Chapter 25

1316 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Dahil abala si Alicia sa pag-aalaga sa mga kaibigan niyang black lion ay ilang araw na siyang hindi nakakapunta sa palasyo.   Hindi din kami nakakapunta sa guild office dahil siya lang ang gusto kong makasama sa party at para sabay kaming mag-level up.   At hindi din ako nagpupunta sa farm nila dahil baka makaistorbo lang ako sa pagpapalakas ng mga black lions. Kaya sinabihan ko nalang si Alicia na sabihan ako kapag okay na ang lahat para mapag-usapan na ang tungkol sa kontratang papasukin ng mga black lion.   At sa mga araw na iyon ay hindi natatahimik ang buhay ko.   Iyong mga kapatid kasi ni Sina ay nagsisimula nang manggulo sa akin at magmaldita. They are trying their best to bully me pero agad naman akong nakakaiwas sa kanila.   At ikinaiinis nila iyon kaya sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon ay itutulak nila ako o kaya naman ay papatidin.   Napapailing nalang ako sa pagiging isip-bata nila at hindi ko na pinapatulan dahil ayoko din namang gumawa pa ng gulo sa loob ng palasyo.   “Nakita ko ang ginawa sayo ng mga kapatid mong babae.” sabi ni Mommy matapos naming mag-dinner at ngayon ay nakatambay sa balcony ng kwarto ko at nagpapahangin. “Bakit hindi mo sila pinatulan?”   “Wala akong mapapala doon eh.” sabi ko. “Sasayangin ko lang ang oras at effort ko para sa kanila. Tsaka nagpapakaisip-bata lang ang mga iyon.” dagdag ko pa. “Pero nakakapagtaka na higit isang linggo na din ang nakaraan nang lumabas ako ng tower pero ngayon lang nila naisipang bwisitin ang araw ko.”   “Takot sila kay Alicia.” natatawang sambit ni Mommy. “Kaya hindi sila gumagawa ng kahit anong masama sayo kapag kasama mo ito.”   “Eh?”   Tumangu-tango siya. “Minsan na kasing pinatulan ni Alicia ang mga kapatid mo noong minsang pinag-uusapan ka ng mga ito dahil sa pagkukulong mo sa tower.”   “Buti ay hindi nyo pinarusahan si Alicia?” tanong ko. “Hindi ba’t isang krimen ang p*******t sa mga prinsipe at prinsesa.”   “Pero krimen ding maituturing ang pagsasalita ng masama sa tagapagmana ng trono.” kontra niya sa akin. “Na kahit ang mga prinsipe at prinsesa ay hindi makakaligtas sa batas na iyon kaya naman nagkasundo ang mga royal consort at si Lady Asia na ituring na lamang iyong isang away-bata.”   “Oh.” Hindi ko akalain na ganoon pala katakot ang mga pasaway kong kapatid kay Alicia. At ngayon ay naiinitindihan ko na kung bakit ngayon lang sila nagsisimulang mam-bully.   “Anyway, ngayon ko lang uungkatin ang nangyari sa tarangkahan.” sabi niya. “Totoo bang ikaw ang dahilan kung bakit hindi ganoon kalaki ang casualty sa nangyaring gulo?”   “Well, I am not sure about that.” sabi ko. “Pero iyon ang sinasabi nila dahil nagawa kong pigilan ang halos kalahati ng mga black lion sa pag-atake sa mga adventurer na tumanggap ng quest na iyon.”   “And they also said that you are the one who shot an explosive light arrow that damaged the body of your enemy and stopped him from his plan of escape.” dagdag niya.    “Ah, looks like it.”   Isa din iyon sa iniiwasan ko sa guild building dahil iyon ang mainit na usapan sa buong kaharian.   Na mga novice ang tumulong sa lahat kaya’t naging madali ang pagtapos ng gulo at mabilis na nahuli ang salarin sa paggamit at pagkontrol sa mga black lions.   Syempre, hindi lang ako ang pinag-uusapan. Maging ang mga ginawa ni Alicia.   Iyong pagbibigay niya ng impormasyon sa kung ano ang posibleng dahilan ng pagkakapadpad ng mga black lion hindi kalayuan sa kahariang ito. Maging ang lokasyon ng nawawalang roho, ang pagprotekta niya sa lahat, maging ang paggawa niya ang isang light arrow na sumasabog na noon lamang nila nalamang maaari pala.   Kaya sikat na sikat ang pangalang Luna at Alice.   “At idine-demand ng mga nasasakupan natin na bigyan ng karangalan ang dalawang adventurer na ito.” Bakas ang matinding kaligayahan sa mga mata niya at nakikita ko din kung gaano siya ka-proud sa akin. “Do you want me to prepare for it?”   Mabilis akong umiling. “Ayoko ng ganoon.”   Aish! Alam ko naman na required ang mga ganoong tradisyon sa ganitong klaseng kultura pero ayoko pa din na ipangalandakan sa buong kaharian ang mukha ko.   Hangga’t maaari nga ay gusto kong itago ang itsura ko sa iba--   Ah!   Napatayo ako. “Right!”   Kumunot ang noo ng aking ina. “Care to tell what is in your mind?”   “We can hold that ceremony without letting them see our face,” sabi ko. “We can accept the reward in front of the whole kingdom without them knowing our face.”   “And how are we supposed to do that?”   “Mask.” I said. “Pwede kong kausapin ang mga taga-Ruwan Rai na ilihim ang identity namin ni Alicia dahil ayaw namin ng kahit anong inconvinience sa pagle-level up namin at nasisiguro ko naman na hindi nila kami bibiguin.”   “At sa tingin mo ba ay maniniwala silang ang tunay na Luna at Alice ang nasa likod ng maskara?” tanong niya.    “I can prepare something that will prove that.” sambit ko. “Something that only me and Alicia can do.”   Napaisip siya pagkaraan lamang ng ilang sandali ay tumangu-tango siya. “Kung alam mo naman pala ang iyong gagawin, sa tingin ko ay wala nang dahilan para hindi pumayag.”   Sa ganoong paraan din ay maihihiwalay ko ang buhay ko bilang adventurer na si Luna at bilang prinsesa at tagapagmana ng trono bilang si Sina.   “Ahm, mom?”   Tumaas ang kilay niya sa akin at siguradong napansin niya agad ang pagbabago ng tono ng boses ko. “May kailangan ka?”   Napanguso ako. “Tinawag ka lang, may kailangan agad?”   Ngumisi siya. “Alam kong malaki ang pagbabago mo at hindi pa ganoon katagal mula nang lumabas ka ng tower pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko agad makikilala ang mga manerism ng anak ko.”   Napaiwas ako ng tingin. Observant nga pala ang nanay ni Sina.   “So? Ano ba ang kailangan mo?”   Naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. “Pwede akong magpa-tattoo?”   Kumunot ang noo niya. “Tattoo?”   Tumango ako. “Iyong pagbuburda sa katawan gamit ang ink at karayom. Permanente iyon at hindi basta mabubura sa katawan.”   “At bakit gusto mo ng ganoon?”   “May marka lang akong gustong ilagay sa likod ng braso ko.” sabi ko. “Marka na siyang pagkakakilanlan ko bilang si Luna. Markang makikita ng lahat dahil hangga’t nagtatago ako sa likod ng maskara ay marami ang maaaring magpanggap bilang si Luna at gamitin ang pangalan nito upang makapanakit ng iba.”   “I can see your point.”   “Ayokong makita ng mga tao na isang masamang nilalang si Luna.” sabi ko. “Gusto kong ipakilala sa lahat ang adventurer na si Luna na handang tumulong sa mga nahihirapan. Na handang pumrotekta sa mga mahihina.”   “Bakit hindi mo iyan gawin bilang si Sina?”   Ngumiti ako. “Iba kasi si Sina. At iba si Luna. Dalawang katauhan iyon na may magkaibang responsibilidad na tatahakin. At gusto kong makilala sila base sa daang kanilang tatahakin.”   At tulad nga ng sinabi ko noon, gusto kong mabuhay sa mundong ito hindi lang bilang si Sina, kundi maging si Luna .   Ayokong habang buhay na maglaho ang katauhan kong iyon kahit pa tinanggap ko na ang buhay ni Sina.   Dahil sa katauhang si Luna ko nakilala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko at hindi ko iyon hahayaang mawala sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD