NAPANGITI si Hiraya nang makita ang pangalan ng kapatid niyang Yumi sa screen ng kanyang phone. It was morning, the following day, the night after he met Samantha again.
“Good morning my beautiful sister!” masiglang bati niya sa kapatid pagsagot sa tawag nito.
“Aba, mukhang maganda gising ng Kuya ko ah!”
Tumikhim siya. “Hindi naman,” pabirong tanggi niya.
“I received the flowers, and they are so beautiful! Thank you very much at muntik pa magselos si Carlo. Akala galing sa ibang lalaki!” tumatawang sagot nito.
“Glad you like it!”
“Pero para saan ‘to?”
“Pasasalamat lang dahil sa ginawa mo kagabi. I mean, kung alam ko lang na si Sam ang kikitain ko eh di mas nag-ayos pa ako.”
Humagalpak ng tawa si Yumi sa kabilang linya. “Sabi na eh, tama ako, nandoon pa rin ang spark at chemistry n’yong dalawa. Kuya Migs sent me a photo last night and you both looked together.”
“Thanks. I owe it to you.”
“So, how did your date go?”
Huminto siya sa paglalakad matapos makarating sa tapat ng elevator.
“Oh, it went great. Ewan ko, siguro dahil matagal kami na di nagkita kaya ang dami namin napagkuwentuhan.”
“So, may next date pa ulit?” pag-uusisa pa ni Yumi.
“Definitely!”
“Oh ‘yan Kuya, I did my part. Nahanapan na kita ng lovelife. Alagaan mo ‘yan. Sam is not just like the other women you dated. She’s different. She’s for keeps. Because if you will not do good this time, you will lose her again, and this time, it might be forever,” payo sa kanya ni Yumi.
Huminga siya ng malalim. “Thank you, Yums. I really owe you a lot.”
“You’re welcome, Kuya. Alam mo naman malakas ka sa akin eh.”
“So, tell me, what do you want? Anything, I’ll buy it for you.”
Natawa siya nang tumili ito sa kabilang linya. Napalingon siya nang dumating si Rafael, ang kaibigan at executive assistant niya.
“Your four minutes late, bawas four hundred sa sweldo,” sabi niya dito.
“What?! I’m not late! Wala pang alas-nuwebe!” mabilis na protesta nito.
“Nauna ako sa’yo. Ako ang boss. Kaya late ka pa rin! Di ba sabi ko sa’yo, kahit maaga pa basta nauna ako, late ka na,” pang-aasar pa niya.
“Pambihirang buhay ‘to! Boss!” pagmamaktol ni Rafael.
Tumawa siya ng malakas pagkatapos ay binalikan si Yumi sa phone.
“Hello… ano nga gusto mo? Kapag hindi mo sinabi ngayon at bumukas na ‘tong elevator. Hindi ka na makakahingi ulit sa akin!”
“Iyong latest version ng smartphone! Saka smart watch!” mabilis na sagot nito.
“Sige. Hintayin mo ipapadala ko sa’yo!”
Tumili ulit si Yumi sa kabilang linya. “Oh my gosh, thank you, Kuya!”
“Hinay-hinay ka diyan, masyado kang excited at masaya baka atakehin ka sa puso,” saway niya dito.
“Kuya, stop worrying about me, okay? Nakapag-heart transplant na ako, ‘di ba?”
“Kahit na, ilang beses ka nang nakakaranas ng heart rejection. Mabuti na ‘yong nag-iingat.”
“Sabi ko nga.”
Mayamaya ay nawala ang kapatid niya sa kabilang linya at pumalit ang boses ng asawa nito.
“Pare… puwede bang mamaya na kayo mag-usap nitong kapatid mo? Kailangan ko umi-score eh!”
“Na mo ka talaga! Panay kalantari mo sa kapatid ko! Mas tirik na tirik pa ‘yang ano mo sa araw sa labas! Ang aga aga!” sermon niya dito.
Nailayo niya ang phone dahil sa lakas ng tawa ng mag-asawa.
“Inggit yarn?” pang-aasar pa lalo nito.
“Gago! Babay na nga!”
Nang matapos na ang usapan nila ay napapailing na lang siya at napangiti. Pagdating sa pribado niyang opisina ay agad niyang hinubad ang kanyang blazer coat. He usually wears casual clothes in the office. Jeans. Shirt. Sneakers. Hoodie or jacket. Maging ang uniform ng mga empleyado niya ay yellow at blue polo shirt lang at jeans. Para sa araw na iyon. He’s running a gaming company. Hangga’t maaari ay ayaw niya ng masyadong pormal. Maliban na lang kung may mga formal meeting siya na pinupuntahan.
Nag-check muna si Hiraya ng mga emails niya. Habang pumasok naman si Rafael makalipas ng ilang minuto.
“Boss, tumawag na ‘yong team. Tapos na daw po ‘yong game na gusto n’yong i-launch next year. Ipe-present daw nila sa’yo mamaya.”
“Bakit mamaya pa? Tayo na lang ang pupunta doon,” sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.
“Yes, Boss.”
Matapos sagutin ang ilang importanteng emails ay saka siya tumayo at muling kinuha ang blazer coat at sinuot iyon bago lumabas kasunod si Rafael. Muli silang sumakay sa elevator at bumaba sa tenth-floor kung saan naroon ang mga game developer o kung tawagin niya ay Game Engineer Department. Pagdating doon ay nagulat ang mga tauhan niya.
“S-Sir…”
“Ano tapos na?” tanong niya.
“Opo. Kaya lang po, pina-finalize pa namin para maayos po pag-present namin sa inyo.”
“Mas mabuting makita ko na ngayon, para makita ko agad kung may kailangan i-revise.”
“Sige po.”
Naupo siya sa bakanteng silya doon at pinanood niya ang bagong game na balak niyang i-launch sa susunod na taon. Matagal na nilang pinagpa-planuhan ang game na iyon. Pero natatagalan iyon labas dahil sa pagiging perfectionist niya. May isa sa mga game developer ang naglalaro habang siya ay nanonood. Kinuha niya ang ballpen sa mesa at papel saka nagsulat doon. Halos isang oras din ang tinagal ng larong iyon.
“The game is good! It improved a lot from the previous ones you presented. May mga napansin lang ako na kailangan n’yo i-revise.”
“Sige Sir.”
Binigay niya ang papel na sinulatan pagkatapos ay pinaliwanag kung paano ang gagawin ng mga ito. Matapos ang meeting niya ay saka siya nagpaalam. Mula sa tenth floor ay bumaba naman siya sa eighth-floor kung saan matataguan ang Marketing Department. Gaya sa Game Engineer Department, nagulat din ang mga tauhan niya doon nang sumulpot siya.
Isa iyon sa naging ugali ni Hiraya. He always comes for a surprise visit. Madalas ay bigla na lang siyang susulpot sa bawat department para bisitan o kumustahin ang mga ito. Minsan ay para mag-inspeksiyon.
“Sir Aya!” bulalas ng Marketing Head na si Emy.
“Oh, bakit para kayong nakakita ng multo!”
“Eh kasi Sir, bigla na lang kayong susulpot wala man lang paramdaman,” natatawang reklamo ng nito.
Dinampot niya ang isang eco bag na may laman gaming console. Hindi lang game developer ang The Empire Gaming Company. Nagma-manufacture din sila ng sarili nilang mga gaming console o iyong complete gaming device.
“Kumusta ang benta ng console natin?” tanong niya.
“Mabuti naman po, Sir. Mataas pa rin po ang benta natin. Lalo na po sigurong lalakas ang benta natin kapag lumabas na next year ang bagong game natin,” paliwanag ni Emy.
“That’s great. Iyong mga freebies na ibibigay sa mga celebrity gamers, huwag n’yo kakalimutan ha?”
“Yes Sir.”
“Ah Sir,” sabi ni Rafael.
Lumingon siya dito.
“May importanteng video call conference po kayo in fifteen minutes. Kailangan na po natin bumalik.”
“Okay.”
Muli niyang binalingan ang Marketing Head. “In case may problema, tawagan n’yo lang si Rafael para malaman ko agad.”
“Sige Sir.”
Sumama pa si Emy sa kanila paglabas nila ng opisina nito. Hanggang sa may mamataan si Hiraya na isang pamilyar na mukha. Daig pa niya ang nakakita ng multo. Natigilan siya at natulala na lang sa pamilyar na mukha na kanyang nakita.
“Emy,” tawag niya ulit dito.
“Po?”
“That girl… her name is Samantha Lagman, ‘di ba?” tanong pa niya dito.
“Ay si Sam?! Ay opo! Iyon po talaga buong pangalan n’ya!”
Gulat pa rin ang mukha na napalingon siya kay Emy.
“Anong ginagawa n’ya dito?”
Nagtataka na napakunot-noo ang kaharap marahil ay nagtataka sa kanyang reaksiyon.
“Nagtatrabaho po. Apat na buwan na po siyang nandito.”
“Four… Four months?!” bulalas niya.
“O-Opo. B-Bakit po?”
Marahas siyang napabuntong-hininga. Magkasama na sila kagabi. Hindi pa sinabi sa kanya ni Sam na ilang buwan na pala itong narito lang sa paligid niya.
“Samantha!” tawag niya.
Napalingon ang babae. Kitang-kita niya kung paano ito nagulat pagkakita sa kanya. Natakpan nito ang bibig. Mabilis niya itong nilapitan.
“Bakit hindi mo sinabi na all this time, sa akin ka pala nagtatrabaho! Magkasama lang tayo kagabi ah!”
Bigla nitong tinakpan ang bibig niya.
“Tumahimik ka nga! Ang ingay mo,” saway nito.
Inalis niya ang bibig nito.
“Don’t you think I deserve some kind of explanation?” tanong pa niya.
Huminga ng malalim si Sam. “Okay. Mag-e-explain ako pero utang ng loob! Kumalma ka muna!”
“Ah Sir, excuse me, male-late na po kayo sa meeting n’yo,” sabad ni Rafael.
Lumingon siya dito. “Please tell them I'll be la—”
“Hindi po puwede ma-late sa meeting. Ilang beses na po itong na-reschedule,” sagot ni Rafael sa kanya sabay ngiti.
“You, big trouble,” sagot niya sa assistant tapos ay muling binalik ang tingin kay Samantha.
“You, big big trouble! And you will not leave this office until we talk.”
Napailing na lang si Samantha at umiling.
“Yes, boss.”
Kahit ayaw pang umalis ni Hiraya ay wala siyang nagawa. Panay ang lingon niya kay Sam.
“Huwag kang aalis ha? Sinasabi ko sa’yo!”
Napahawak na lang si Sam sa noo at napailing. Pero bago tuluyan lumabas ng Marketing Department si Hiraya muli siyang humarap sa lahat.
“By the way, ladies and gentlemen! Gusto ko lang i-announce sa lahat! Sam is my ex-girlfriend and we’re dating again!”
Napabuka ang bibig ni Sam sa sobrang pagkagulat sa walang babalang pag-anunsiyo niya ng tungkol sa kanilang dalawa. Gustong matawa ni Hiraya nang makita ang gulat sa mukha ng mga empleyado niya. Matapos iyon ay saka siya lumabas.
“Hiraya!” narinig na lang niyang tili ng nakukunsuming Sam.
Tumawa lang siya ng malakas bago sumakay sa elevator. Huminga siya ng malalim at hindi nawawala ang ngiti na sumandal siya.
“Hay, this will be very exciting,” sabi pa niya.