CHAPTER 3

1184 Words
MIRABELLA Nagsimula na kaming mag-ayos ng mga mesa at plato sa malawak na hardin nila Astra. Paminsan-minsan ay pinapapunta niya ako sa kanyang kuwarto para pilitin na ayusan ngunit tumatakas ako. Nang sumapit ang dapit-hapon ay paunti-unting napupuno ang hardin ng mga tao na sa unang tingin pala ay nakakaangat na sa buhay. "We need more plates." Saad ng supervisor namin. Agad akong tumakbo sa kusina para kumuha pa ng mga gamit. Dala-dala ko ang mga piraso ng mamahaling pinggan nang may humarang sa aking daraanan. "Astra, buwisit ka, muntik ko ng mabagsak 'yung plato." Nilagay nito sa magkabilang-bewang ang mga kamay at mataray akong tiningnan. "Aayusan kita mamaya ha. Nakahanda na 'yung susuutin mo." "Hay naku, Astra. Busy ako. Saka baka magulat pa 'yung mga bisita niyo kasi may makakatabi kang katulong---" "You're not a maid, you're my best friend. Why would I care kung ano ang sasabihin nila?" Talagang napakabuti ng kalooban nito. "Bisita ka naman talaga, mas pinili mo lang ang pera kaysa ang mag-enjoy ka." "Hindi rin naman ako mag-e-enjoy. Wala rin naman akong maco-contribute sa mga usapan nila kasi wala naman akong alam doon." Tinuloy ko ang paglalakad. "Ma-out-of-place lang ako roon." "Hoy, babae, 'di pa tayo tapos mag-usap." "Busy ako. I'm working." Saad ko. Pagkatapos kong ibigay ang mga plato sa aking kasama ay tinulak ko ang tray para isa-isang kunin ang mga plato na tapos ng kainan ng mga bisita. "Girl, did you really screw him last night?" Rinig kong pag-uusap sa kabilang table. "Yup. He's kinda hot and we made a mess in the kitchen." Pagmamalaki ng babae na may mga red highlights sa bahagyang kulot na buhok nito. "Hindi ba't may girlfriend iyon?" "I don't care." Napailing na lamang ako sa mga narinig. Bakit parang pinamimigay na lamang ng mga babae ngayon ang kanilang virginity na parang wala lang sa kanila? Mas patok ba sa mga kabataan ngayon ang mabuntis ng maaga? "Mira?" Napatigil ako sa pagsisinop ng mga plato nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Unti-unti akong humarap sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay muli ako na-hypnotize sa magandang hugis ng kanyang mga mata. "Alesteir." Ang ngiti nito'y nagpanginig sa aking mga tuhod. "You remembered." Hindi ako makaimik. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko. "Hindi na kita nakikita sa supermarket. Are you avoiding me?" Bahagya itong lumapit kaya humakbang ako patalikod para mapanatili ang distansya naming dalawa. Dahil nag-aalala ako na baka marinig nito ang malakas na pintig ng aking puso. "Marami na kasi akong late kaya tinanggal na nila ako roon." Mahina kong paliwanag. Napahawak ako sa ibabang bahagi ng aking uniporme dahil sa kaba. "Is that so? Uh, about last time.." "Sorry. Wala pa akong pera ngayon. Kung maniningil ka, uhm, baka pwedeng next week nalang. Promise, hindi kita tatakbuhan." "What?" "H-Hindi mo ko sisingilin?" Napahawak ito sa magkabilang-bewang at tumingin sa kalangitan na parang pinahuhupa ang nararamdaman bago muling tumingin sa akin. "No. Mukha ba akong bumbai na susundan ka kahit saan para lang singilin?" Napalunok ako at namula ang pisngi dahil sa kahihiyan. "Sorry." "You're a weird woman." Natatawa nitong sabi. Nag-iwas ako ng tingin at hindi umalis sa aking kinatatayuan. Marami akong gagawin ngunit hindi ko talaga alam kung bakit ayaw makisama ng mga paa ko ngayon. "Mira! Kanina pa kita hinaha---" Napatigil si Astra sa pagsasalita at pinaglipat-lipat ang tingin sa akin at kay Alesteir. "Hina-harass mo ang best friend ko?" "Chill out, Astra." Natatawang sabi ni Alesteir. "I'm just here to say 'hello' to her." Kumunot ang noo nito. "Kilala niyo ang isa't-isa? Paano?" Bago pa man ako magsalita ay inunahan na ako ni Alesteir. "It's a secret." "What the.." Gulat na saad ni Astra. "Mira, do not trust this guy. " "Oh, come on, Astra. We're cousins. Family should help each other, right?" Niyakap ako ni Astra. "I won't give my best friend to you." "Wait, Astra. Hindi naman siya interesado sa akin, nakikipagkaibigan lang." Kalma ko sa kanya. Tiningnan nito ng matalim si Alesteir. "Totoo?" Hindi ito nagsalita, bagkus ay nagkibit-balikat lamang at ngumiti ng matamis. Naramdaman ko ang pamumula na aking pisngi. "See you around, Mira." "See you around, Mira." Pang-uuyam na ulit ni Astra na dahilan para matawa ako. "Pa-fall ang put---" "Astra, your words." Pigil ko sa kanya. "Babaero 'yun. Maitim ang budhi. Pangit. May putok." Natawa na lamang ako sa mga panlalait ng kaibigan ko sa sarili niyang pinsan. "Pero nagba-blush ka, bakit? Kilig ka? Marupok ka pala." "Magtigil ka na nga. Papakainin ko na si Krome." "Kanina pa siya kumakain doon oh. 'Di ka na niya hinintay. Inaasikaso na siya ni Mommy." Sinundan ko ang tinuturo nito at nakita si Krome na nakaupo sa gitna ni Tito at Tita habang kumakain ito. Napansin ko na iba na ang suot nito kumpara kanina, nakapolo na ito ng asul at itim na pants. Napasapo ako sa aking noo sapagkat alam kong nag-abala pa si Tita para ibili si Krome ng damit. "Ini-spoil na naman nila Tita si Krome." "Eh paano? Siya ang unico hijo nila Mommy. Minsan nga iniisip ko kung anak pa ba nila ako kasi mas mahal pa ata nila si Krome kaysa sa akin." Pagkatapos magdrama ni Astra sa akin ay napagdesisyunan ko na pumasok na sa loob para tumulong sa paghuhugas ng mga plato. "Pakitapon nalang ang basura sa labas, Mira, para hindi na maamoy sa loob ng kusina." Utos nila sa akin na agad ko rin namang sinunod. Pabalik na sana ako sa loob nang may humarang sa akin na tatlong babae. Natandaan ko ang mga ito, sila 'yung nag-uusap kanina tungkol sa s*x. "May namamagitan sa inyo ni Alesteir?" Saad ng babae na may pulang highlights. "Huh?" "Hindi lang pala eskwater, bingi rin pala." Mataray na sabi nito at tumawa ang dalawa pa niyang kasama. "I am Alesteir's fiancee." Parang may kumurot sa aking puso nang marinig iyon. "So know where you stand, you social climber. Kilala ko ang mga tulad mo, lalandiin ang lahat basta makaangat sa buhay." "Hindi pera ang habol ko sa kanya. At kahit kailan ay hindi ako humingi ng kahit anong tulong kanino man." Matigas kong sabi. Gamit ang kanyang hintuturo at tinulak-tulak niya ako. "Ito ang tandaan mo, ha? Layuan mo si Alesteir kung ayaw mong magulo ang buhay mo." "What's happening here?" Ang boses na iyon ay nagmula sa aking likuran. "Alesteir." Malambing na saad ng babaeng naka-red na highlights at sinadyang hawiin ang aking balikat. "Are we going home already? My bed is waiting." Hindi ako humarap sa kanila at mabilis na naglakad papasok sa mansyon. Nakayukom ang aking mga kamay para mapigilan ang sarili na magsalita ng masama. Ayaw kong lumikha ng eskandalo sapagkat hindi ko nais na masira ang party ni Tita. Napatigil ako sa paglalakad nang may humawak sa aking braso. "Mira, wait." Parang napapaso kong binawi ang aking braso. "Pasensya na, sir. Madami pa po akong gagawin." Sakto naman na dumating ang supervisor ko para bigyan ako ng panibagong gawain kaya hindi na ako nilapitan ni Alesteir. At mabuti na rin iyon para makalimutan ko ang nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD