Chapter 38

1141 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “So?” Muli kong agaw sa atensyon ni Soren nang marami-rami na ang nakakain ko. “Bakit mo ba talaga ako dinala dito?”   Inaasahan kong may malalim siyang dahilan pero napanganga ako at muntik pa ngang mahulog ang chopstick na hawak ko nang bigla siyang magkibit-balikat. “No particular reason,” sabi niya. “I was just feeling guilty to leave you there when I know that your mind is in a mess. Kaya isinama nalang din kita dito. Isa pa, mas masarap kumain nang may kasalo, hindi ba?”   Hindi ako nakasagot dahil hindi ko din naman alam kung ano ba ang dapat sabihin. It is not like I am mad. Mabilis kaya akong makaintindi kaya hindi na big deal sa akin kung dinala niya ako dito.   Though I can’t help but admire him a little for showing some concern to someone that he might become his enemy in the future.   “Don’t look at me like that.” Natauhan ako nang bigla niya iyang sabihin. “Like what I said before, I am just a normal silver rank adventurer so stop admiring me for being concerned even though we might become future enemies.”   Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napatayo din ako at walang pakundangan siyang itinuro. “Paano mo nalaman ang iniisip ko?”   “Your eyes are too transparent, idiot.” Inirapan niya ako.   “Eh?”Agad kong tinakpan ang mga mata ko at muling naupo. Doon ko na-realize na mula nang magising ako bilang si Sina ay nahihirapan na akong itago ang nararamdaman ko. I can’t even do a proper poker face kaya madali ding nakikita ng mga nasa paligid ko kung ano ang nararamdaman ko.   Tulad nalang ng reyna. Kahit na saglit lang naman kami nagkikita tuwing gabi pagkauwi ko ay madali din niyang nasasabi kapag may problema ako. At tulad ni Alicia, na kahit hindi ako magsalita ay agad niyang nalalaman kapag may gumugulo sa isipan ko.   “Anyway,” Sumingit na si Miley. “Bakit nga ba hindi mo siya maiwan kung saan mo siya nakita, Young master?”   “She is thinking too much.” sambit ni Soren. “Ask her if she wants to tell you.”   Inalis ko ang kamay ko sa mga mata at doon ko nakitang nakatingin na pala sa akin ang tatlong knights ni Soren. Bakas sa kanilang mga mata na gusto nilang malaman ang problema ko kaya napabuntong hininga na lamang ako at sumandal sa kinauupuan ko.   “My life has a lot of trouble,” panimula ko. “Marami ang gustong pumatay sa akin nilang ang unang prinsesa at tagapagmana ng kahariang ito. At marami din ang naghahabol sa akin bilang ang adventurer na si Luna dahil iniisip nilang maaari akong maging isang hadlang sa mga plano nila laban sa kahariang ito.”   “So?” tanong ni Jada. “Natural na iyon, hindi ba? Iyon ang buhay na nakatatak na sa bawat miyembro ng royal family. Iyon ang kapalit ng marangyang buhay na inyong tinatamasa.”   “Wala naman akong problema doon,” sabi ko. “Tanggap ko iyon at nakahanda akong harapin ang kapalaran kong iyon pero ang iniisip ko ay ang kaligtasan ni Alice.”   “The house of Amero’s heiress.”   Tumango ako. “Alam ko ang hirap na dinanas niya when I was still the coward and weak princess na nagkulong sa itaas ng isang tore. I know how hard it is to be with me and I admire the patience that she has for me. I really do appreciate all the things that she did for me and I am sure, hindi ko iyon basta-basta maibabalik.”   “Well, we heard your situation.” sabi ni Kneo. “And based on that, we can say that the daughter of Duke Amero is a great person.”   “She is.” mabilis kong sabi. “She is the greatest person I ever met in my life, that's why I am scared that she might face death once again if I let her remain by my side.”   “Oh.” Sabay-sabay silang tumango.   “We understand your point.” sabi ni Miley. “But--”   Kumunot ang noo ko. “But?”   “Who are you to decide whether she will stay by your side or not?” aniya. “In the first place, wala kang choice doon. Alice wants to be with you. Being a princess or adventurer. She wants to help you with anything.”   “But it could endanger her life.”   “Aware si Alice sa consequence na iyon.” sabat ni Jada. “And I am sure, from what she is feeling towards you, she is willing to sacrifice herself just to make sure that you will leave.”   “Iyan nga ang ayokong mangyari.”   “But you don’t have any choice.” sabi naman ni Kneo. “It is not just because of her feelings for you. It is also a responsibility dahil hindi ka lang naman basta mamamayan ng kahariang ito.”   “W-what?”   “Bago ka maging kaibigan ni Alicia, ikaw ang tagapagmana ng kahariang ito, Princess Sina.” ani Miley. “It is her responsibility to make sure of your safety not only because you are her friend but also because you will be their leader in the future. She is not just doing this for herself, she is also doing this for the whole kingdom that you will protect soon once you get to the throne.”   “Bago kayo naging magkaibigan, may kanya-kanya muna kayong responsibilidad na kailangan nyong gampanan.” dagdag pa ni Jada. “And it looks like you are forgetting that important thing.”   I didn’t forget that I am the princess of this kingdom. Hindi ko din nakakalimutan na ako ang tagapagmana ng trono at sa hinaharap ay papasanin ko din ang responsibilidad na pinapasan ng hari ngayon.   Pero ang nakalimutan ko ay ang dahilan kung bakit nga ba naging malapit sina Alicia at Sina.   It is not like fate did something for them to meet. Nagkataon lang na pareho silang ipinanganak sa pamilyang ilang libong taon nang magkaibigan kaya hindi na nakakapagtaka na maging malapit sila.   Ah! Inis kong ginulo ang aking buhok.   Alicia is just doing her responsibility. Treating me as her friend is just a bonus from the process kaya wala talaga akong karapatang isipin na ilayo siya sa problemang kinakaharap ko.   Because in the first place, malaking problema din ang kakaharapin niya, maging ng buong kaharian kapag may nangyaring masama sa akin.   Bumuntong hininga ako.   “Now, I am starting to hate being the princess and heiress of this kingdom..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD