Chapter 59

1289 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “W-what?”   “You can’t do that!” sigaw ni Soren na nagpabalik sa aking katinuan.   Mabilis kong inalis ang kamay ni Kronen sa aking baywang at bahagyang lumayo sa kanya. Pilit ko ding iniiwasan na magpakita ng kahit anong emosyon dahil ayokong mapansin nila ang pamumula ng aking mukha dahil sa mga katagang binitiwan nito kanina.   “Ang mga kaharian namin ang nagkasundo tungkol sa pagpapakasal.” dagdag pa ni Kronen. “You can’t just go here and tell everyone that the one you want to marry is Sina and not Klarin.”   “I can actually do that.” kampanteng sabi ni Kronen. “Because I do love Sina and it is a valid reason for the Diamond Kingdom’s king to consider what I just said earlier.”   “Do you really love my eldest daughter, Prince of Tourmaline Kingdom?” tanong ng hari kaya bumaling kami doon.   At agad na iniluhod ni Kronen ang kanyang isang tuhod sa sahig at inilagay ang kanyang kamay sa dibdib. “Yes, your highness. I really love Sina Crisiente. And she is the one I want to marry, not your younger daughter.”   “What?” Akmang magta-trantum si Klarin ngunit agad siyang sinulyapan ng aking ina kaya mabilis na lamang niyang itinikom ang bibig.   Ngunit bakas sa kanyang mukha ang galit habang nakatingin sa akin. Namumuo din ang luha sa kanyang mga mata.   “Makakaalis ka na, Klarin.” sambit ng hari. “I will just inform you later what will happen about your marriage.”   “But--”   “Just go.” madiing sambit ng hari bago pa siya tuluyang makapagsalita kaya agad na siyang tumakbo palabas ng library.   Pagkuwa’y bumaling muli sa amin ang atenyon ng hari na ngayon ay katabi na ng reyna.   “Alam mo naman siguro ang posibleng kahantungan ng desisyon mong ito, hindi ba?” tanong ng aking ina. “Isa itong malaking problema na haharapin ng Tourmaline Kingdom at Aquamarine Kingdom.”   “I am aware of that.” sambit ni Kronen na hanggang ngayon ay nananatili pa ding nakaluhod sa harap nila. “I will take responsibility for this but I will still insist on marrying Sina rather than Klarin.”   “Like what I said, you can’t just do that.” muling sabi ni Soren.   “Why?” tanong nitong pasaway na lalaki sa tabi ko pagkuwa’y nakangising bumaling kay Soren. “Do you have feelings for this beautiful woman?”   Natigilan si Soren at hindi agad nakasagot. Ilang beses pa nga niyang ibinuka ang kanyang bibig pero agad din niyang itinitikom.   “Naiintindihan ko ang sitwasyon ni Prinsipe Soren kaya siya tumututol sa gusto mong pagpapakasal sa akin anak,” sabi ng hari. “Nakasalalay kasi sa kanyang pagpapakasal kay Sina ang pagpayag ng kanyang pamilya na manatili dito at patuloy na maging adventurer hangga’t wala pa ang tamang oras para manahin niya ang trono ng kanyang kaharian.”   “Oh.” Tumayo na si Kronen tsaka hinawakan ang aking kamay. “Kung ganoon ay lalong hindi ko maaaring hayaan na maikasal ang babaeng pinakamamahal ko sa lalaking ang tingin lamang sa kanya ay isang kasangkapan upang mangyari ang bagay na kanyang gusto.”   “Kronen.” Ako na ang sumaway sa kanya.   Naiintindihan ko naman kasi kung bakit gusto pa ding manatili dito ni Soren. Wala pa siyang kahit anong lead sa taong pumatay sa kanyang ina kaya handa siyang gawin ang lahat upang hindi lamang maantala ang kanyang ginagawang paghahanap dito.   At naiintindihan ko din kung bakit hindi magawang magparaya ni Kronen. He is just thinking of me and of course, kasama na din siguro ang pagiging makasarili niya dahil nga may nararamdaman siya sa akin at alam niyang may nararamdaman ak--I mean, si Sina para sa kanya.   Bumuntong hininga ito pagkuwa’y hinigpitan ang kanyang hawak sa aking kamay tsaka bumaling sa hari. “Then, why don’t we let Sina decide who she wants to marry.”   Nanlalaki ang mga mata ko nang tumingin sa kanya. “What the hell?” Itinuro ko pa ang sarili ko. “Ako? Ako talaga ang pagde-desisyunin mo?”   Tumango siya at nakangiting tumingin sa akin. “With your own decision, I am sure that both kingdoms will accept it without thinking or doing anything that may bring war with each other.”   “Why? Why me?”   Inilapit niya ang bibig sa tainga ko. “Because both kings of our kingdom knows how reasonable you are and you will not decide anything that will ruin the peace that you and your brother work so hard for.” Bahagya na siyang lumayo at muling ngumiti sa akin. “Besides, ikaw ang makikisama sa mapapangasawa mo kaya dapat lang na marinig namin ang nais mong gawin.”   “Sina?” tawag sa akin ng aking ina. “You can decide on your own who will you choose to marry. But make sure that you will be take responsibility on your decision because it will may put the three kingdoms in such a mess.”   Bumaling ako sa mga magulang ni Sina. And to be honest, hindi ko mabasa kung ano ang gusto nilang mangyari. Kahit ang emosyon nila ay hindi ko maramdaman kaya halos walang pumapasok sa utak ko.   Arg! Bakit ba inilalagay nila ako sa ganitong klaseng sitwasyon.   Inis kong ginulo ang aking buhok at matapang na tumingin sa kanila. “Bago nyo ako po ako tanungin kung sino ang gusto kong mapangasawa sa kanila, hindi po ba dapat ay tanungin nyo muna ako kung gusto ko na nga bang mag-asawa.”   Nakita kong pareho silang natigilan sa aking sinabi.   “Well, ngayon palang kasi ako nagsisimulang mabuhay ng normal kaya gusto ko munang sulitin ang pagkakataong ito para sa sarili ko.” dagdag ko. “And you both know that I can’t do all the things that I want to do if I will accept this marriage. Isa pa, para nyo na ding sinabi na kung isa sa kanila ang pipiliin kong mapangasawa ay kinakailangan kong bitawan ang pamumuno sa kahariang ito.”   “That’s is not--”   “Hindi nga ba?” balik ko sa kanila pagkuwa’y bumuntong hininga. “Maliban nalang kung ang dalawang ito ang magsusuko ng pagiging tagapagmana nila at tuluyang maninirahan dito.” Bumaling ako kina Soren at Kronen. “Are you willing to sacrifice your status just to get married to someone like me?”   “I can.” walang kagatol-gatol na sambit ni Kronen. “Hindi ko naman talaga gustong maging susunod na pinuno ng kaharian namin pero ito lang ang tanging paraan para makasama kita kaya hindi ko ito binibitiwan. Kaya nakahanda akong ibigay sa iba ang posisyong mayroon ako maikasal ka lang sa akin.”   “Kung ako lang din naman ang masusunod, kayang-kaya ko ding bitiwan ang posisyong mayroon ako.” sabi ni Soren. “Being a kingdom’s heir is nothing to me but I need this position so that I can stay in this kingdom and find the one who killed my mother. But now that they are changing the rules that let me stay here, then I am willing to sacrifice this position just to get married to you.”   Lalo yata akong nahirapan sa naging sagot nila.   Arg! Why do I have to be in this kind of situation? Gusto ko lang namang mabuhay ng maayos sa mundong ito. Pero wala akong planong magpakasal sa kahit na sino lalo na ngayong natikman ko na ang pakiramdam na maging malaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD