Chapter 37

1151 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “Are you ready?” tanong sa akin ni Soren nang dalhin niya ako sa panibagong restaurant. Nasa downtown ito ng kaharian at hindi pa namin ito napupuntahan ni Alicia noong naggala kami.   “Ano bang mayroon dito?” tanong ko imbes na sagutin siya. “At ano bang ginagawa natin dito?”   “Just answer my question.”   Napasimangot ako dahil sa pagiging demanding niya kaya bumuntong hininga nalang ako at tumango. “Fine.”   Hindi na siya nagsalita at dahan-dahan nalang binuksan ang isang VIP room na naka-reserve yata sa isang grupo dahil agad kong narinig ang kanilang sunod-sunod na pagsasalita.   Pumasok kami doon at bumungad sa akin ang dalawang lalaki at isang babae na siyang nagkukulitan habang kumakain.   “Guys.” agad ni Soren sa atensyon ng mga ito.   Bumaling sila sa direksyon namin at agad tumayo pagkuwa’y dinambahan ng yakap si Soren.   “Young master!” Mangiyak-ngiyak pa sila habang mahigpit na nakapulupot ang mga braso sa iba’t-ibang parte ng katawan ni Soren.   “Ilang araw ka na naming hinahanap.” sabi ng babae. “Mula nang malaman mong narito din kami, siniguro mo nang hindi ka namin agad mahahanap.”   “Master, bakit mo naman ginawa ito sa amin?” sambit ng isang lalaki. “Alam mong kapag hindi kami nakapag-report sa iyong ama tungkol sa kalagayan mo dito ay kami ang malilintikan.”   “Sigurado pang pauuwiin agad kami.” sabi pa ng isang lalaki. “Don’t put us into trouble just because you can’t have the privacy that you want.”   Nakita ko kung paano sumimangot ang mukha ni Soren habang pinipigilan ang sarili na huwag saktan ang mga nakapulupot sa kanya.   Tingin ko ay kabilang ang mga ito sa knights niya na naglalayong siguruhin ang kanyang kaligtasan habang nandito siya sa kaharian namin.   Pero dahil hindi gusto ni Soren ang pagsunod ng mga ito sa kanya ay tinataguan niya ang mga ito.   At malaking problema iyon lalo pa’t sa pagkakaalala ko ay mainit-init ang posisyon ng Tourmaline at Diamond Kingdom sa isa’t-isa.   Bumuntong hininga ako.   Hindi ko alam kung bakit ba ako dinala dito ni Soren at hindi ko agad iyon malalaman kung hindi titigil sa kakangawa ang mga knights niya.   Huminga muna ako ng malalim tsaka tumikhim na siyang nakaagaw ng kanilang atensyon.   Agad tumaas ang kilay ng babae habang ang dalawa namang lalaki ay agad naalerto.   “Sino ka?” tanong ng babae.   “Luna Nueva.” Si Soren na ang sumagot. “Alam niya kung sino ako and I can assure you that she is not a threat so don’t make it a big deal.”   Agad nawala ang tensyon sa dalawang lalaki ngunit ang babae niyang knight at nakatitig pa din sa akin.   “Miley?” tawag ni Soren dito.   “I want to see her face.” sabi nitong Miley pala ang pangalan. “Hindi porket sinabi mong hindi siya threat ay hindi ko na--”   Tinalikuran ko siya at akmang lalabas ng silid na iyon ngunit agad naman akong hinawakan ni Soren sa braso kaya hindi ko ito natuloy.   “Don’t insist on seeing her face, Miley.” madiin na sambit ni Soren kaya bumaling ako sa kanya. “She is my friend and she will not do anything that may expose my identity in this kingdom.”   “At paano ka nakakasiguro doon?” tanong pa ni Miley. “Sa nakikita ko, kailan mo lang naman nakilala ang babae--”   “Wait.” putol ng isang lalaki kay Miley. “Are you the Luna Nueva that the whole Diamond Kingdom is talking about?”   “If it is about the novice who managed to tame a bunch of black lions, then yes.” sagot ko. “I am Luna Nueva.”   Nanlaki ang kanilang mga mata pagkuwa’y agad silang lumuhod.   “Ipagpatawad mo ang aking kapangahasan, Princess.” sambit ni Miley habang nakayuko. “Pasensya na po kung hindi ko kayo agad nakilala.”   Bumaling ako kay Soren dahil hindi ko maintindihan kung bakit kilala ako ng mga ito bilang ang prinsesa ng kahariang ito.   “Miley is from the house of Windsor.” aniya. “Kneo is from the house of Mariella and Jada is from the house of Huai.”   Sa pagkakaalam ko, ang tatlong pamilyang kanyang binanggit ay ang tatlong pinakamataas na duke sa Tourmaline Kingdom. Ang mga ito din ang pinakamalapit sa hari ng kaharian nila kaya hindi na nakakapagtaka na malapit din sila sa tagapagmana ng trono.   And I think, them being the son and daughter of those dukes gave them the information about my appearance kaya agad nila akong nakilala.   “Tumayo na kayo diyan.” sabi ko. “You don’t need to kneel in front of me dahil wala tayo sa pormal na pagtitipon. At hindi ang prinsesang inyong kilala ang kaharap nyo ngayon.”   Dahan-dahan nilang iniangat ang kanilang ulo para tumingin sa akin.   Itinuro ko ang mask na nakatakip sa kalahati ng mukha ko. “Sa tuwing suot ko ang maskarang ito, ako lang si Luna Nueva. Isang simpleng adventurer kaya hindi nyo kailangang gawin iyan.”   “Pero--”   “Just do what she said.” singit ni Soren. “Hindi din pwede na tratuhin nyo siyang isang prinsesa kapag nakaganyang postura siya. Maaari iyong ipagtaka ng makakakita at baka posible pa iyong magamit ng mga nagtatangka sa buhay niya para malaman ang kanyang pagkatao.”   Tumayo ang tatlo at tumango.   “Kung iyon ang nais mo,” sabi ni Miley. “Iyon ang aming susundin.”   Ngumiti ako kahit alam kong hindi naman nila iyon makikita dahil ang natatakpan sa mukha ko ay mula sa ibaba ng aking mga mata hanggang sa aking leeg.   May marka din kasi ako sa leeg na isang palatandaan na ako ang tagapagmana ng kahariang ito. May isinusuot din akong hair extension kaya higit na mahaba sa normal ang aking buhok at may mga temporary highlight reddish color ito na pwedeng hugasan ng solution na tanging si Alicia lang ang nakakagawa.   “Anyway,” Bumaling ako kay Soren na ngayon ay nakaupo na sa isang tabi at nagsisimula nang kumain. “Bakit mo nga ba ako dinala dito?”   “Maupo ka muna at kumain.” aniya. “Mamaya ko ipapaliwanag sayo.”   “Alam mong wala akong panahon para--”   “Just sit down.” Hinila na ako ni Miley para makaupo. Binigyan din niya ako ng extrang chopstick. “Mas masarap mag-usap kapag busog.”   Tinitigan ko lang sila at ilang sandali ay bumuntong hininga nalang ako.   Kung maghihintay lang din naman ako hanggang sabihin niya ang dahilan ng pagpunta namin dito then susulitin ko na ang pagkain.   Inistorbo din naman kasi niya ang pagkain ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD