Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)
Ramdam ko ang pinaghalong lungkot at pagod nang makauwi ako ng palasyo. At dahil wala ako sa mood ay naisipan kong sa tower na lamang muna manatili dahil dito lang naman ako nakasisiguro na matatahimik ang buhay ko.
Ayoko na ding abalahin pa ang mga nasa main building dahil masyado na ding malalim ang gabi.
Ilang oras na din ang nakaraan nang tuluyang mamaalam ang pitong minero na pinasok ng mga monster ang katawan.
Nakaligtaan na nga namin sila dahil isa-isa na din silang bumagsak at nawalan ng malay nang huli namin silang tingnan. At muli na lang namin silang binalikan nang makarinig na kami ng mahihinang ungol.
At iyon na ang simula nang paglabas ng mga gastly sa kanilang katawan.
Agad namin inihanda ang mga sarili. Tinibayan ko ang barrier na nakabalot sa kanila habang inihanda ng mga kasama ko ang kanilang mga sandata dahil wala pa din naman kasing kasiguraduhan kung nagtagumpay ngang magkaroon ng sariling pag-iisip ang mga iyon.
Hanggang sa ang lahat ng ito ay tuluyan nang nakalabas sa katawan ng mga iyon. Doon ko unti-unting naramdaman ang emosyon ng bawat isa sa kanila at nakahinga na lang ako ng maluwag nang makumpirma kong wala silang planong gumawa ng kahit anong ikasasakit ng ibang nilalang na naninirahan dito. Nangangahulugan lang ito na matutupad namin ang kagustuhan ng mga minerong hinayaan naming mamatay para sa kanila.
At mukha namang aware din sila sa nangyayari dahil agad nilang hiniling na makabalik sa loob ng minahan.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at agad kong inalis ang barrier na nakabalot sa kanila.
Ako na ang nag-guide sa kanila pabalik ng minahan dahil na rin sa kakayahan kong makausap sila, though I don’t really have plan on talking to them dahil alam ko na naman na intensyon pa din nilang makatulong sa mga nangta-trabaho dito kahit pa mayroon na silang sariling pag-iisip. Habang sina Alicia, Chien at Soren ang nag-asikaso sa mga walang buhay at tuyot na katawan ng mga minero.
Ililibing kasi nila iyon hindi kalayuan dito bilang respeto na din sa kanilang ginawang pagsasakripisyo para sa kanilang kaibigan.
Pero ang plano kong hindi pagkausap sa kanila ay nawala nang biglang magsalita ang leader nila.
“Nakikiusap ako.”
Napatingin ako sa leader ng mga gastly nang bigla itong magsalita.
Narating na kasi namin ang parte ng minahan kung saan sila mananatili at akma na sana akong aalis ngunit agad ding natigilan dahil dito.
“Nakikiusap ako, isailalim mo kami sa kontrata.” sambit nito na ikinakunot ng aking noo. “Pakiusap.”
“Bakit? Hindi ba’t sinubukan ko kayong i-tame kanina pero tinanggihan nyo iyon?” Aba, sila itong lumaban sa taming skills ko kanina.
“Hindi kami ang lumaban sa kakayahan mo kanina.” sagot ng isa. “Iyon ang natitirang kapangyarihan ng kumokontrol sa amin upang masiguro niya na kapag lumabas kami sa katawan ng mga kaibigan naming minero ay siya lamang ang may hawak sa amin.”
“Oh.” Tumangu-tango ako. “Then? Bakit gusto niyong pumasok sa isang kontrata?”
“Natatakot kami.” sabi ng leader nila. “Kakaiba ang pagkakaroon ng sariling pag-iisip ng mga uri namin at nagsimula na ding kumalat sa buong kaharian ang tungkol sa amin kaya nasisiguro kong marami ang magtatangkang pumunta dito upang muli kaming kontrolin.”
“Hindi nga imposible iyon.” sabi ko. “Kung tutuusin ay isa kayong threat sa buong kaharian ngunit hahayaan namin kayong mabuhay dahil iyon ang hiling ng mga minero.”
“At ipinagpapasalamat namin iyon.” dagdag pa niya. “Pero gusto naming iwasan na makasakit ng iba pang minero dahil sa posibilidad na muli kaming ma-kontrol.”
“Pero hindi iyon mangyayari kung kami ay tuluyan nang nasa ilalim ng kontrata ng isang tamer.” singit ng isa pa.
They think like a human. And I can say that they have the attitude and will of their friends who let them have these consciousness.
And I am amazed at that because they think about what will possibly happen in the future because of what they acquire right now.
And they have a point. Hindi nga naman sila basta makokontrol ng kahit sino kung sasailalim sila sa kontratang gawa ng isang tamer. At patuloy silang makakatulong sa mga minero nang hindi nagagambala.
“I can do that for you,” I said. “But…” Mataman akong tumingin sa kanila. “What can you do for me in exchange for that?”
“W-what?”
“I am not doing things just for free,” sabi ko. “You have to pay me with everything you can offer if I do something for you because that is the rule. It is give and take so that everything will be living fair.”
“We can give you a lot of mana if you need it.” sabi muli ng leader. “We can’t leave this place and you also can protect your own life so I can only offer you our mana.”
Ah, iyon nga lang talaga pala ang kanilang maibibigay sa akin oras na magkaroon ng kontrata sa pagitan namin.
They can be a great weapon because of their skills but that would only be heartless because those miners sacrifice their lives so that these gastly will live all their lives inside the mine where they will be safe forever.
Bumuntong hininga ako. “Fine. I will get your mana if I will be in an emergency situation.” Inilahad ko ang kamay sa harap ng kanilang leader. “Then, let’s have that contract and you will now become the Oxi Clan.”
Doon nabuo ang isa na namang grupo ng mga monster na siyang kusang lumapit sa akin para sumailalim sa kontrata.
And to be honest, it is kind of a good thing because I can save them from future trouble and they can help me if I get myself into trouble so these things are not that bad as it seems.
Pero kahit ganoon ay hindi ko pa din talaga maiwasang hindi malungkot sa pagkamatay ng mga minerong nadamay dahil sa kasakimang umiral na naman sa utak ng isang nilalang sa mundong ito.
Bumuntong hininga na lang ako at ipinikit ang mga mata ko.
I guess, kahit na may hawak akong mataas na posisyon sa kahariang ito at may malalakas na kapangyarihan ay hindi ko pa din basta-basta makukuha ang anumang gusto kong mangyari.
Every world has its rule. And I don’t have any choice but to follow it.