Chapter 12

1356 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) “You’re kidding!” malakas kong sigaw matapos sabihin sa akin ni Alicia ang mga unang bagay na kailangan naming gawin bago lumabas ng palasyo. “Kailangan kong mamili sa mga lalaking iyon para maging knight ko na siyang maniniguro sa kaligtasan ko?” Tumangu-tango siya. “Iyan ang mahigpit na bilin ng iyong ina. At kapag hindi mo iyon sinunod ay ipapasara niya ang lahat ng gate palabas ng palasyo.” “Ano?” “Well, they just wanted to make sure that you are safe habang hindi pa bumabalik sa alaala mo ang paggamit ng kapangyarihan mo.” paliwanag niya. “At habang wala pa siyang napipili na magtuturo sayo para tuluyan mong magamit ang full extent ng kapangyarihang mayroon ka.” “Pero--” “Walang pero-pero.” pigil niya sa akin pagkuwa’y hinila ako sa harap ng mga lalaking nakahanay sa garden. “So, mamili ka nang hindi bababa sa dalawa.” Napasimangot ako. Ayoko talaga ng bodyguard. Like, duh! They will follow me wherever I go and I want to have some privacy. “They will not follow and watch you all day.” bulong sa akin ni Alicia. “They will just stand by near you so that if there is an emergency that needs their service, they can appear as soon as possible.” “But--” “Like what I said, there will be no buts.” Pinitik niya ang noo ko. “Besides, they are professionals. Hindi mo mararamdamang nasa paligid mo sila.” And I highly doubt that. I was a trained assassin in my previous life, duh! Bumuntong hininga ako. What choice do I have? Isa-isa kong tiningnan ang mga nasa harap ko. Ang sabi ni Alicia, kailangan kong pumili ng dalawa sa kanila. At ang mga iyon ay siyang pagkakatiwalaan ko sa buhay ko so I need to really assess anyone that I will pick. Tinitigan ko ang bawat isa sa kanila hanggang sa matigil ang tingin ko sa dalawang lalaki. Well, kahit gwapo sila ay hindi nag-i-stand out ang pressence nila. And I can feel that they are really committed to this job. “Hmm.” “May napili ka na?” tanong ni Alicia. Tumango ako at itinuto ang dalawang lalaki na napili ko. “Sila.” “Oh.” Sinenyasan niya ang iba na umalis na habang naiwan ang dalawang pinili ko pagkuwa’y may kinuha siyang papel sa folder na kanina pa niya hawak. “The first one is Luigi, from house of Laster.” Luigi is almost 6ft tall. Halos balikat lang yata niya ako eh. At sa mukhang mayroon siya, siguradong maraming babae sa kahariang ito ang nagkakandarapa sa kaniya. Mukha siyang suplado at seryoso kaya tingin ko ay aayusin niya ang trabaho at maaari kong ipagkatiwala ang buhay namin ni Alicia sa kanya. “And the other one is Azuelle from the house of Arkinus.” Hindi nalalayo ang tangkad ni Azuelle kay Luigi but his aura is much more different than the later. It much more lively at chill. But I can sense his commitment to a responsibility so I think that I can also trust our life in his hands. Besides, I am feeling their emotions. Though I just hope that I trust the right people here. Hindi pa ako sanay sa mundong ito kaya kailangan ko pa ding mag-ingat. “Ah.” Bumaling ako kay Alicia. “Bakit may pa-house-house ka pang sinasabi? Do they came from a noble family?” Iyon kasi ang alam ko sa kapag may mga ganoon eh. You know, pinaghalo-halong culture ng Earth’s Europe and Asia ang mayroon sa kahariang ito. Tumango si Alicia. “Most of the knights here in the palace came from a noble family. Mayroon din namang hindi pero sila iyong mga top adventurer ng mga guild na nakadestino dito sa kaharian natin.” Kumunot ang noo ko. “Adventurer? Guild?” “Guild is like an organization that accepts any kind of request all over the world and they have adventurers on their side that will take those requests as a job.” paliwanag niya. Tulad ng mga larong madalas ikwento sa akin ni Alice noon. MMORPG, to be exact. Mahilig sa ganoon ang babaeng iyon at minsan na niya akong inaya na maglaro pero dahil masyadong hectic ang schedule ko ay hindi ko siya mapagbigyan. “Hmm.” “Here.” May iniabot sa akin na whistle si Alicia. Katulad ito ng ginamit niya kahapon pero higit itong mas maliit at naka-pendant sa isang kwintas. “You can use that to call your knights. They will appear in an instant.” “Like what happened yesterday?” Tumango siya. Kinuha ko iyon at isinuot sa leeg ko. “So? Saan na ang sunod nating punta for today?” tanong niya. “Guild.” __________ “Woah!” Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Everything really looks like what it is in the game that Alice kept playing. The weapons, the adventurer’s jobs, their quest or missions. Eh? Natigilan ako. Why does it look like that game? Bumaling ako kay Alicia na nakasimangot. Actually, hindi siya pabor sa pagpunta namin dito pero nagpilit pa din ako dahil gusto ko itong makita. “Tapos ka na bang tingnan ito?” tanong niya na inilingan ko. “May tanong pa ako.” “Go ahead.” aniya. “What is the name of this guild?” tanong ko. “Ruwan Rai.” Nanlaki ang aking mga mata. Shit! Hindi ako pwedeng magkamali. Iyon ang guild na sinalihan ni Alice before. Iyon ang guild na lagi niyang ipinagmamalaki sa tuwing nagku-kwento siya. Teka! Ibig bang sabihin nito ay nasa loob ako ng isang game? Oh my god! Does it mean that someone is actually playing this? O baka naman it has the same structure but this world has its own will? Bumaling ako sa paligid ko. Are they some kind of avatar that is controlled by the players? Or NPC. Umiling-iling ako at nagsimulang maglakad palabas. No! Mali ang iniisip ko. “Of course.”  Napalingon ako sa likuran ko at hindi si Alicia ang nakita ko kundi isang lalaki. “Sino ka?” “Hindi na mahalaga kung sino ako.” aniya pagkuwa’y ngumiti. “But I am someone who knows that you are not actually Sina Crisiente.” Kumunot ang noo ko. “What do you mean?” “You can relax,” sabi pa niya. “Wala akong pagsasabihan ng kung ano ang aking nalalaman. At narito lang naman ako para ipaalam sa iyo na ang mundong ito ay totoo at hindi basta kinokontrol lamang ng sinuman mula sa ibang mundo.” “Then--” Tumango siya. “All the people here have their own will. They are alive, and so are you.” “Then, do you know why I am here?” tanong ko. “And can you tell me if my bestfriend is also here?” “I am sorry,” aniya. “I can tell you that for now.” “Then, what else can you tell me now?” Ngumiti siya. “This is your second chance to live the way you want it. You are free to do everything you can think of. You have your freedom here and I can assure you, no one will be able to take that away from you.” “But--” “Yes, there is some situation that puts Sina Crisiente’s life in danger but I know that you can do something about that.” Lumapit siya sa akin at ipinatong ang kamay sa ulo ko pagkuwa’y ginulo ang buhok ko. “This is the freedom that you always dream of. Grab and protect it with everything you have now that you finally had a chance for it.” Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko kaya agad akong yumuko at tumango. “I will.” “Goodluck on your new adventure, Luna.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD