Chapter 46

1350 Words
Sienna Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s Queen)   Masaya akong pinagmamasdan ang aking anak nang tanggapin niya ang medalya bilang pagkilala sa kanyang nagawang pagpigil sa tangkang panggugulo sa aming kaharian.   Hindi ko akalain na sa kabila ng kanyang pagiging duwa at mahina noon na walang ibang ginusto kundi ang magkulong lamang sa loob ng tore ay siya palang magiging tagapangalaga ng aming kaharian.   “Hindi ko akalain na ganito na kalaki ang ipinagbago ni Sina.” sambit ng inang reyna na tulad ko ay nababakasan din ng labis na kasiyahan habang nakatingin sa kanyang apo. “At alam kong hindi tama pero parang napabuti pa sa kanya ang pagharap niya sa muntik na kamatayan.”   Hindi ko din maiwasang maisip ang bagay na iyon.   Sobran laki kasi talaga ng pinagbago ng aking anak. At noong mga panahong wala pa siyang malay, inaasahan kong lalo akong mawawalan na kami ng pag-asa na mapalabas siya sa tower pero kabaliktaran noon ang nangyari at siya pa mismo ang nagdesisyong lumabas doon.   Hindi lang iyon. Naisipan pa niyang maging maging isang adventurer kung saan higit na panganib ang sasalubong sa kanya dahil mga monster sa labas ng kaharian ang kayang posibleng kaharapin.   Iginala ko ang aking tingin sa mga mamamayan ng aming kaharian na masayang pinapalakpakan ang Ruwan Rai, maging sina Luna at Alice.   At kita ko sa kanilang mga mata ang matinding paghanga sa mga ito. Ngunit sa mga guild na tumanggi sa quest na aming ipinahayag sa lahat ay bakas ang pagkainis.   Well, kasalanan naman nila iyon dahil masyado silang natakot na harapin ang isang nilalang na pinagsaniban ng makapangyarihang roho.   Akma ko nang ibabalik ang aking atensyon kay Sina at Alicia ngunit natigilan ako nang mahagip ng tingin ko ang isang pamilyar na mukha.   Hindi ako sigurado kung tama ba ang aking nakita dahil sandali ko lang iyon napasadahan ng tingin at nang ibalik ko ang tingin sa posisyon kung saan ko nakita ay wala na ito.   Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa buong paligid at hinanap iyon.   Hindi man ako sigurado pero masasabi kong hindi ako pinaglalaruan ng aking mga mata.   Anong ginagawa ng babaeng iyon dito?   Hindi ba’t ipinangako na niya na hinding-hindi na siya muling tatapak pa sa lupain ng Diamond Kingdom.   At hindi nga ako nagkamali.   Siya nga ang nakita ko kanina. At sa pagkakataong ito, nakatayo na siya sa mismong gate ng palasyo at mataman na nakatingin sa mga aking mag-ama na ngayon ay magkatabi.   What the hell are you doing here, Elie?   Akma akong tatayo sa aking kinauupuan nang bigla niyang ibaling sa akin ang kanyang tingin.   Kasunod noon ang bigla niyang pagngisi at pagkaway sa akin.   “Elie.”   “What did you say?”   Napalingon ako sa inang reyna nang bigla niyang hawakan ang aking braso. “Po?”   “You said something.” aniya. “But I didn’t manage to hear it dahil sa malakas na sigawan ng mga tao.”   “Ah.” Muli ko munang ibinaling ang tingin kung saan ko nakita ang babaeng iyon ngunit sa pagkakataong ito ay wala na siya doon. Iginala ko pang muli sa ibang parte ng malawak na bulwagan ang tingin ngunit hindi ko na talaga siya makita kaya bumuntong hininga na lamang ako at pilit na ngumiti pagkuwa’y tumingin sa inang reyna. “Nothing,” sabi ko. “I was just amazed how all of our people admire all of the adventurer at Ruwan Rai.”   “Well, they are all amazing in their own way.” sabi ng inang reyna. “And they are the one who really accept every quest that we request on them.”   Ang Ruwan Rai lang kasi talaga ang hindi pa nagagawang tumanggi sa anumang quest na ibinibigay namin sa kanila. We even put a permanent partnership contract with some of their adventurers who became one of our royal knights.   “Anyway, nagpahanda ako ng maliit na salu-salo para sa ating mga bagong bayani.” sambit ng inang reyna. “Siguraduhin mo na lahat sila ay makakarating, okay?”   Tumango ako. “Okay po.”   Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Elie sa kaharian namin kahit pa may kasunduan na kaming hindi na siya tatapak pa rito kahit kailan pero hindi ko siya hahayaang makagawa ng kahit anong gulo dito.   Pero alam kong makapaghihintay ang pagkilos kong iyon.   Sa ngayon, mas makakabuti kung itutuon ko muna ang atensyon ko sa nagaganap na event lalo na sa mangyayaring salu-salo mamaya dahil siguradong darating din ang mga kapatid ni Sina.   Those brats don’t know how to restrict themselves so I am sure that they will do something bad to my daughter and I cannot let that happen.   At hindi ko din hahayaang masira ang inihanda ng inang reyna dahil nasisiguro kong isang malaking gulo ang mangyayari na ikasasakit pa ng ulo ng aking asawa.   Kaya kailangan ko din iyong paghandaan.   ********** Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Pagkatapos ng award ceremony ay pumasok kami sa loob ng palasyo para sa salu-salong inihanda ng inang reyna.   At dahil lahat naman ng narito ay alam ang pagkatao namin ni Alicia at na-secure ko na din na walang hindi imbitado ang makakapasok o makakalapit man lang sa bulwagan kung saan nagaganap ang party ay inalis na namin ang suot naming mask.   And to be honest, okay naman sana ang party na inihanda para sa amin. Kaso may mga bruhang pakalat-kalat sa paligid at ginagamit yata itong pagkakataon para makahanap ng lalaking kanilang malalandi.   “Hindi ko talaga lubos maisip na kapatid ko ang mga iyan.” sabi ko habang nakangiwing nakatingin kina Mage, Karin and Klarin. “The three of them look like this is the very first time that they meet an adventurer.”   “Well, most of the knights that we have here in the palace are actually former rank A and rank B adventurers.” sabi ni Alice. “Pero alam mo namang higit na mahigpit ang mga nanay ng mga iyan kaya hindi nila nagagawang makalabas ng palasyo at makahalubilo sa iba.”   “Kahit na.” ismid ko. “They should know how to limit themselves.”   Aba’y kulang nalang kasi ay ihagis na nila ang kanilang mga sarili sa mga kasamahan kong adventurer. At nasisiguro kong mamaya, ide-demand na ng mga iyan ang pagpapakasal kung natipuhan na nila ang kanilang kausap.   Ipagpasalamat ko nalang na hindi sakop ng lahat ng batas ang mga adventurer.   Sa mga ordinaryong mamamayan, kapag naisipan ng sinumang may mataas na katungkulan sa kaharian na pakasalan ang taong may mas mababang estado ng buhay ay wala itong ibang pwedeng gawin kundi sumang-ayon.   Pero hindi sakop noon ang mga adventurer. Anuman ang kanilang katayuan sa buhay, galing man sila sa mataas na pamilyang may katungkulan sa bawat kaharian, may karapatan silang tumanggi kung sakali mang sabihin ng mga kapatid ko na gusto sila nitong pakasalan.   “You are not thinking that your sister will demand marriage to them, right?” tanong ni Alicia.   “Well, I am actually thinking that.” sabi ko. “They are clearly flirting with our comrade.”   “Alam mo kung gaano kataas ang tingin ng mga kapatid mo sa sarili nila kaya hindi sila basta magde-demand ng kasal lalo na sa isang adventurer.” sabi niya. “They’re doing that to get them on their side dahil may plano sila sa gabing ito.”   “Eh?”   Ngumisi siya at umiling-iling. “Marami ka pang hindi nalalaman tungkol sa mga bruha mong kapatid.” Inilapag niya ang hawak na baso at tumayo pagkuwa’y nag-inat. “Let me intercept with their plan. Ayokong masira ang salu-salong inihanda ng inang reyna dahil lang sa pagiging isip bata nila.”   Hindi ko na siya pinigilan pa dahil pareho naman kami ng gusto at ayaw na mangyari sa gabing ito. And I know that she is more capable of handling those girls because they are scared to her.   Sa ngayon, I will just enjoy myself with the little party.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD