Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)
“Oh, well.”
Bumuntong hininga ako nang marinig ang boses ni Klarin. At sa tono ng boses niyang iyon, nasisiguro kong hindi maganda ang dahilan kaya niya niya kinuha ang atensyon ko.
Wala na sana akong planong pansinin siya ngunit nakaramdam ako ng pamilyar na aura kaya agad akong bumaling sa pinanggagalingan noon.
At nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita ang isang pamilyar na mukha na siyang katabi ni Klarin at nakaangkla pa ang kamay nito sa braso ng lalaki.
“W-what the--”
“Bakit parang nakakita ka ng multo?” nakangising tanong ni Klarin at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso ng lalaking katabi. “Kilala mo ba itong kasama ko?”
Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa lalaking iyon dahil sa kakaibang pakiramdam na bumabalot sa puso ko.
“Hey.” bulyaw sa akin ni Klarin kaya ibinaling ko na sa kanya ang tingin ko. “I am talking to you.”
“You know that you can’t treat me like this, right?” balik ko sa kanya. “Baka nakakalimutan mo kung sino ang higit na matanda sa ating dalawa at kung sino ang may pinakamataas na posisyon sa atin sa lugar na ito.”
Natigilan siya at agad na itinikom ang bibig ngunit masamang tingin pa din ang ipinupukol niya sa akin.
Inirapan ko nalang siya at muling ibinaling ang tingin sa lalaking kasama niya pagkuwa’y bahagyang yumuko bilang pagbati. “Ikinagagalak kitang makitang muli, Prince Kronen.”
Yeah, the man beside my bratty sister is the one and only Kronen. The same man who repeatedly sneaks inside the room where I slept these past few days.
“You are being too formal, Princess Sina.” sambit nito. “Hindi ba--”
“Pasensya na pero kailangan ko nang pumunta sa silid-aklatan ng aking ama.” Tinalikuran ko nalang sila at naglakad na papunta sa direksyon kung nasaan ang library ng hari.
Doon naman talaga ako pupunta dahil ipinatawag ako ng hari. Ang sabi ay may mahalaga daw kaming pag-uusapan tungkol sa posibleng interaksyon namin sa ibang kaharian.
Which is I think is good dahil ngayon ay nagsisimula na silang magkaroon ng koneksyon sa ibang kaharian. Higit iyong makakabuti lalo na kung magkakaroon sng pormal na pag-uusap ang bawat kaharian upang maiwasan ang problema sa pagitan nila na posibleng magdulot ng digmaang tanging ang mga mamamayan lamang ang maaapektuhan.
Pero hindi ko pa din maisip kung bakit nga ba nandito si Kronen sa palasyo? Hindi naman kasi kami nagkita habang nasa Rocky Village ako at hindi din niya ako pinuntahan kahapon.
Isa pa ay bakit kasama niya ang bruhang kapatid ni Sina? At talagang close sila dahil mahigpit pa ang pagkakayakap nito sa kanya.
“And there is something I felt earlier.” mahina kong sambit pagkuwa’y bumuntong hininga.
Hindi naman kasi ako bago sa pakiramdam na ito. I felt it towards Hyun whenever there were so many girls around him.
And it is jealousy. Yeah, I felt jealous when I saw Klarin cling over him like she is his owner. Like they are a couple and it really made me mad.
But why do I have to feel it? Katawan man ito ni Sina pero sariling emosyon ko pa din ang umiiral ngayon kaya hindi ko dapat ito nararamdaman.
Like duh!
Ilang beses ko palang siya nakakasama kaya hindi talaga dapat.
Hindi kaya niloloko lang ako ng lalaking iyon nang sabihin niyang mahal nila ni Sina ang isa’t-isa? Iyon kaya ang dahilan kung bakit sinabi niyang hindi na importante sa kanya kung maalala ko man siya o hindi?
Aba’y kung ganoon nga, bakit kailangan pa niyang lumapit sa akin?
Kung inutusan lang naman siya ng kasalukuyang namumuno sa mga kingdom’s representative upang sabihan ako tungkol sa mangyayaring meeting sa susunod na full moon, he can just tell me the details at ako na mismo mag-isa ang pupunta doon.
“Sina?”
Natauhan ako at napalingon sa likuran ko dahil doon nanggaling ang boses na tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang aking ina na kunot noong nakatingin sa akin.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
“I-ipinitawag ako ng hari.” sabi ko.
“Hindi iyon ang tinatanong ko.” aniya. “Bakit ka nandito sa labas ng library kung maaari ka namang pumasok na agad.”
“Ah--”
“At mukha ka pang tulala dahil hindi mo agad naramdaman ang paglapit namin sa iyo.” dagdag pa niya na ikinaiwas ko ng tingin.
Hindi ko kasi talaga naramdaman. Kung hindi pa nga niya ako tinawag ay baka kanina pa din ako nakatulala dito sa harap ng pinto ng library.
Bumuntong hininga ako.
I don’t want this kind of feeling. Masyadong nakaka-distract sa mga dapat kong gawin.
“Anyway,” Hinawakan niya ang aking kamay. “Mamaya mo na sabihin sa akin iyan dahil kanina pa tayo hinihintay ng iyong ama.” Siya na ang nagbukas ng pinto ng library at hinila ako papasok.
“Bakit po ba ako pinatawag ng hari?” tanong ko habang papunta kami sa mismong mesa kung saan nakapwesto ang hari. “Gaano po ba ito kaimportante na para bang nagmamadali kayong sabihin ito sa akin.”
Dapat kasi ay sa Ruwan Rai agad ako didiretso ngayong umaga ngunit naantala iyon dahil sa pagpapatawag sa akin ng hari kaya naman sinabihan ko nalang si Alicia na mauna nalang muna sa akin at susunod na lamang ako.
“It is about your future, hija.” sambit niya na ikinakunot ng aking noo. “Alam kong nabanggit na niya na tungkol ito sa posibilidad na interaksyon ng bawat kaharian ngunit may gustong ihayag ang iyong ama upang masiguro na titibay ang pagiging magkakaibigan ng mga kaharian.”
“A-ano pong ibig nyong sabihin?” Ang hilig kasi nila sa riddle. Ayaw pang sabihin ng diretso kung ano talaga ang sasabihin nila sa akin.
“You have to marry a prince from another kingdom.”
“Oh god!” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
“Marriage is a great deal that can collide with two different kingdoms.” paliwanag niya. “Sa ganitong paraan ay hindi ito basta masisira ng kahit sino dahil may basbas ito ng langit. And within this marriage, war will never come in the mind of every kingdom because they will think that their princess or prince will only get into trouble.”
“Sinasabi nyong ang sinumang mapangasawa ko ay magiging hostage natin upang masiguro na hindi tayo basta susugurin ng kahariang kanyang pinanggalingan.” pagtatama ko. Masyado kasi nilang shinu-sugarcoat ang gusto nilang iparating. “I don’t think I can do it.”
“Why is that?” tanong niya.
Akma akong sasagot ngunit natigilan agad ako nang maaninag ang mukha ng lalaking ngayon ay kausap ng aking ama.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Soren na siyang ikinalingon nila sa akin. “W-why are you here?”
“Hi, princess.” nakangiting bati sa akin ng aking ama ngunit hindi ko siya pinansin at nananantili lang na nakatingin kay Soren. “Well, as we all know, you both know each other kaya naman naisipan namin ng mga magulang ni Soren na ipakasal kayong dalawa bilang paniniguro na hindi papasok sa digmaan ang dalawang kaharian.”
Nanlaki ang mga mata ko. “What?”
Shit! Si Soren Kludd ang mapapangasawa ko?
You’ve gotta be kidding me!