MIRABELLA
"Mira!" Ang boses ng aking prof ang nagpagising sa aking natutulog na diwa. "Tinutulugan mo na naman ang subject ko."
"Sorry po, ma'am. 'Di na po mauulit." Hinging paumanhin ko.
Nagbuntong-hininga ito at itinuloy na lamang ang klase. Kinalabit ako ng aking kaibigan na si Astra at sumenyas na ilapit ko ang aking tainga sa kanya.
"Nagbago na naman ang shift mo?" Bulong nito.
Tumango ako. "Nagkasakit 'yung isang pang-graveyard kaya ako 'yung pumalit. Sayang rin kasi, madaming projects si Krome."
"Sabi ko kasi sa'yo, papautangin na lang kita eh. Kahit kailan mo na bayaran, kaya lang ayaw mo namang tanggapin."
Nginitian ko ito. "Okay lang ako, Astra."
"'Yan din ang sabi mo bago ka mag-collapse last week."
Bigla kong naalala ang pera na pinahiram sa aking ni Astra para sa gamot ko at bayad sa ospital. "Oo nga pala, 'yung ginastos mo sa gamot ko."
"It's free, Mira. Ospital namin 'yun kaya 'wag ka ng mag-alala."
"Pero--"
Mahina niya akong siniko. "Makinig ka nalang kay Ma'am, baka mabato tayo ng chalk."
Pagkatapos ng klase ay sininop ko na ang mga gamit ko at sumabay kay Astra sa paglalakad. "Astra, ilista mo nalang 'yung utang ko ha. Babayaran ko 'yun, promise."
Nagbuntong-hininga ito. "Oo na. 'Di ka matahimik."
Niyakap ko ito ng mahigpit. "Salamat sa lahat, best."
Elementary pa lang ay kaibigan ko na si Astra, kahit na mayaman ang pamilya nito ay nananatili pa rin ang mga paa nito sa lupa. Ganun rin ang kanyang mga magulang, lahat sila'y mababait at hindi mata-pobre. Tinanggap nila ako at tinuring na parang anak kahit na laki ako sa kahirapan.
"Kailangan ko na nga palang umalis." Paalam ko sa kanya.
"Huh? May isang subject pa."
"Minor lang naman. Hihiram nalang ako ng notes sa'yo." Paliwanag ko.
Sumimangot ito. "Panibagong part-time mo na naman ba 'yan?"
Mariin kong pinagdikit ang aking mga labi at tumango. Napabuntong-hininga ito. "Pinababayaan mo na ang sarili mo, Mira."
"Kailangan lang eh."
"Huwag ka ng pumunta diyan." Warning nito sa akin. "May party si Mommy mamayang gabi, kung gusto mo ng extra income."
"Ano ang gagawin ko 'dun?" Interesado kong tanong.
"Pwede kang tumulong sa cater. Huwag ka ng umabsent ngayon." Nahilamos nito ang kamay sa mukha. "Hay naku, ayaw kasi tanggapin nalang 'yung tulong eh, gusto pa may kapalit."
Niyakap ko itong muli. "Okay! Thanks, best."
Pagkatapos ng klase ay naglakad kami ni Astra sa parking lot para puntahan ang sundo nito. Lumabas sa sasakyan si Kuya Yulo at binuksan ang pinto para makasakay kami ni Astra.
"Magandang hapon, Miss Astra. Pasensya na po at natagalan." Saad nito sa amin nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan.
"Okay lang po, Kuya Yulo." Nakangiting saad ni Astra.
Ngumiti rin ako nang mapunta sa akin ang tingin ni Kuya. "Hi, Kuya. Lalo kang pumopogi, kamusta ang sampong anak?"
"Labing-isa na sila ngayon, Mira." Saad nito bago humalakhak.
"Aba! Buntis na naman si Ate Lara?" 'Di ko makapaniwalang sabi.
Napakamot ito sa ulo at mahinang tumawa. "Oo, e."
Bahagya akong lumapit sa kanya para makipagkuwentuhan pa, nasa backseat kasi ako kaya 'di ko masyadong marinig si Kuya Yulo, mahina kasi itong magsalita. "Kumpleto na ang basketball team kaya volleyball team naman 'diba, Kuya?"
"Sobrang ingay na nga sa bahay eh." Sabi niya habang inililiko ang sasakyan papunta sa highway.
"Mira, seat like a woman and wear seatbelt." Ma-awtoridad na saad ni Astra.
Napanguso ako. "Wala pa naman tayo sa main road. Wait lang."
"Umayos ka na ng upo. Kapag biglang huminto si Kuya Yulo, hindi ko tatanggalin 'yung mukha mo sa wind shield."
"Sobra ka." Umayos ako ng upo at sinunod ang mga sinabi nito.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay nila Astra. Kahit na matagal na akong pumupunta roon ay 'di ko pa din maiwasan na mamangha sa laki at ganda niyon.
"Kuya Yulo, 'wag niyo pong kakalimutan na sunduin si Krome para dito na rin siya makakain ng hapunan." Paalala ni Astra.
Tumango si Kuya. "Sige po, Miss."
Lumabas na kami ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Agad na kinuha ng katulong ang gamit ni Astra ngunit katulad ng dati ay 'di ko pa rin hindi ko pa rin hinayaan na kunin nila ang akin.
Si Astra ang señorita nila at ako'y bisita lamang. Hindi tama na tratuhin nila ako na espesyal.
"Mira! My baby Mira!" Sumalubong sa akin ang Mommy ni Astra at mahigpit akong niyakap. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil sobrang bilad ako sa araw.
"Teka, Tita, nakakahiya po. Amoy araw pa ako."
Natawa ito. "Ano ka ba, Mira! Hindi ka naman iba sa amin."
"Eh kasi, tita--"
"Mabuti nalang at nagpunta ka. Ihahanap kita ng magandang damit na kasya sa'yo sa damitan ni Astra."
"Hay naku, 'My, hindi 'yan makikiparty." Sabat ni Astra at inirapan ako.
Kumunot ang noo ni Tita at tumingin sa akin. "Huh? Bakit?"
Pinag-krus ni Astra ang mga kamay sa kanyang harapan. "Siya ang tanungin mo, nanggigigil ako sa babae na yan."
"Kailangan niyo daw po kasi ng katulong sa cater laya ako nagpunta, Tita. Extra income rin kasi."
Napahilamos si Tita sa kanyang mukha. "Wala na talagang umiikot sa utak ng bata na ito kundi extra income. Mira, learn how to enjoy your teenage days. You're only twenty one yet you act like middle-aged woman who has more children than Kuya Yulo."
"Eh, kasi, Tita, maraming gastusin si Krome kaya nagsusumikap ako ngayon."
"Naiintindihan ko, 'nak. Pero, huwag mo rin ipagkait sa sarili mo ang mga bagay na makakapagpasaya sa'yo." Nagbuntong-hininga ito. "Papalayasin na naman ba kayo sa apartment niyo? Ako na ang magbabayad. Pati kuryenye at tubig."
"Hindi, tita, kaya ko naman po."
Tumingin ito kay Astra. "Astra, magpapunta ka ng isang kasambahay sa lugar nila Mira at isampal mo sa mukha ng landlady----"
"Tita." Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamah nito. "Huwag na, tita. Kaya ko naman po. Kaya ko pa."
Lumambot ang ekspresyon nito. "Hindi, Mira. Pinipilit mo lang kayanin."
Ang mga salita na iyon ang nagpatikom sa aking bibig. Ang mga salita na sinisigaw ng aking isip ngunit pinipilit kong kontrolin.
Umiling ako at ilang beses lumunok para mapigilan ang mga luha. "Tita, please, 'wag na."
Nagbuntong-hininga ito at hinaplos ang aking pisngi. "Sige ganito nalang, payag na ako na tumulong ka sa cater para maging kabayaran ng babayaran kong renta, tubig at kuryente niyo. Okay?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Sige po."
Lumapit sa amin si Mira at inakbayan ako. "We got your back, best. Kaya sana, huwag ka mahiyang sumandal sa amin."
"Hello, family!" Nakuha ng pasigaw na boses na iyon ang aming atensyon. Napahinto si Tito sa nakabukas na pintuan nang mapansin ang mga itsura namin. "What did I missed?"
"The arrow that I threw." Saad ni Tita.
Humalakhak ito. "Where's my welcome back party, sugar? Spain is lonely without you."
Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan na magkulitan ang pamilya ni Astra. Kahit tatlo lamang sila ay punong-puno ng tawanan ang lahat ng sulok ng kanilang mansyon.
Perpekto at masaya. Ang mga katangian na wala ang pamilya namin.