monsters.   Para din kasi itong farm dahil ang mga low rank monster na nakakulong sa field na iyon ay nagtataglay ng mga importanteng ingredients sa iba’t-ibang klase ng potions or basic things that can use in our daily lives.   “Sa ngayon ay wala pa kaming solid information about that.” aniya. “Dahil maging kami ay hindi din inaasahan ang mga nangyari. Kahit ang biglang paglalagi ng mga black lion sa parteng ito ng kaharian dahil alam ng lahat na naninirahan ang mga ito sa loob ng gubat ng Madre.”   “Hindi nyo ba naisip na baka may kumokontrol sa mga ito?” tanong ni Alicia.   “What makes you think that?”   “Black lions will never leave their nest no matter what happens.” paliwanga niya. “They would rather die in their nest than abandoning it.”   “But there are only a few people that have enough mana to control a lot of black lions.” sabi ni Soren. “And they are all dead by now.”   “You are right.” ani Alicia at seryoso siyang tumingin sa mga ito. “But what about their roho?”   Kumunot ang noo ko. Roho? Ano iyon?   “It was sealed away at the underground storage of every kingdom where they belong.” sabi ni Chein.   “Are you sure?” muling tanong ni Alicia. “Why don’t you start checking that?”   “Alam mong hindi ganoon kadali--”   “You both have that kind of power to check those storages.” pagputol ni Alicia sa akmang sasabihin ni Chein. “Why don’t you use it to solve this problem?”   Nakita ko ang pagseryoso ng dalawa pero hindi naman sila nagsalita. At ramdam ko ang namumuong tensyon kaya agad ko nang iniharang ang aking mga kamay.   “Hep!” pigil ko kaya agad silang tumingin sa akin. “Chill muna kayo, okay? Hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan niyo eh.”   Bumuntong hininga sila at nagpatuloy nang muli sa pagkain.   “Alice,” Bumaling ako kay Alicia. “Ano iyong roho na sinasabi mo?”   “Iyon ang tawag sa life source natin.” aniya. “At lumalabas ito sa katawan natin kapag namamatay tayo.”   “Eh?”   Kumunot ang noo niya. “Nakalimutan mo na din ang mga pinag-aralan mo noon?”   Napakamot ako ng ulo. “H-hindi naman.” Alam kong si Alicia ang nagsilbing teacher ni Sina sa halos lahat ng bagay pero karamihan sa mga itinuturo nito ay hindi naman iniintindi ni Sina kaya ako tuloy itong nahihirapan ngayon. Tsk!   Bumuntong hininga siya. “Roho is our life source that Hunter, the god of moon, gave to us when he created this world. Sa tuwing namamatay ang katawang lupa ng isang Thamanian, lumalabas ang roho nito at naghuhugis sa isang kahon. Nagliliwanag ng kulay pula o kaya naman ay kakulay ng buwan. Kinukuha iyon ng mga sealer na tulad ko upang ibalik sa underground storage.”   “May mga pagkakataon na maaaring ipamana sa iba ang isang roho ngunit hindi lahat ay kayang gawin iyon.” dagdag ni Chein. “Tanging ang mga roho na nagliliwanag ng tulad sa buwan ang maaaring ipasa o ipamana sa iba.”   “Tinatawag ang mga nilalang na may ganoong roho na Luna del cacciatore o Hunter’s Moon.” dagdag naman ni Soren. “They are rare and stronger than those who have red roho kaya talagang tinitingala at nirerespeto ang mga ito.”   “Iyong sinasabi niyong mga tamer na may kakayahang kumontrol sa mga black lion.” sabi ko. “Are they Hunter’s Moon or a simple Thamanian?”   “Three of them are Hunter’s moon.” sagot ni Alicia. “And I am the one who sealed them.”   Nakita ko ang pagiging alerto sa mukha nila Soren at Chein.   “Don’t tell me--”   “Yes.” sagot agad ni Alicia kahit hindi pa tapos ang akmang sasabihin ni Soren. “I felt that one of my seals broke. And it happened last night.”   Nanlaki ang mga mata nila.   “s**t!” Hindi na nila nagawang magpaalam at agad na lamang umalis habang bakas ang matinding pag-aalala.   “A-anong nangyari?” tanong ko. “Hindi ba maganda ang sitwasyon kaya ganoon nalang ang kanilang reaksyon pagkatapos ng sinabi mo?”   “Yes.” sabi niya. “And they should move faster kung gusto pa nilang mapigilan ang sinumang ginising ng walang hiyang sumira sa seal ko.”   Hindi na ako nagsalita kahit ang dami ko pang gustong itanong.   Bakas kasi ang inis sa mukha ni Alicia at parang anumang oras ay handa na siyang manapak.   Tsaka na ako magtatanong kapag kumalma na siya kaya ikakain ko nalang ito. Siguro naman ay magiging okay din ang mood niya mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD