NAUNA nang bumaba si Liu matapos alalayan ni Manong Albert na makaupo sa wheel chair. Bumaba na rin ako para alalayan ito nang may nagsalita mula sa likuran ko. "Dawn." Kilala ko ang boses na 'yon at kaagad ko naman itong nilingon. "Lee anong ginagawa mo dito?" Kaagad namang lumapit si Liu at masama ang tingin kay Lee. "Dawn pwede ba tayong mag usap?" Nagmamakaawang sabi ni Lee. "Wala na kayong pag uusapan." Diretsong sagot ni Liu. "Mr. Van Shen how can you explain this?" May hawak na mga papeles si Lee. "Albert?" Tinawag ni Liu si Manong Albert para kunin ang mga papeles. Kaagad namang kinuha ni manong ito at iniabot kay Liu. "Young Master." Ani ni manong. Tinitigan ni Liu ang mga papeles at ngumisi. "I told you to prefer yourself." Ani ni Liu. "How could you Mr. Van Shen!" Ga