Chapter 2

1448 Words
“WE HAVE some good news for you guys,” sabi ni Sam nang makaharap ang grupo ng mga kaibigan. Natahimik ang mga ito at tumingin sa dalaga. Nagsunuran ng tingin ang mga ito kay Hiraya nang tumayo siya at tumabi kay Sam sabay hawak sa kamay nito. “We’re now official!” Their friends cheered so loud, that every student in the campus looked at them. Inulan sila ng mga bati mula sa mga ito. “Teka, anong nangyari? Parang kailan lang pinangangatawanan n’yo na wala kayong gusto sa isa’t isa,” tanong ng isa sa kaibigan nila. “So, na-realize n’yo na ba suddenly na gusto n’yo ang isa’t isa o nadala lang kayo sa tukso namin at mga tao sa inyo?” tanong pa ng isa. “None of the above,” kaswal na sagot ni Hiraya. Kumunot ang noo ng mga ito at bumakas ang pagkalito sa mga mukha. “Hindi namin maintindihan.” Nagkatinginan sila ni Sam at natawa. “Experiment. We both decided to date officially just for fun,” kibit-balikat pa ni Sam. Napanganga ang mga kaibigan kaya natawa silang dalawa. Umakbay si Hiraya kay Sam. “Oh, ba’t ganyan ang mga mukha n’yo? Kayo itong tulak ng tulak sa amin sa isa’t isa ngayon pinagbigyan kayo…” “Malay n’yo naman, ma-develop kami sa isa’t isa. And also, Aya is not bad, right? He’s a great man! Guwapo, mabait, matalino, siraulo…” Natawa ang mga kaibigan. “Bahala kayo, matanda na kayo pareho, basta walang sisihan kapag nasaktan n’yo isa’t isa.” He smirked and looked at Sam. “I will never hurt this beaut.” Huminga ng malalim si Hiraya. Tinitigan niya ang malaking entrance gate ng kanilang campus. Naroon siya ngayon para sa kanilang fifteenth year alumni homecoming. All the memories he had on that University immediately flooded his mind, particularly, his memories with Sam. After they graduated, he already went to Netherlands and stayed there for more than a year. But since that day, he never heard anything from her. Naglaho na lang itong parang bula at walang nakakaalam kung ano nang nangyari pa sa dalaga. Kapag nagkataon, ngayon pa lang ulit sila magkikita ni Sam. Ano na kaya ang itsura nito? Bago bumaba ay huminga muna siya ng malalim. Wala sanang balak umattend kaya lang ay pinilit siya ng kakambal. “Huy, ano? Wala ka bang balak bumaba?” Doon siya napalingon sa katabi. Ngayon lang naalala ni Hiraya na kasama nga pala niya ito sa loob ng kotse. “Hindi ako iinom ah, ako magda-drive mamaya pauwi,” giit niya kay Himig. “Oo na.” “Ito naman walang kagana-gana, ganyan ba epekto ng bitin?” pang-aasar pa nito. “Namo!” pabiro niyang sagot sa kapatid. “Tara na! Nasa loob na sila Alvin at Michael, tayo na lang ang hinihintay,” tatawa-tawang sagot ni Himig. Pagpasok sa loob ng gymnasium kung saan ginaganap ang kanilang homecoming ay sinalubong sila ng malakas na musika. Marami nang tao at karamihan sa mga naroon ay kilala niyang lahat. Sinalubong silang dalawa ng bati ng mga kaibigan at kakilala. Nang makita ang mga pamilyar na mukha ng mga dating kaklase at kaibigan at nagsimula ang walang katapusan na kumustahan, nakalimutan ni Hiraya ang dinadalang lungkot. Taliwas sa unang inaasahan na baka mabagot siya, kabaligtaran ang nangyari. Nang sa wakas ay makarating na sila sa mesa kung saan naroon ang mga kaibigan ay sinalubong sila ng mga ito. “Pare, long time no see!” “I know… musta na?” “Balita ko si Migs may asawa na, ikaw?” tanong ng isa nilang kaibigan sabay baling sa kanya. Nagkibit-balikat. “The last man standing.” Tumawa ang mga ito at tinapik pa siya sa tiyan. “Ah true bachelor!” “Teka, may nabalitaan pa ako. Totoo ba na ang napangasawa ni Alvin ay ang Ate n’yo?” pag-uusisa pa ng isa sa kaibigan nila. “Yes! And I’m a happy married man!” sagot ni Alvin. “And Michael, I heard you and Lia got back together?” “Oo, totoo ang chismis,” sagot nito. Umakbay si Aya sa dalawang bayaw. “We’re a family now!” Mayamaya ay nagpropose ng cheers si Michael. Tinaas nito ang wine glass at gayundin ang kanilang ginawa. “To our batch and to more years of friendship! Cheers guys!” “Cheers!” Matapos uminom ng wine. “Oo nga pala, Aya. Where’s Sam?” Natigilan siya, lalo na at lumingon ang lahat sa kanya. “Ewan ko. I haven’t heard from her since we broke up,” sagot niya. “Really? That’s weird. Bigla na lang siyang nawala.” “Pati sa family n’ya wala na rin akong balita. Eh ‘di ba sila ang may-ari ng RJ Shipping Lines?” “Baka naman nag-migrate na sa abroad.” “Baka nga. Ikaw, Aya? Wala ka man bang balita sa kanya? Sayang siya lang ang wala dito. Kayo pa naman ang star couple ng batch natin.” Natatawa na umiling siya. “Wala nga. We never communicate after we broke up. Umalis na rin kasi ako agad few days after graduation.” “Oh, I miss Sam. Nakakamiss ‘yong pagiging bungisngis no’n,” komento ng isang kaibigan nilang babae na si Naomi. “Ano na kayang nangyari doon?” “Ikaw, Aya? Hindi mo ba siya namimiss?” He chuckled. “Of course, I miss her! We are good friends! Alam n’yo naman ang stand ng relasyon namin, ‘di ba?” “Sana magpakita na siya sa atin. Basta ha, kung kanino man siya unang magparamdam. Let us know, please.” Nagpatuloy ang party. Walang humpay na tawanan, kainan, inuman, sayawan at kuwentuhan tungkol sa mga sariling buhay. Sa gitna niyon ay lumabas ng gymnasium si Hiraya. Naglakad-lakad siya sa campus. Habang naroon ay napapangiti na lang siya habang bumabalik sa alaala niya ang masasayang panahon na nilagi niya doon kasama ng mga kaibigan. Hanggang sa mapadaan siya sa chapel. Medyo nag-aalangan na lumapit siya doon at bahagyang tinulak ang nakasarado nang pinto. Nagulat pa siya nang makita na may binatilyo sa loob. “Good evening po, Sir.” “Good evening. Ikaw ba caretaker nitong chapel?” “Opo.” “Puwede bang umakyat saglit sa bell tower?” “Kasama po ba kayo doon sa Homecoming?” “Oo. Dati akong nag-aaral dito.” “Ay sige po, pero medyo luma na ‘yong hagdan. Ingat lang po sa pag-akyat baka mahulog kayo.” “Sige, salamat. Sandali lang naman ako.” Matapos siyang bigyan ng permiso ay umakyat na siya sa taas. He sighed and looked around. Bukod sa medyo luma na iyon, halos wala pa rin pinagbago. Ang huling beses na naroon siya ay ang araw ng kanilang graduation. The day Sam and him broke up. Wala sa loob na napangiti si Hiraya. Doon sa bell tower sila madalas tumambay ni Sam. When they want to get out of the crowded school. When they just want to spend time just the two of them. Doon sila nagtatago. May mga sandali pa nga na nakulong sila doon matapos mai-padlock ang simbahan dahil inabot sila ng gabi. On that tower, Sam and Hiraya shared their first kiss. Kapag naman sumilip sa ibaba, bubungad ang parking area ng university. Doon sa loob ng kotse niya madalas silang mag-make out. He can still remember their steamy moments inside his car on that parking area. Palibhasa’y tinted ang salamin ng kotse niya kaya malakas ang loob nila. Minsan pa nga, doon nila ginagawa sa bell tower. He loved her. Iyon ang hindi alam ni Sam. Sa loob ng isang taon nilang relasyon. Lihim niyang natutunan na mahalin ito. Before he knew it, he already fell in love so hard for her. Pero hindi niya binigyan ng pagkakataon ang sarili na sabihin ang totoong damdamin dahil hanggang sa huli, nanindigan si Sam na walang emotional attachment sa pagitan nila. Mayamaya ay huminga siya ng malalim at pinilig ang ulo. “Why am I being sentimental just because I thought about her? Nasisiraan na yata talaga ako ng ulo.” Naputol ang pag-iisip niya nang tumunog ang kanyang phone. Galing kay Yumi ang mensahe. “Kuya, sagot ko na ang problema mo sa lungkot. Trust me. Go to Silver Platter Restaurant at Hotel Santillan tomorrow evening, make sure to be there at exactly six PM. Suit up, okay? Make sure you look your best tomorrow.” Kumunot ang noo niya. “Huh?” naguguluhan reaksiyon niya. “Ano na naman ‘yan, Mayumi?” reply niya sa bunsong kapatid. “Basta!” mabilis na sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD