Chapter 3

1849 Words
“SIR, you have a dinner meeting in an hour with…” “Kuya… I’m warning you, huwag na huwag kang mang-indian mamaya! Kapag ako pinahiya mo. Lagot ka talaga sa akin!” banta sa kanya ni Yumi. Marahas siyang napabuntong-hininga at halos masabunutan ang sarili. Kanina pa siya nakukunsumi sa kapatid dahil ayaw siyang tigilan nito at pilit na pinapapunta sa Hotel Santillan. “Ano ba kasing mayroon?” sagot niya sa text message nito. Agad sumenyas si Hiraya kay Rafael, ang kanyang Executive Assistant, na huminto sandali sa pagsasalita matapos biglang mag-ring ang kanyang phone. Tila hindi na nakatiis si Yumi at tinawagan na siya. “Ano ba naman kasi itong pakulo mo, Mayumi?” sermon niya sa kapatid. “Basta nga! Ikaw rin, pagsisisihan mo ng malala kapag hindi ka sumunod sa akin!” sagot nito sa kabilang linya. “Bakit ako susunod sa’yo eh mas matanda ako?!” She groaned harshly in frustration. “Kuya Aya! Utang ng loob, sumunod ka na lang!” “Eh paano ako susunod kung ayaw mong sabihin kung bakit ko kailangan pumunta sa Hotel?!” “May surprise bang pinapaalam ng advance?!” asik nito sa kanya sa kabilang linya. Siya naman ang napabuntong-hininga ng marahas. “Ay, hindi! Ayoko! Baka mamaya mapamahak pa ako diyan!” Huminga ito ng malalim. “Kapag hindi ka pumunta. I will tell your friends that Lana dumped you last week, dahil ayaw gumana ng manoy mo!” sigaw nito. Napabalikwas siya ng tayo. “Put— Mayumi, binabalaan kita!” inis na sagot niya dito habang halos masabunutan ang sarili. Isang nakakalokong tawa ang narinig niya mula dito. “Malalaman ko mamaya kapag pumunta ka o hindi. And you’re welcome. Bye Kuya! Have fun later!” Natulala na lang si Hiraya at hindi na nakakibo pa nang putulin nito ang tawag. Nang lumingon sa labas ng glass wall at makita nang agaw-dilim na, agad siyang napatingin sa oras. It’s already fifteen minutes before six pm. Agad niyang kinuha ang wallet at susi ng kotse, pagkatapos ay kinuha ang coat ng kanyang suit na nakasabit sa hanging rack saka naglakad papunta sa pinto. “Si-Sir…? Sir, wait… we still have a meeting with Mister—” Bigla siyang huminto. “I’m sorry, Raf. Gawan mo ng paraan, you can cancel or re-schedule the meeting, or ikaw muna ang pumunta as my representative. I’m sorry, kapag hindi ko sinunod ang kapatid ko. Masisira ang dangal ko sa mga kaibigan ko.” Napakunot-noo si Rafael. “Huh?” Ngumiti siya at mahina na tinapik ito sa leeg. “I trust you, Pare,” sabi pa niya at tumalikod na. “Sandali lang, Sir… Hoy Hiraya!” Hindi lumilingon na tinaas niya ang isang kamay at nag-peace sign. “See you tomorrow, Raf!” sigaw pa niya bago tuluyan sumakay sa elevator. HINDI mapakali si Hiraya sa kinauupuan. Nariyan magde-dekuwatro siya, pipihit siya sa pakaliwa, pakanan, tatayo at tatanaw sa labas ng glass wall na nasa kanyang tabi lang, pagkatapos ay uupo ulit at iinom ng iinom ng tubig. Habang ang mga daliri niya ay walang hinto sa pagtapik sa ibabaw ng mesa. Napalingon siya nang may lumapit sa kanya ang limang kalalakihan. Tatlo sa mga ito ay mga puti at dalawa ay Asian. “Mister Santillan, I’m sorry we’re late.” Napakunot-noo siya. Ito na ba ang sinasabi ni Yumi na surprise nito? “Uhm… are you—” “Gentlemen!” Halos sabay-sabay silang napalingon at nakita na papalapit si Himig. Hindi alam ni Hiraya kung bakit siya nakahinga ng maluwag nang makita ang kapatid. May hinala na siya na sinet-up siya ng date ni Yumi kaya pinagbilinan siya nitong magsuot ng maganda at maayos na suit. “’Tol,” salubong niya sa kakambal. Nakita niya ang gulat sa mga mukha ng mga kalalakihan nang dumating si Himig at nagpalipat-lipat pa ito ng tingin sa kanya. “I’m sorry, I’m Himig Santillan and this is Hiraya. I apologize for the confusion, I forgot to mention that I have a twin brother.” Nagtawanan ang mga ito. “You guys looks like a clone.” Nakitawa na lang si Hiraya sa mga ito. “Please, after you,” sabi pa ni Himig sa mga ka-meeting nito. Bago umalis ay binulungan siya ni Himig at bahagya pa siyang tinapik sa braso. “Good luck, ‘tol.” Napakunot-noo siya at nasundan na lang ng tingin ito nang humakbang na palayo. “Ha?” Wala na siyang nakuhang sagot mula dito kaya naupo na lamang siya at patuloy na naghintay. Kasunod niyon ay nakatanggap naman siya ng text message mula kay Yumi. “Nandiyan na siya.” Mabilis na sumagot si Hiraya. “Sinong siya?” Hindi na niya nakita pa ang naging reply ni Yumi sa kanyang text message nang pag-angat ng tingin ay napalingon siya sa entrance door ng restaurant. Literal na napatayo siya at natulala. That person walked inside the restaurant, looking around as if looking for someone. When their gazes met, that person smiled. And that smile seems like a confirmation. Dumagundong bigla ang kanyang dibdib sa lakas ng kabog niyon. Sa bawat hakbang nito palapit sa kanyang kinaroroonan ay pabilis ng pabilis ang pintig ng puso niya. Tulala pa rin na napatayo siya nang sa wakas ay makalapit na ito. “Hi Aya, it’s been a while.” “S-Samantha?” SHE SMILED. That familiar charming smile that he never seen for a long time. Parang isang panaginip. Unreal. Mula nang maghiwalay ay hindi na nakita ni Hiraya si Sam kahit ang anino nito. Kahit balita tungkol sa lagay nito ay wala na siyang narinig pa. “Can I sit?” nakangiting tanong nito. Doon natauhan si Hiraya at agad napakurap. “Ah, yeah, sorry…” mabilis niyang sagot. Umikot siya sa likuran nito at siya pa mismo ang naghila ng silya at umalalay dito. “Thanks.” Huminga ng malalim si Aya at agad nagpaskil ng ngiti. “S-Sorry, natataranta ako. Hindi ko naisip na ikaw ang darating dito.” Natawa si Sam. “Were you expecting somebody else?” tanong pa nito. He chuckled. “No!” mabilis na sagot ulit niya. “I’m actually don’t know what and who to expect. Kinulit lang ako ni Yumi na pumunta dito, though I already had a hunch that she set me up on a date. But you never crossed my mind because… it’s been… it has been fifteen years Sam… what happened to you?” Naging mailap ang mga mata nito. “I… ah… I’m okay. I’m working… sa isang private company.” Bahagyang kumunot ang kanyang noo. “Private company? Anong nangyari sa business ng family n’yo? Hindi ba’t ikaw ang namamahala sa RJ Shipping Lines?” Malungkot itong ngumiti at umiling. “Hindi na.” Nabigla si Hiraya sa nalaman. Hindi niya inaasahan iyon. All these years, he always thought that Sam is now the President & CEO of RJ Shipping Lines. “Wait… what?” Tumikhim si Sam saka ngumiti. “Anyway, I did not come here to talk about my life. I’m here to catch up with you. I met Yumi by accident on her restaurant. Kakain lang dapat ako doon pero napunta kami sa mahabang kuwentuhan. Kinumusta kita sa kanya. I want to reconnect with you, that’s why she set up this date.” Huminga ng malalim si Aya. Habang nagsasalita si Sam ay pinagmamasdan niya ang mukha nito. Maganda pa rin ito. She got matured, of course, but she still has that mesmerizing and timeless Spanish beauty that she got from her mother. She still has that long, black and silky hair. Ang matangos at perpektong hugis ng ilong nito. Those red and sumptuous lips of her. That fair and flawless skin. And wearing those heels, halos lumapit ang height nito sa kanya. Pero hindi gaya noong huling beses nilang magkita na medyo bilugan ang katawan nito. Mas nangangayayat ang pangangatawan nito. Sa kabila ng magandang make-up na nasa mukha nito, hindi naitago niyon ang panlalalim ng mga mata niyon. Bahagyang humpak ang pisngi nito. Sam is not in a good shape. Pero ang lahat ng napansin ni Hiraya ay hindi na niya isinatig. “You still look the same, Aya. Kung may nagbago man, nag-matured ka pero mas gumwapo ka pa rin. But you still have that handsome smile.” “Stop, you’re embarrassing me,” natatawang sagot niya at umiwas ng tingin. “Ikaw? Kumusta ka na?” tanong pa ni Sam. “I’m good. But unlike my twin brother, I already had my own company. Gaming Companies. I handle multiple online games, and I have other few businesses that is not related to what I do now.” “Wow. Natupad mo ang pangarap mo. The Empire. Iyon ang name ng company mo di ba?” “Yes. For sure, Yumi already told you about it.” Marahan itong natawa. “I will not deny that. And you literally build an empire.” Hindi na sumagot si Hiraya at hinayaan ang sarili na titigan na lang ang dalaga. “Are you married now?” hindi niya napigilan tanong. Tinaas nito ang kaliwang kamay. “Wala akong suot na singsing. Besides, I wouldn’t be here if I’m already married.” “Yeah, I noticed. I just want to hear it from you.” “I bet you’re also single.” Sabay silang natawa. “Nakakatawa. The last time we see and talked to each other was the day we broke up, and we met fifteen years later on a blind date,” sabi pa niya. Bahagya rin natawa si Sam. “I know. Sa totoo lang, muntik na akong mag-back out kanina.” “Bakit naman?” “Nahihiya kasi ako sa’yo. Ang tagal na natin kasi hindi nagkita.” Huminga ng malalim si Hiraya at inabot ang kamay nito saka hinawakan iyon. “I’m so glad you came. Dahil masaya akong makita ka ulit.” “Talaga? Hindi ka galit sa akin?” He frowned. A bit surprised but later he chuckled. “Bakit naman ako magagalit sa’yo?” “Dahil sa nangyaring break-up natin.” Umiling siya. “That’s a mutual decision, Sam. Walang dahilan para magalit ako sa’yo.” Napansin niya ang paghinga ng malalim nito at ang paghawak din nito sa kamay niyang nakahawak dito. “All these years, akala ko talaga masama ang loob mo sa akin, kasi hindi ka na nagpakita after ng graduation. Pero ngayon, at least matatahimik na ang kalooban ko. Iyon lang actually ang dahilan kaya ako nakipagkita.” Ngumiti siya sa dalaga. “Well, you can put your heart at ease now. I’m not mad at you. I’m still the same Hiraya Santillan that you knew. We’re friends, right?” “Right,” she answered. “Do you want to go somewhere else?” pag-iiba na niya ng usapan. “Namimiss ko na ‘yong favorite natin na burger with grilled beef patty,” sabi nito. Agad siyang tumayo nang hindi binibitiwan ang kamay nito. “Let’s go. I know a place.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD