MALAKI ang pag kakangiti ko habang nag titipa. "Hoy Dawn kakaibang ngiti 'yan ah." Hindi na ako nagulat kay Mei na may kakaibang tingin. Tingin ng nag-uusisa. Inilapag nito ang hawak na mga papeles at ballpen at saka mas lumapit sa 'kin at hinawi ang aking buhok. "Blooming ka ngayon ah. Maiba ako, naisuko mo na ang bataan ano?" Lumaki ang aking mga mata sa tabas ng pananalita nito. "Mei!" Kaagad kong tinakpan ang bibig n'ya. Ito nanaman s'ya sa panunukso kung naisuko ko na ba ang bataan. Kaagad nitong tinanggal ang kamay ko mula sa kanyang bibig at naupo. "Kalalagay ko lang ng lipstick e eto naman oh." "Ang ingay mo kaya. Paano kapag may nakaalam na kasal na ako kay Liu ha? Alam mo namang secret marriage lang kami e." "E bakit naman kasi secret?" Sobrang kilalang tao ni Liu at alam