DAWN: BINITIWAN naman kaagad ni Shaolin ang hawakan ng wheel chair ni Liu. Maglalakad na sana ako papasok habang tulak ang wheel chair nang bigla namang nagsalita si Shaolin. "Liu thank you for this day." Walang sagot mula kay Liu kaya nag tuloy ako sa pag lalakad. Nasa kwarto ako habang abala sa study room si Liu. Kumatok naman si auntie para dalhan ako ng makakain. "Auntie hindi naman po ako nagugutom." "Utos ng Young Master hija. Sige na at kumain ka na." Nakangiting sabi nito at pagkatapos no'n ay iniwan na ang isang tray ng pagkain sa mesa. Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama. Nag iisip ng mga bagay bagay hanggang sa sumagi muli si Liu sa isipan ko. Bumangon ako at tumingin sa mga pagkain. Hindi ko man lang ito nagalaw hanggang sa lumamig na. "Why haven't yo