DAWN: MAGKA-SABAY kaming umuwi ni Liu sa mansyon. Mabuti at maayos na ang pakiramdam nito at hindi na kailangang isugod sa ospital. Ayaw din naman n'ya ang ideyang 'yon. Sinalubong kami ni auntie pagpasok pa lamang sa loob. Bakas ang pag aalala nito dahil sa pamumutla ni Liu. "Ako na ang bahala sa kanya auntie." Ani ko. Hindi rin naman kakain si Liu dahil mapili ang kanyang katawan sa pagkain. Mas mabuti siguro kung ipaghanda ko siya ng warm bath. Pagpasok namin sa loob ay inalalayan ko itong maupo sa kama at isinandal naman n'ya ang ulo sa head board. "Liu ipaghahanda lang kita ng pampaligo mo." Hindi naman siya kumontra at nakatitig lang sa 'kin. Mas minabuti ko nang mag lakad at mag tungo sa banyo. Matapos kong mai-set lahat ay bumalik ako at inalalayan siyang maupo sa wheel chai