Chapter 40

1262 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   “I’m sorry.” Iyan ang bungad ko nang makabalik kami sa guild building ng Ruwan Rai. At nagsisimula na nga silang kumain pero bakas sa kanilang awra ang pagkawala ng sigla.   Marahil ay iniisip nga nilang hindi ko nagustuhan ang inihanda nilang party para sa amin ni Alicia.   “I am really sorry.” ulit ko. “Ang totoo niyan, nagustuhan ko talaga ang inihanda nyo para sa amin ni Alice. Gustong-gusto ko at isa iyon sa dahilan kung bakit ako naiyak kanina. And the thing is…” Lumunok muna ako ng ilang beses at diretso silang tiningnan. “This is the first time that I experience this kind of feeling. Ito lang din ang unang pagkakataon na ipinaramdam sa akin ng ibang tao na welcome ako sa grupo nila kahit pa wala naman akong ginagawang mabuti towards all of you. And I can’t contain that feeling kaya tumakbo nalang ako dahil ayoko din namang makita nyo akong umiiyak.”   Walang nagsalita. Lahat ay tahimik lang habang nakatingin sa akin hanggang sa binasag ng malakas na tawa ni Guildmaster ang katahimikan.   Kasunod ng iba na nagsimula na ding tumawa.   At wala akong ibang nagawa kundi ang mapatitig nalang sa kanila.   “They already know that.” sabi ni Alicia na nasa tabi ko na. “As you can see, wala tayong maitatago sa guild na ito at alam nilang ikaw ang prinsesa ng kahariang ito at anak naman ako ng isang duke.”   “Eh?”   Tumangu-tango siya. “So, alam nila na hindi mo pa talaga nararanasan ang ganitong klaseng pagtanggap. Plus…” Itinuro niya si Chien. “Idinaldal din ng lalaking iyan ang mga pambu-bully na ginagawa sayo ng mga kapatid mo kaya naisipan din talaga nilang mag-organize ng party na ito para maramdaman natin na kahit ano pa ang katauhan natin ay matatanggap nila tayo.”   Ibinalik ko ang tingin sa mga ka-guild namin na masayang kumakain at nag-iinuman.   “Sina.” Lumapit sa akin si Soren at ginulo ang buhok ko. “I know that I do not belong in this kingdom because of the current status of my real identity. But this guild, they knew from the start who really am I but they never said anything. Instead, they welcome me as the adventurer that I am today. So I can say that you can be who you are inside this building. No one will really judge you and I can assure you that no one will betray you here.”   “They also know who I am,” singit ni Chien. “But they never said a word. They even encourage me to confess to the one I love so that I won’t have any regrets when the time comes na kailangan ko nang bumalik sa kaharian namin.”   “You can trust us, Princess.” nakangiting sabi ni Guildmaster. “Though I can’t promise to always save you whenever you are in trouble because we cannot control all of the things that may happen but I can assure you that anyone in this guild will never betray you. Ikamatay man namin, mananatili ang loyalty namin sa iyo.”   Alam ko namang may hangganan din ang kakayahan ng bawat guild and I can understand that.   But the thing that they even bet their lives over someone like me, isa iyong karangalan.   Akma akong yuyuko pero agad hinampas ni Alicia ang noo ko na ikinasimangot ko. “Bakit mo ginawa iyon?”   “They know that you are the princess. You can be too casual with each other pero hindi ka pwedeng mag-bow sa kanila.” sabi niya. “Not unless you did something really offensive.”   “She’s right, Princess.” sabi ni Guildmaster. “Hindi porket itinuturing ka naming kapantay sa building na ito ay kakalimutan mo na ang katayuan mo sa buhay.”   “May mga bagay na hindi mo pa din maaaring gawin sa harap ng ibang tao lalo na’t ikaw pa ang tagapagmana ng trono.” dagdag ni Saila. “You are the future queen of this kingdom so don’t bow your head on us.”   Napakamot nalang ako ng noo dahil malakas-lakas din ang pagkakahampas sa akin ni Alicia. “Okay. I will not forget that.”   “Oh!” Bigla akong inakbayan ni Kiddo, isang rank A adventurer ng guild namin. “Tama na ang dramahan at tayo’y magsaya na!”   Hindi na ako nakapagsalita at nakaangal pa nang bigla niya akong hilahin papunta sa iba pa naming kasama.   At hindi na din naman ako tumanggi nang bigyan nila ako ng alak at pagkain. Ang araw na ito ay para sa pagkakaroon ko ng panibangong mga kaibigan na alam kong hindi ako pababayaan hangga’t alam nilang may maitutulong sila.   “Anyway…”   Napabaling kami kay Guildmaster na nakataas ang kanyang baso.   “Maliban sa opisyal nating pagwe-welcome kina Luna at Alice bilang bagong parte ng Ruwan Rai Guild, may isa pa tayong bagong miyembro.” sambit niya. “He was supposed to be our newest novice but his level is already above novice. Kaya naman agad ko na siyang inilagay sa rank E adventurer.”   Napuno ng pagtataka ang lahat dahil wala naman daw silang nabalitaan na may bagong sali pala sa guild.   “He also has the recommendation of the queen dowager so I can assure you that he can be trusted despite his being part of the untrustable clan.” dagdag niya pagkuwa’y itinuro ang pintuan na binuksan ni Saila. “Let’s all welcome, Sage Crisiente.”   Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan niya.   At mukhang hindi lang ako ang nagulat lalo na nang pumasok dito sa loob ng building.   “Si… si Sage nga.” gulat kong sabi habang nakaturo dito. “Si Sage na kapatid ko.”   “The second prince Sage Crisiente.” mahinang sambit ni Alicia na nasa tabi ko na. “Ang magiging tagapagmana ng trono oras na may mangyaring masama sa iyo.”   “Pero kailanman ay hindi siya gumawa ng kahit ano laban sa akin.” sabi ko. “In fact, he is close to my brother and I can feel that he is not here to do anything harm to me.”   “Recommended din siya ng inang reyna kaya tingin ko naman ay hindi siya gagawa ng kahit anong ikapapahamak ni Sina.” singit ni Chien. “And to be honest, I think I know the reason why he chose to become an adventurer and choose Ruwan Rai to be his guild.”   Kumunot ang noo ko. “Care to tell what his possible reason?”   Bumaling siya sa akin at ngumisi. “Love.”   Pinaningkitan ko siya ng mata at akmang sasabunutan ngunit agad na siyang nakalayo habang tinatawanan ako.   Napailing nalang ako at bumaling kay Alicia ngunit muling napakunot ang noo ko nang makitang namumula ang mga tainga niya. “Hey.” Pinitik ko ang tainga niya. “Bakit namumula ito?”   Agad niyang tinakpan ang mga tainga niya at umiwas ng tingin sa akin. “Ni...nilalamig lang ako.”   Tumangu-tango nalang ako dahil ramdam ko na din naman talaga ang lamig ng panahon. Malapit na din kasi ang taglamig at inaabangan ng lahat ang unang pagpatak ng niyebe.   Ah, sa tingin ko ay maraming mangyayari sa buhay namin sa oras na pumasok na ang taglamig.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD