Chapter 58

1391 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “You will get engaged with each other and the official party will be on the full moon.” Iyan ang pinal sa sambit ng hari matapos niya kaming paalisin sa library kahit hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla nang i-announce niya ang kasunduan ng dalawang kaharian na ipakasal kami.   Alam kong normal ang ganoong proseso sa ganitong klaseng sistema ng isang bansa o kaharian. Na ang mga magulang ang nagdedesisyon sa kung sino ang mapapangasawa ng kanilang anak at kailan ito magpapakasal sa lalaking kanilang mapipili.   Pero sana naman ay binigyan muna nila ako ng konsiderasyon lalo na’t isang buwan pa nga lang mula nang magising ako sa mundong ito.   Inis kong ginulo ang buhok ko tsaka ibinagsak ang sarili sa damuhan.   Nandito ako sa garden ng palasyo at kasama ko pa din si Soren. Bago kasi ako pinaalis ng library ay sinabihan ako ng reyna na mag-usap muna kami nito dahil biglaan din ang bagay na ito sa kanya.   “Alam mo ba ang bagay na ito?” tanong ko kay Soren.   Nakahiga na siya sa tabi ko at relax pang nakatitig sa langit. “Kanina ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na ito nang makabalik galing sa kaharian namin sina Miley at Jada. Dala nila ang isang opisyal na utos ng hari na nagsasaad na kailangang kong pumunta dito at tanggapin ang kasal na itatakda ng iyong ama.”   “And you are okay with that?”   Nagkibit balikat siya. “Matagal ko nang alam na hindi ako ang magdedesisyon kung kailan ang magiging kasal ko lalo na kung sino ang mapapangasawa ko.” Bumaling siya sa akin. “Though, may instances pa din naman na pinapayagan nila kaming mamili kung sino ang babaeng gusto naming pakasalan pero kailangan naming siguraduhin na galing ito sa pamilyang may mataas na estado sa buhay.”   Napaismid ako.   Tipikal na ang ganoong rules sa mga monarkiya at ikinakainis ko iyon.   Back when I was still on earth, isa sa naging target ko ay asawa ng prinsipe ng isang malaking bansa. At ang client, ang dating nobya ng prinsipeng iyon na dapat ay pakakasalan pero hindi natuloy dahil sa matinding pagtutol ng pamilya ng prinsipe.   Isang hamak na small business owner lang ang babaeng iyon at hindi kabilang sa kahit anong pamilya na may mataas na estado ng buhay. Habang ang ipinakasal naman sa prinsipe ay anak ng may-ari ng pinakamalaking kumpanya sa bansang iyon.   Bumuntong hininga ako.   Kahit saang mundo talaga, hindi naiiwasan ang pagiging mapagmataas ng isang tao. Lalo na kung may kinalaman sa kapangyarihan.   Gagawin ng isa ang lahat upang makamit lang ang ninanais nito.   “Ibig bang sabihin nito ay wala kang gagawin para pigilan ang kasalang ito?” tanong ko na inilingan niya. “Bakit?”   Bumangon siya at ginulo ang kanyang buhok. “To be honest, I feel like it is actually my fault why our father decided something like this.”   Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. “What do you mean?”   “Naaalala mo pa ba  iyong araw na dinala kita at nakaharap mo ang mga knights ko?” tanong niya na tinanguan ko.   Iyon kaya ang unang beses na nakilala ko sina Miley, Jada at Kneo. At ang mga ito ang nagpaintindi sa akin ng mga bagay na ginagawa ni Alicia kaya naging maayos kaming muli.   “That was the first time they saw me with a woman.” aniya.   “Eh?”   Tumangu-tango. “They actually think before that I don’t really have any interest on any woman dahil kailanman ay iniiwasan kong mapalapit sa kanila.”   “Wait.” pigil ko. “But you are too close to Miley.”   “Well, she is exemption because I don’t really have any choice when my father puts her in charge as my knight.” aniya. “But aside from her, wala akong ibang kinakausap sa kaharian namin. Habang noong lumipat naman ako dito ay kaswal lang din akong makipag-usap.”   “So, they think that you are gay?”   Natatawa siyang tumango. “So, me being close with you is actually a big deal with all my friends and family, especially our kingdom.”   “Oh, gosh!” Inis ko siyang pinaghahampas. Tinatanggap naman niya iyon pero tinatawanan pa din niya ako. “It is your fault.”   “Yeah, yeah.”   Tinigilan ko na siya dahil mukhang hindi naman niya iniintindi ang inis ko pero inirapan ko muna siya bago nahiga sa damuhan.   “I know that you don’t want this kind of marriage but can I know why?” tanong niya. “Ang alam ko kasi ay natural din ang ganitong tradisyon sa inyo kung saan ang mga magulang mo ang mamimili kung sino ang mapapangasawa mo at kailan ka mag-aasawa.”   “Marami pa akong dapat asikasuhin.” sabi ko. “At pakiramdam ko ay ngayon palang nagsisimula ang ikalawang parte ng buhay ko dahil ilang taon din akong nagkulong sa tore.”   Well, I can say that ilang taon din akong nakakulong sa bisig ni Hyun kaya ngayong nabigyan ako ng pagkakataong maging malaya ay gusto ko itong sulitin habang isa-isang ginagawa ang mga responsibilidad na iniwan sa akin ni Sina.   And… There is Kronen.   “Ah!” Napatayo ako nang maalalang nandito nga pala ang lalaking iyon kanina. At kasama pa niya ang bruha kong kapatid.   Hindi kaya tungkol din sa posibilada na engagement ang dahilan kung bakit sila magkasama? Sa kanya ba ipinagkakasundo ng mga magulang ko si Klarin? Ang kaharian ng Aquamarine ba ang napili ng mga magulang ko para maging bagong tahanan ng bruhang iyon?   “Hey.” Bumaling ako kay Soren. “Anong nangyari sayo?”   “I need to go somewhere.” Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at agad na akong tumakbo pabalik ng palasyo.   Nang lumabas ako ng library kanina, si Siege ang sumunod na pinapasok kaya tingin ko, sa mga oras na ito ay nandoon pa sila sa labas ng library kaya doon na ako dumeretso.   At hindi nga ako nagkamali.   Kalalabas lang ni Karin nang matanaw kong pumasok naman sina Klarin at Kronen kaya agad ko nang tinakbo ang layo noon.   At nang marating ko ang saradong pintuan ng library ay agad akong hinarang ni Karin.   “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” taas kilay nitong tanong kaya isang masamang tingin agad ang ibinigay ko sa kanya. Bahagya naman siyang napaatras at bakas ang takot sa kanyang mga mata pero mukhang walang balak magpatinag ang isa pang bruhang ito. “H-hindi ikaw ang gustong makausap ng ating ama.”   “Sa tingin mo ba ay ikaw ang gusto kong makita sa mga oras na ito?” balik tanong ko sa kanya.   Kapag ganitong masama ang mood ko ay huwag niya akong sabayan. Wala na akong pakialam kung isang mahinang nilalang ang tingin nila sa akin noon. Ibang tao na ang nasa loob ng katawang ito kaya dapat lang ay matuto na silang lumugar sa dapat nilang kalagyan.   “P-pero--”   Tinabig ko siya dahilan kaya napaupo siya sa tabi pagkuwa’y binuksan ang pinto ng library.   Napalingon sa akin ang lahat ngunit nananatili lang ang aking mga mata sa lalaking mukhang handa yatang magpakasal sa ibang babae sa kabila ng mga salitang binitiwan niya sa akin noong mga panahong pumupislit siya sa kwarto ko.   “What are you doing here, Sina?” tanong ng hari.   “Gusto ko lang malaman kung ano ang ginagawa ng tagapagmana ng Aquamarine Kingdom dito.” sabi ko pagkuwa’y bumaling sa aking ama. “Hindi po ba pwede?”   Napakamot siya ng ulo pagkuwa’y bumuntong hininga. “Hindi naman sa ganoon pero--”   “Tamang-tama po ang pagdating ng inyong tagapagmana.” sabi ni Kronen tsaka naglakad palapit sa akin.   “Prince Kronen.” tawag dito ng aking ina.   Hanggang sa tuluyan itong makalapit sa akin at biglang hinapit ang aking baywang para mapalapit sa akin.   “Tinatanggihan ko po ang pagpapakasal sa anak nyong si Klarin dahil ang babaeng aking nagugustuhan ay ang anak niyong si Sina.” sambit nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. “Siya po ang aking iniibig at handang pakasalan.”   “Oh, god.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD