“THANK YOU, huwag kang mag-alala sandali lang kami,” sabi pa ni Hiraya sa caretaker ng lumang chapel doon sa dating unibersidad na pinapasukan nila. Tinapik pa nito ang teenager na inabutan nito ng limang daan piso.
“Okay po, Sir.”
Nang bumaling sa kanya si Hiraya ay agad napangiti si Sam.
“Halika ka na, pero ingat sa pag-akyat dahil medyo luma na ‘yong hagdan,” bilin pa nito.
“Okay.”
Hinubad ni Sam ang kanyang sapatos. Napatingala siya kay Hiraya nang ilahad nito ang kamay para alalayan siya sa pag-akyat. Malugod niyang tinanggap iyon ay pinatong ang kamay sa palad nito. That simple squeezed of his hands on hers gives her a different kind of emotion. His hands are so warm. They way he holds her feels like she’s welcoming her again in his life.
Hanggang sa makarating sila sa bell tower ay hindi na binitiwan pa ni Hiraya ang kamay niya. Naupo sila sa magkabilang dulo ng maliit na bintana doon at sumandal sa pader. Huminga siya ng malalim at lumingon sa paligid.
“Bakit dito mo ako dinala?” tanong pa ni Sam.
“I thought you want to see this place. Palagi tayo dito nag-uusap, ‘di ba?”
Huminga ng malalim si Sam. “Ang tagal na mula nang huling punta ko dito.”
“Kelan ‘yon?”
Bumalik ang tingin niya kay Hiraya. “Noong huling beses tayong magkita.”
Marahan natawa ang binata at napailing saka napabuntong-hininga. “Yeah. Napakarami natin memories dito sa lugar na ‘to.”
“Naging saksi ang lugar na ‘to sa naging relasyon natin noon. All the happy moments, LQ, pati mga kalokohan natin dalawa dito natin ginawa.”
Natigilan silang dalawa bago natawa ng sabay nang tila pareho nilang maalala ang mga kalokohan sinabi niya. Sa lugar na iyon nangyari ang kanilang first kiss. That where they used to make out. At dalawang beses may nangyari sa kanilang dalawa doon. Kaya ang biro nila noon ay minus twenty points na sila sa langit.
“Iyon talaga ang naalala mo?” natatawang tanong ni Hiraya.
“Bakit ikaw? Hindi? Isa ‘yon sa mga hindi ko makakalimutan moment dahil muntik na tayong mahuli noong pangalawa.”
Nagtawanan ulit sila at kapwa napailing.
“Hay, university life! Sabi nila high school life daw ang pinaka-memorable, pero para sa akin, college,” sabi ni Sam.
“I agree. You made it special for me.”
“I am really happy to see you again. Mabuti na lang tumuloy ako hindi nagpadala sa kaba kanina.”
Tumingin ito sa kamay niya ay pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
“And I’m glad you decided to communicate again. Sa totoo lang, mula noong reunion natin few weeks ago at halos lahat ng kaibigan natin, sa akin ka tinatanong kung kumusta ka na o nasaan ka na. since then, for some reason you never left my mind.”
Nakibit-balikat siya. “Well, I’m back.”
“Gusto mo ba mag-schedule ako ng meet-up kasama ang mga tropa? Kabilin-bilinan nila sa akin na tawagan sila agad kapag nagpakita ka na,” tanong pa nito.
“Huwag muna. Saka na, may mga gusto pa akong i-settle. Kapag okay na, sasabihin ko na lang sa’yo.”
“Settle? What do you mean?” kunot ang noo na tanong nito.
“Basta!” tatawa-tawa lang na sagot niya.
Mayamaya ay napansin ni Sam na nanahimik bigla si Hiraya.
“Huy, bakit ka biglang natahimik diyan?”
“I was just thinking… if…”
“If?”
“Is it okay if I hug you?”
Napangiti siya. “Akala ko naman kung ano na. Oo naman.”
Tumayo silang dalawa pagkatapos ay niyakap ang isa’t isa. Napangiti si Sam nang maramdaman na mas hinigpitan nito ang yakap sa kanya. Napapikit siya. That familiar feeling came back. The warm hug that gives the feeling of safe and security. They didn’t say anything. They just stood there. Hugging each other and feeling the moment.
“May atraso ka pala sa akin,” sabi pa ni Hiraya.
“Ano?” tanong niya nang hindi sila humihiwalay sa isa’t isa.
“Nangako ka noon na magpapatuloy ang friendship natin pagkatapos natin maghiwalay pero ikaw itong nawala at hindi na nagparamdam.”
Marahan siyang natawa. “May mga family matters kasi akong hinarap noon. Hanggang sa maging busy na sa buhay. Kaya nga ako nandito eh, dahil alam ko na ako ang may atraso sa’yo.”
Nang sa wakas kumalas sila sa pagkakayakap ay sinalubong siya nito ng matamis na ngiti.
“I’m so happy to see you again, Sam. You are my girl best friend, even before we dated. Kaya ganito na lang ang saya ko.”
Ngumiti siya at kinurot ito sa pisngi.
“Same here.”
Napatingin siya sa tiyan niya nang bigla nitong hawakan iyon.
“Pero pumayat ka ng husto. Gusto ko na ibalik mo ang dati mong katawan. Mas bagay sa’yo ang ganoon, bilugan. Mas gusto ko ‘yon sa’yo. Kumakain ka ba sa ayos?”
“Oo naman!”
“Parang hindi eh!”
“Ay ang kulit!”
“Ang mabuti pa kumain na tayo. Nagugutom na rin ako eh. Saka iba naiisip ko dito sa lugar na ‘to, baka mamaya magkahubaran tayo dito iba na naman ang mangyari.”
Humagalpak ng tawa si Sam saka pinalo ito ng tatlong beses sa braso.
“Buwisit ka talaga!” patuloy sa pagtawa na reaksiyon niya.
“Aray!”
Mula doon sa university chapel ay nagpunta sila sa isang restaurant na hindi masyadong pormal. Kilala ni Sam si Hiraya, ayaw nito sa mga masyadong formal dining. Sa kabila ng estado nito sa buhay, hindi ito maarte sa pagkain. Naiinis ito sa serving ng mga formal dining. Katwiran nito ay sayang ang pera dahil kakapiraso ang dami ng pagkain sine-serve pero ang mahal.
DINALA ni Hiraya si Sam sa paborito nilang kainan noon. Masaya siyang panoorin na wala pa rin pinagbago ito kapag kumakain. Wala itong pakialam kung naka-dress man ito. She’s not the typical woman, who will act feminine when eating. Hindi iniisip ni Sam ang poise, katwiran nito ay wala nang mas importante pa sa kumakalam na tiyan at sa pagkain.
Pero isang bagay ang hindi naiwasan mapansin ni Hiraya. Matagal na niyang alam na malakas kumain si Sam. Pero ngayon, tila sabik ito sa pagkain na para bang kaytagal na nitong hindi nakakakain ng maayos. Noong una ay binalak niya itong dalhin sa dati nilang paboritong kainan na burger house. Pero bigla iyon nagbago at nagkasundo silang kumain ng seafood. Dinala niya kasi ito sa isang unlimited seafood restaurant.
“Hey, dahan-dahan,” natatawang saway niya dito nang isubo nito lahat ang tiger prawns.
Natigilan ito saka ngumiti bago pinagpatuloy ang pagnguya.
“Sorry, ang tagal ko na kasing hindi nakakakain ng seafoods.”
“Ganoon ka ba ka-busy para hindi ka makakain ng seafoods?” tanong pa niya.
Hindi agad ito nakasagot at para bang nag-isip muna.
“Oo… parang ganoon na nga.”
“Eat slowly… baka sumakit tiyan mo mamaya,” saway niya pagkatapos ay pinunasan ng table napkin ang magkabilang gilid ng labi nito.
Ngumiti ito saka tumango. Nang matapos kumain, lahat ng natira sa kanilang inorder ay pinabalot ni Hiraya at binigay kay Sam.
“Oh, baka kulang pa sa’yo ‘yong kinain mo eh,” tukso niya dito nang makabalik ito mula sa banyo.
“Uy, thanks!” masayang sagot nito.
Nang sumulyap siya sa oras ay saka niya lang nakita na mag-aalas-diyes na pala.
“Halika, hatid na kita.”
“Okay.”
Sa isang apartment sa may Quezon City nakatira si Sam. Bagay na pinagtaka niya dahil kumpara sa bahay na pag-aari ng pamilya nito dati. Malayong-malayo sa nakikita niya ngayon.
“You live here?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Huminga ng malalim si Sam saka tumango. Sa pagkakataon na iyon ay seryoso na ang ekspresiyon ng mukha nito.
“Alam ko nagtataka ka, Hiraya. Marami nang nangyari sa buhay ko mula nang hindi na tayo nagkita. Isang araw, sasabihin ko rin sa’yo.”
“Okay. By the way, give me your phone.”
Walang tanong na binigay nito sa kanya iyon pagkatapos ay dinaial ang sariling number sa phone nito at siya na rin ang nag-save ng number niya.
“Call me again, okay? Basta kung may kailangan ka o ano, o kung gusto mo
magkita ulit tayo, sabihin mo lang.”
“Okay. Salamat ulit sa lahat.”
Ngumiti siya at umiling. “Wala ‘yon. At siguraduhin mo lang na hindi na ito ang huli natin pagkikita. Alam ko na number at address n’yo, hindi ka makakatakas sa akin.”
Natawa si Sam. “Hindi na ako mawawala, pangako. Sige na, mauna na ako.”
“Okay. See you again.”
“Yeah, see you.”
Nabuksan na ni Sam ang pinto ng kotse niya at pababa na sana nang bigla itong muling lumingon sa kanya. Sabay lapit ng mukha at hinalikan siya malapit sa gilid ng labi.
“Thanks for tonight, Aya. I really enjoyed it,” mahina ang boses na sabi nito sabay ngiti.
Lalabas na sana ulit ng sasakyan si Sam ng bigla niyang hawakan ito sa braso at hilahin palapit. Ginagap niya ang mukha at walang sabi-sabing hinalikan ito sa labi. Isang masuyong halik ang binigay niya dito. It just lasted a few seconds before he let her go. Matapos iyon ay tinignan niya si Sam ng deretso sa mga mata.
“That’s how you kiss on a first date, Samantha.”
Tulala at halatang nabigla ang dalaga sa kanyang ginawa pero walang pinagsisihan si Hiraya. Para makabawi ay ngumiti ito at tumungo.
“I should go inside.”
“Okay. Goodnight, Sam.”
“Goodnight, Aya.”
Hinintay muna niyang makapasok sa gate ang babae bago tuluyan umalis. Halos limang minuto na siyang nagmamaneho nang huminto siya sa gilid ng daan saka nagpadala ng text message kay Sam.
“I already kissed you. It means you’re exclusively dating me from now on. Kaya huwag ka nang makikipag-date sa iba.”
Natatawa na nilapag niya ang phone saka pinagpatuloy ang pagmamaneho. Hindi akalain ni Hiraya na matatapos ang araw niya na ganoon kasaya. Ah, he should send her sister a bouquet of flowers tomorrow.