MAHIGPIT na hawak ni Ezekiel ang isang kamay ni Janicah habang ito ay nakahiga sa isang hospital bed. Wala pa rin itong malay. At wala rin siyang balak na umalis sa tabi nito ng mga sandaling iyon. Muli ay nagawi ang tingin niya sa pulsuhan nito na may peklat pa. Marahan niya iyong hinaplos. Masyado ba talaga siyang nagpadala sa sulat na ipinadala sa kaniya? “Nagagalit ka sa akin dahil mas pinaniwalaan mo ang nasa sulat na ‘yan? Nabilog ba ang ulo mo? Hindi mo man lang ba naisip na baka galing ‘yan sa taong gusto tayong mapaghiwalay? Sino lang ba ang taong gustong-gusto mailayo ako sa iyo?” Mariin siyang pumikit. Iisang tao lang ang naiisip niya. Paano kung tama ang kutob niya? Paano kung ang kaniyang ina ang puno’t dulo ng pagkawala ni Janicah? And worst, nawala ng ganoon na lang an