Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)
“If that’s the case, why don’t we postpone this issue.” biglang sabi ni Kronen na ikinatingin naming lahat sa kanya. “Malinaw naman kasi na wala siyang gustong mapangasawa sa amin pero dahil sa kanya-kanya naming dahilan ay hindi din siya makatanggi sa pagpapakasal na ito.”
“What are you suggesting, Prince Kronen?” tanong ng aking ina.
“We will give her a lot of time to think about who she is going to marry.” dagdag ni Kronen. “We will also let her do what she wants. And while she is doing that, then me and Soren will do everything we can to make sure that Sina will pick one of us.”
“Sinasabi mong pareho nyong liligawan ang anak ko?” tanong ng hari.
“That is the most reasonable thing to do.” sabi pa ni Kronen. “We will court her and prove, not only to her but also to the whole Diamond Kingdom that we are worth the chance to be with their future queen.”
“Hey.” pigil ko sa kanya. “You don’t have to do that.”
“We have to.” singit ni Soren. “I am sorry for putting you in this kind of situation when you can’t decide even if your eyes already said what you want. But you are the only way for me to stay here longer so I also have to do something for you in return.”
Napakamot ako ng ulo.
Hindi naman nila kailangang gawin iyon. At ayoko ding aksayahin ang oras nila para lang sa isang tulad ko.
Besides, sa tingin ko ay babalik pa naman si Sina sa katawang ito kaya naman limitado lang ang oras na mayroon ako sa buhay na ito at gusto ko iyong sulitin upang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin noong nasa earth pa ako.
But marrying someone is not on the list. Or involved in some romantic relationship. Like duh! Parang isang buwan palang ang nakakalipas nang ipapatay ako ng lalaking pinakamamahal ko.
Masakit pa din iyon para sa akin.
At kahit sabihing ramdam ko din ang feelings ni Sina para kay Kronen ay nangangahulugan iyon na naka-move on na nga ako kay Hyun.
“Sa tingin nyo ba ay papayag ang inyong ama sa plano nyong iyan?” tanong ng hari.
“Kami na po ang bahalang magsabi sa kanya-kanya naming kaharian.” sagot ni Soren. “And I am sure that they will agree with me because marrying someone like your daughter needs constant effort.”
“My father will surely agree.” sagot naman ni Kronen. “He is the one who told me that if I insist on marrying Sina and not Klarin, I have to work hard for it.”
“Then, everything will be settled.” sambit ng hari. “Hindi ko na kayo tututulan sa inyong nais at ipapaubaya ko na lamang sa aking anak na si Sina ang desisyon kung sino sa inyo ang nais niyang pakasalan.”
“What about Klarin?” tanong ko. “Siguradong sa mga oras na ito ay--”
“Don’t worry about her, Sina.” nakangiting sabi ng reyna. “I will do something about your sister.”
“Sige na, makakaalis na kayo.” sabi ng hari at sa ikalawang pagkakataon ay wala na naman akong nagawa kundi ang magpahila na lamang kina Kronen at Soren. At natauhan na lamang ako nang mapansing nasa garden na ako habang ang dalawa ay nagtatalo sa kung sino ang makakasama ko sa araw na ito.
Hindi ko nalang sila pinansin at agad na lamang na umalis doon. Hindi na nga din ako nagpaalam pa at dumeretso nalang sa guild building ng Ruwan Rai kung nasaan na si Alicia.
“Oh?” bungad niya sa akin nang maupo ako sa tabi niya. “Bakit ganyan ang mukha mo?”
“Narinig mo na ba ang arrange marriage na isinasagawa ng lahat ng kaharian sa bawat prinsipe at prinsesa nila?” balik tanong ko sa kanya. “Halos lahat kaming magkakapatid ay iniharap na nila sa mga napili nilang mapapangasawa namin.”
“I heard about it from your brother.” aniya.
“Yeah, mayroon din kasi siyang kasama kanina na galing naman sa Garnet Kingdom.” sabi ko. “But my situation is kind of different.”
Kumunot ang noo niya. “What do you mean?”
“At first, my father said that I have to marry Soren.” sabi ko na ikinalaki ng kanyang mga mata. “But then, the heir of Aquamarine Kingdom insisted on marrying me instead of Klarin.”
“What the hell?”
Tumangu-tango ako. “At wala ni isa sa kanila ang handang tumalikod sa kasunduang kasal. Hindi ko din naman matanggihan dahil naiintindihan ko ang kanilang mga dahilan. At hindi din ako makapili sa kanila nang tanungin ako ng reyna kung sino ang gusto kong pakasalan sa kanila.” Bumuntong hininga ako. “At ayoko pa din namang mag-asawa dahil gusto ko pang gawin ang mga bagay na alam kong hindi ko na magagawa kapag nakatali na ako.”
“And?” tanong niya. “Anong napagkasunduan nyo?”
Hinawakan ko ang balikat niya. “They agree on something worse. They want to court me!”
“What?”
“Help me, Alice.” Niyugyog ko siya dahil wala na akong ibang maisip na paraan para matigil ang kalokohang ito. “I don’t know what to do anymore.”
“Just let them court you.” aniya.
Umiling-iling ako. “I want to do everything I want only with you.”
They can come along sometimes but things will only turn out not good if I am with them. Sigurado din naman kasing hindi magpapatalo ang dalawang iyon sa isa’t-isa at ako lang ang mahihirapan.
“Then, why don’t you suggest to them that they can only accompany you on the days that will be picked by you.” aniya. “With that, may panahon ka para sa kanila maging sa mga bagay na gusto mong gawin. You can also have some time para hayaan silang ipakita kung gaano sila ka-sincere sa intensyon nila sayo.”
“I don’t really care about that.” Binitiwan ko siya. “But I can’t ignore what they are trying to do for what they want kaya pakiramdam ko ay wala akong puso kung ako pa mismo ang pipigil sa kanila gayong ginagawa ko din naman ang mga bagay na gusto kong gawin.”
Tinapik niya ang braso ko. “Just think about it carefully. At kung nakikita mong hindi naman talaga necessary ang panliligaw nila sayo, then you can say it to them personally. I am sure that they will understand.”
Just like what Kronen said. Even if I turn down the arrangement of the marriage, the king of Aquamarine and Tourmaline will not do anything that may damage their relationship with Diamond Kingdom because they know how Sina and her brother work so hard for the peace that circulating around the world of Thamani.
Bumuntong hininga akong muli. “Well, I just hope they will give me time to think about it because in one wrong decision, I can affect the current lives of those guys.”
“So, good luck.”