-=Naya's Point of View=- Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, dala na rin marahil ng stress sa nangyari patungkol kay Dash ay naubos ang lakas ko, kaya naman nagising ako mula sa banayad na pag-uga ni Mommy sa balikat ko habang masuyo nitong tinatawag ang pangalan ko. "Sorry Princess, ayoko sana kitang gisingin dahil mukhang napagod ka, pero ayoko din namang matulog ka ng walang laman ang tiyan mo." masuyo nitong sinabi nang makitang gising na ako. "Ok lang po Mommy, susunod na lang po ako." nakangiti ko namang sagot dito. Hindi na nga din ito nagtagal at agad na itong lumabas ng kuwarto ko. Ilang minuto din ang kinailangan ko para tuluyang magising ang diwa ko at muli kong naalala ang nangyari kanina sa school. Hindi ko alam kung anong naghihintay ngayong nalaman na ng iba ang