Chapter 39

1242 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “Alice!” Agad kong dinambahan ng yakap si Alicia nang makita ko siya sa loob ng guild building.   Thanks to Soren and his knights, na-realize ko na mali talaga ang way of thinking ko. At ngayon ko lubos naisip na isa nga pala akong prinsesa sa mundong ito at hindi na isang assassin.   Luna Nueva is just a part of my life now. Hindi na iyon ang buhay ko. Ako na ngayon si Sina Crisiente at may responsibilidad na katuwang ang pangalang iyon na dapat kong harapin kapalit ng muli kong pagkabuhay sa mundong ito.   And Alicia is just doing her responsibility being the daughter of a duke. Bonus nalang talaga sa process ang pagiging magkaibigan nila ni Sina kaya wala talaga akong karapatang magsabi kung dapat ba siyang manatili sa tabi ko o hindi dahil sa takot na nararamdaman ko.   Besides, I am not even the real Sina. Kaya ano pa ba ang karapatan ko para salungatin ang desisyon niya?   “I’m sorry, Alice.” Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. “I am really sorry. Please forgive me for thinking like that and for almost breaking my promise to you.”   Hindi siya sumagot. Ni hindi din niya tinutugon ang yakap ko kaya naisip ko na talagang galit siya sa akin.   Akma akong bibitaw sa pagkakayakap sa kanya nang bigla na niyang din akong yakapin na ikinalaki ng mga mata ko. “A-Alice?”   “Magpasalamat ka nalang na mabait ako.” ismid niya habang nakasubsob sa balikat ko. “Iniisip ko na kasing hindi ka patawarin pero dahil kaibigan kita, palalampasin ko muna ito.”   Bahagya akong natawa. I didn’t expect that the reserved lady that I know has some kind of tsundere attitude.   “Then, thank you.” sabi ko. “I won’t do it again and I will make sure that it will never happen again.”   “Aba’y dapat lang.” Kumalas siya ng yakap sa akin at agad akong pinitik sa noo. “Sasakalin na kita kapag inulit mo pa talaga.”   Ngumiti ako.   I know that this life is different from the life I have before. Heck, this is a lot different dahil isang normal na assassin lang naman ako noon sa earth habang isang prinsesa naman ako na nakatakda pang maging pinuno ng kahariang ito sa hinaharap.   Though, hindi nawawala ang panganib na ito sa parehong buhay ko. At sa tingin ko ay hindi ko iyon kayang kontrolin. May sarili din kasing tadhana ang babaeng ito at kahit ako pa ang nasa loob ng katawan niya ay hindi nangangahulugang kaya ko iyong baguhin.   So, I don’t really have any choice but to expect a not so safe life. Death will always follow me wherever I go so I have to do everything I can to prepare myself in every situation that I might go into.   And I should start living this life, not just the adventurer Luna Nueva but also the crown princess Sina Crisiente.   I need to embrace this new life of mine and start taking this seriously. I should start studying everything I need to become a proper leader of this kingdom just like what they all hope for.   “Then, tigilan na natin ang dramahang ito.” sabi ni Alice tsaka pinisil ang magkabilang pisngi ko. “Mabuti din at naisipan mong dito dumeretso.”   Kumunot ang noo ko. “Bakit?” Tinapik ko ang kamay niya at hinimas-himas ang pisngi ko. “Ano bang mayroon ngayon?”   Tinitigan niya ako pagkuwa’y bumuntong hininga. “Hindi ka talaga marunong tingnan muna ang paligid mo bago ka pumasok sa isang lugar.”   Lalo akong napakunot noo. “Eh? Bakit ba?”   Muli siyang bumuntong hininga tsaka inilagay ang kanyang kamay sa ulo ko at sapilitan iyong ibinaling sa kanan.   At doon ko nakita ang isang malaking banner na may nakalagay na “Congratulation, Luna and Alice.”   “Eh?”   “They throw a party for us since we manage to pass the novice examination even in the midst of a problem.” Alice said. “And it is also their apology for not doing anything to save us.”   “Well, I understand that second one.” sabi ko habang nakatitig sa banner. “Alam kong naipit lang din sila sa sitwasyon kaya hindi ko sila sinisisi doon. But--” Sunod-sunod akong lumunok habang pinipigilan ang mga luha ko na nagsisimula nang mamuo sa gilid ng mga mata ko.   I never got a chance to experience something like this.   Like what I said before, lahat ng kasama ko sa trabaho noon ay galit sa akin. Maging ang pamilya ko ay halos ituring akong hangin kapag umuuwi ako sa bahay namin.   Tanging si Hyun lang ang nakakasama ko sa mga okasyon sa buhay ko pero sandaling oras lang ang ibinibigay niya sa akin dahil masyado siyang abala sa trabaho niya.   At kahit kailan ay hindi niya ako binigyan ng malaking party sa tuwing may naa-achieve ako o kahit tuwing natatapos ko ang mga imposibleng misyon na kanyang ibinibigay sa akin.   At ang higit na nakakapagdagdag sa emosyong nararamdaman ko ngayon ay maging si Sina ay hindi kailanman naranasan ang ganito dahil buong buhay niya ay nakakulong lang siya sa toreng iyon.   “Luna?”   Hindi ako sumagot at mabilis nalang na tumakbo palabas ng building.   Nadinig ko pang tinatawag nila ako pero hindi ko na iyon pinansin. Patuloy lang ako sa pagtakbo palayo sa kanila dahil ayokong makita nila ang mga luhang hirap na hirap na akong pigilin.   Ni hindi ko na nga din napapansin pa ang mga nadadaanan ko. May ilan pa akong nabangga at talagang sinigawan ako dahil sa hindi ko pag-iingat pero hindi ko na sila hinarap pa at patuloy lang ako sa pagtakbo.   At nang matauhan ako ay nakita kong nakarating na ako sa novice field.   Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita si Soren na nasa likod ko at hinihingal habang nakaupo sa damuhan. “A-anong ginagawa mo dito?”   “Si…” Huminga muna siya ng malalim. “Sinundan kita. Nataranta ang lahat dahil sa bigla mong pagtakbo.”   “Eh?”   “At nakita pa ni Chien ang naluluha mong mga mata na agad niyang sinabi sa lahat kaya iniisip nila na hindi mo nagustuhan ang ginawa nila.”   Lalong nanlaki ang mga mata ko. “Hindi ganoon iyon.”   Tinaasan niya ako ng kilay. “So? Ako ba dapat ang magsabi niyan?”   Hindi ako nakapagsalita.   “Ikaw itong walang sabing tumakbo palabas kaya ano sa tingin mo ang iisipin nila.” ismid niya. “Kaya kung gusto mong mag-iba ang tingin nila sayo at ipaliwanag mo sa kanila kung bakit ka tumakbo bigla.”   “Pero--”   Marahas siyang bumuntong hininga pagkuwa’y hinawakan ang kamay ko at hinila ako pabalik. “Ruwan Rai is not just a guild for you to get a quest. We are also your friends and family.”   “Soren…”   “Kasi kung hindi ganoon ang turing ng mga iyon sa inyo ni Alice, siguradong noong nakaraan pa nila ipinagsabi ang tungkol sa pagkatao niyo.” dagdag pa niya. “They are protecting the both of you so don’t do anything that may offend them. Kung gaano sila kagandang kaibigan, ganoon din silang kasama kaaway.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD