Chapter 45

1119 Words
Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess)   Kronen immediately leaves when Soren knocks at the door of the room where I stayed. Ni hindi na nga siya nakapagpaalam sa akin dahil walang lock ang silid at agad na lang siyang tumayo at tumalon palabas ng bintana na ikinailing ko nalang.   Gusto ko pa kasi siyang makausap ng mas matagal pero hindi naman ako nabigyan ng pagkakataon dahil may mga istorbo.   Bumuntong hininga ako at tumayo tsaka binuksan ang pintuan.   “Let’s go.” sabi ni Soren.   “Si Alicia?” tanong ko at itinuro naman siya si Alicia na kasama sina Chien. She was a bit conscious of the dress that she is wearing right now but I can’t believe that it actually looks good on her.   It is a black lolita dress with red linings sa laylayan ng palda. May sleeveless black with white linings coat din ito na kita ang likod ng kanyang balikat at lagpas hanggang tuhod ang haba.   Sayang lang at hindi ko natapos ang boots na ka-partner noon. Mas bagay kasi iyon kaysa sa suot niya ngayon na high cut white shoes.   “You made something cool.” sabi ni Soren habang nakatingin din kay Alicia. “So? It will be the uniform of your party?”   Tumango ako. “I want it to be our trademark.” Bumaling ako sa kanya. “Would you like to join our party?”   Tumitig siya sa akin pagkuwa’y bumuntong hininga at umiling. “Though, I would love to join but I have a different goal in this kingdom and it is much more important than anything else.”   “So? Hindi ka pwedeng sumali sa ibang party?”   “Ang mga party na pwede ko lang salihan ay iyong mga gumagawa ng mga quest na dito lang sa loob ng Diamond Kingdom.” paliwanag niya. “At base sa mga impormasyong nabanggit sayo ni Sage, sigurado naman na mas pipiliin mo ang mga quest kung saan makakarating ka sa iba’t-ibang kaharian.”   Well, dahil sa pagdating ni Kronen, hindi ko na kailangang gawin iyon pero sa tingin ko ay mas makakabuti pa din kung makakabisita ako sa iba’t-ibang kaharian upang mas ma-familiarize pa ako sa mundong ito.   Hindi naman kasi lahat ay kailangan kong ibase sa mga ikinukwento sa akin ni Alicia at sa mga iku-kwento sa akin ni Kronen.   I need to find more information on my own kaya tama din ang sinabi ni Soren. The party that I will be forming will only get a quest that will require us to go to a different kingdom.   “Well, goodluck on your personal quest.” Tinapik ko ang braso niya. Alam ko kasing after ng award ceremony na ito ay bihira na lamang kaming magkita dahil magiging busy kami sa kanya-kanya naming buhay. “Just contact me if you need help.”   Tumango siya.   __________   Halos malula ako nang makita ang dami ng mga taong dumalo sa award ceremony na ito. Lahat yata ng naninirahan sa Diamond Kingdom ay talagang pumunta dito para lang masaksihan ang pagdiriwang na ito.   “Nabalitaan nyo ba?” bulong sa amin ni Saila na kadarating lang sa pwesto namin. “Nagsara ang lahat ng nakapwesto sa market para lang makapunta dito.”   “Eh?”   “At dahil nagde-demand din ang mga sundalo at ilang volunteer na nagbabantay sa bawat gate at pader ng kaharian ay nagdesisyon ang palasyo na magpakalat ng flying holo-man para makapanood ang mga hindi makapunta dito.” dagdag pa niya.   Ang flying holo-man ay isang human-like doll na may dalang holographic screen na ginagamit bilang broadcast device ng palasyo. And of course, ang technology na ginagamit dito ay nababalot ng magic.   “At talaga palang inaabangan ito ng buong kaharian.” sabi ni Raeli, isang rank B adventurer na nakasama din sa team nila Soren.   “Well, alam nyo naman na malaki din talaga ang pagpapahalaga ng mga taga-rito sa mga black lion kaya ang pagliligtas sa karamihan dito ay malaking issue talaga para sa kanila.” sabi ni Guildmaster. “Idagdag pa na isa lamang novice sina Luna at Alice pero malaki ang naitulong nila kaya kaunting damage lang ang natamo ng kaharian.”   “Pero bakit nga ba tanging ang Ruwan Rai lang ang bibigyan ng award?” tanong ko. Nakita ko kasing nasa audience lang din ang mga taga-ibang guild na naka-destino sa kahariang ito. At ang guild lang namin ang nandito sa itaas ng balcony kung saan ipa-present ang award namin.   “Hindi tinanggap ng ibang guild ang quest regarding the issue about black lion at sa ninakaw na roho ng pinakamalakas na tamer.” sabi ni Saila. “Tanging ang Ruwan Rai lang ang tumanggap kaya nga kabado din kami that time lalo na’t iilan lang ang rank A adventurer na nandito noon. Habang ang mga rank B adventurer naman ay nasa labas ng Diamond Kingdom dahil sa quest na ibinigay mismo ng hari.”   “Oh.” Tumangu-tango nalang ako. Kaya naman pala ganoon nalang din ang pasasalamat ng lahat sa guild namin dahil talagang kami lang ang sumaklolo sa mga sundalo ng kaharian upang mapigilan ang mga nagtangkang manggulo noon.   Ah!   Agad kong iginala ang tingin sa paligid.   Well, hindi naman sa pagmamayabang but I can actually remember every face of the people that I see.   But it is not like I have photographic memory. It is Sina’s ability. One of her null magic is record. It can create a certain box where I can restore every image that I see.   Magandang gamitin ito ngayong halos buong mamamayan ng Diamond Kingdom ay narito. I can get all their face records and compare it with the records that the palace has.   Makakatulong iyon kay Soren para ma-single out ang mga hindi talaga naninirahan dito at magkakaroon siya ng mas kaunting suspect sa kung sino man ang pumaslang sa kanyang ina.   Iyon lang naman kasi ang maitutulong ko sa kanya lalo na’t magiging abala na kami pagkatapos ng ceremony na ito.   Agad kong sinimulan ang pagre-record sa mga mukha ng mga nanonood. Isinama ko na din ang mga sundalo para mas makasiguro.   At eksakto namang oras na ng pagharap namin sa lahat nang matapos ako sa ginagawa ko kaya agad kong inilagay ang box na aking ginawa sa dala-dala kong bag at itinuon na ang atensyon sa nangyayaring event.   “Inihahandog ko sa inyo ang ating mga bayani.” sambit ng hari pagkuwa’y iginiya na kami ng mga sundalo papunta sa balkonahe.   At nang isa-isa kaming lumabas doon ay nagpalakpakan at nagsigawan sa saya ang mga manonood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD