Chapter 08

1210 Words
Sina Crisiente's Pov (Diamond Kingdom's First Princess)   "Tell me, Sina." Hinarap ako ng reyna pagpasok namin ng kwarto ko.   Medyo kinakabahan ako dahil ang seryoso ng mukha nya.   "Why do you want to help the man who tried to kill you?"   Napakamot ako ng ulo tsaka bumuntong hininga. "Dahil alam kong hindi nya iyon gustong gawin. You feel it, right? He is relief when he saw me alive kaya sigurado akong may gumamit lang sa kanya para patayin ako."   Tumangu-tango ito. "If what you think is right, do you think he will just told you everything?"   Yumuko ko. "Alam kong hindi magiging madali iyon pero nagbakasakali pa din ako. Kung mapaparusahan sila ng pamilya nya, mawawalan tayo ng lead kung paano mahahanap ang talagang gustong pumatay sa akin."   Lumapit ang reyna at niyakap ako. "I told you, right? We'll protect you no matter what happen. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Minsan na akong nawalan ng anak dahil sa labis na pagtitiwala kaya handa akong gawin ang lahat para mapanatili ang kaligtasan mo."   "Mom." Kumalas ako ng yakap sa kanya. "This is not about who should be protected. It is about how we help each other to make sure our safety. I want to do what I can do to help you. We're family and we're supposed to get each others back, right?"   Tinitigan nya ako at bumuntong hininga. "You've really change, Sina."   "Is that bad?   Muli syang bumuntong hininga ngunit kasunod nito ay ngumiti na sya at hinaplos ang pisngi ko. "No. I like this version of you. You are so much like your brother."   Medyo nakaramdam ako ng lungkot nang mabanggit ang kapatid ni Sina.   Limang taon ang agwat ng edad ni Sina at ng kapatid nya pero nananatili silang close at halos hindi mapaghiwalay. At nang minsang malagay sa panganib ang buhay nila ay ito ang nag-suggest na ikulong si Sina sa tower na iyon hangga't hindi nahuhuli ang lahat ng kalaban nila.   "But I have to be honest with you in this issue." sabi ng reyna. "Hindi mo pwedeng tulungan ang lalaking iyon sa kahit na anong paraan."   Kumunot ang noo ko. "Bakit po?"   "Hindi lang ikaw ang napahamak dahil sa lalaking iyon. Maging si Alicia at magkakaproblema tayo sa magulang nya kung hindi natin susundin ang batas ng palasyo." aniya. "Isang malaking pabor na ang ginawa nila sa'tin nang pumayag silang ito ang mag-alaga sayo habang nakakulong ka sa tower kaya hindi tayo maaaring magpadalos-dalos sa usaping ito."   "Pero—"   "I'm sorry, Sina. Pero hindi ka pwedeng makialam sa kasong ito or else, magkakaproblema tayo sa buong palasyo." madiin nyang sabi.   Napabuntong hininga ako. Mukhang wala akong magagawa sa oras na ito para makatulong sa kanila. I just let them do their job. "Fine. Hindi na po ako makikialam."   Ngumiti sya tsaka hinaplos ang buhok ko. "Mas mabuti pang maglibot ka muna sa palasyo bukas at hayaan mong ako ang umasikaso ng tungkol sa usaping ito. Sasabihan nalang kita kapag kailangan ko ng salaysay mo."   Bumuntong hininga ako at tumango. "I will do what you say, mom."   __________   Sienna Cresiente's Pov (Diamond Kingdom's Queen)   Hindi ko lubos maisip na ganoon kalaki ang naging pagbabago kay Sina mula nang malagay sa tiyak na kamatayan. Na parang bigla syang naging ibang tao. Mula sa pag-uugali, pagkilos at maging ang kanyang emosyon ay nagbago. Hindi ganito ang aking anak na ikinulong sa toreng iyon.   Pero ramdam ko pa din ang pagmamahal at pag-aalala nya sa'min bilang mga magulang nya kaya alam kong sya pa din ang anak ko.   Siguro ay ganoon talaga ang epekto kapag nasa bingit ng kamatayan ang isang nilalang. Nagbabago ang lahat.   "Mahal na reyna." dinig kong tawag mula sa labas ng silid. Agad kong ikinumpas ang aking kamay kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto.   Doon bumungad ang mga kawal ng palasyo na inatasan kong magbantay kay Luke, ang lalaking muntik makapatay kina Sina at Alicia.   "Anong ginagawa nyo dito?"   Agad silang lumuhod at yumuko. "Patawarin nyo kami, mahal na reyna. Kunin nyo po ang aming buhay kapalit ng aming kapabayaan."   Kumunot ang noo ko sa narinig. "Anong nangyari?"   "Natagpuang wala nang buhay si Luke Meider sa kanyang selda." sagot ng isa na ikinalaki ng aking mga mata.   Kinuha ko ang aking robe at agad nagtungo sa kulungan.   Naabutan ko doon ang iba pang kawal na kinakausap ang ibang bilanggo kaya dumeretso ako sa selda kung nasaan si Luke at nanlaki ang mata ko sa nasaksihan dahil ang buong katawan nito ay mistulang lantang gulay.   Bali-bali ang buto at pinagsasaksak ang halos lahat ng parte ng katawan. Ngunit ang ikinamatay nito ay ang pagkaubos ng dugo na syang nagkalat sa buong selda nito.   "Mahal na reyna." Agad lumapit sa akin ang punong bantay at lumuhod. "Nang makaalis kayo kanina kasama sina Princess Sina at Lady Alicia ay wala nang iba pang pumasok. At ayon sa huling pagpapatrol na naganap bago maghating gabi ay maayos pa ang kalagayan ng binata."   "Anong oras ninyo sya nakitang ganito?" Sigurado akong mapanganib na nilalang ang nasa likod ng pagtatangka sa buhay ni Sina dahil nag-abala pa silang patahimikin ang nilalang na ito upang hindi sila makilala.   "Past 1am." Bawat oras ay nagpapatrol ang mga kawal para masigurong walang makakatakas sa mga bilanggo kaya paanong nakapasok dito ang pumatay sa lalaking ito nang hindi napapansin sa iba? "At ayon sa mga bilanggo ay wala silang nakita o naramdamang kakaiba bago matulog. Nagising lang sila dahil sa pagkakagulo ng mga kawal."   "Asikasuhin nyo ang bangkay pagkatapos ay ihanda ang lahat ng kawal at bilanggo. Gusto kong makausap ang lahat ng nasa kulungang ito bago at pagkatapos nyong madiskubre ang katawan nito." Hindi ko alam kung anong binabalak ng mga nilalang na nasa likod nito. Bakit gusto nilang patayin si Sina? Sila ba ang pumatay sa panganay ko? Sinu-sino sa mga taong nasa paligid namin ang idadamay nila? At sino sa kanila ang nagbibigay ng impormasyon sa mga taong ito?   "Mahal kong reyna." Sinalubong ako ng hari na bakas ang pag-aalala. "Nakarating sa akin ang nangyari sa bilangguan."   "I will take care of this things." sabi ko. Marami nang inaasikaso ang hari kaya hindi na dapat sya mabahala pa dito. "Pero may isang pabor ako na maaari mo bang pagbigyan."   Tumango sya. "Huwag kang magdalawang-isip na magsabi ng lahat ng kailangan mo, mahal ko."   "It is about Riore and Niva."   Saglit syang natigilan pagkuwa'y muling tumango. "Kung ano man ang pinaplano mo ay susuportahan kita dahil alam kong para sa kabutihan ng anak natin at ng kaharian ang gagawin mo."   Ngumiti ako. Alam kong basta may kinalaman kay Sina at sa kaharian ay hindi sya magdadalawang isip na pagbigyan ang anumang hilingin ko. Nagpapasalamat ako dahil kahit madalas nakatali ang kamay nya sa ilang bagay tulad na lamang ng pag-aasawa ng higit sa akin.   Alam kong gusto nyang pangalagaan ang pagsasama namin biglang mag-asawa pero dahil kailangan nya ng dagdag na suporta para mapaunlad at mapalakas ang kaharian ay hindi na sya tumutol ng imungkahi ng inang reyna ang pagkuha nya ng ikalawang asawa.   Kaya kailangan ko syang intindihin kahit masakit sa akin ang magkaroon ng kahati sa atensyon at pagmamahal nya.   Para kay Sina at sa buong Diamond Kingdom, handa akong gawin ang lahat masiguro lang ang ikabubuti nila.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD