-=Naya's Point of View=- Sobrang bigat ng pakiramdam ko nang magising ako ng umagang iyon, anong oras na din kasi akong nakatulog at maliban pa doon ay hanggang sa panaginip ay ginugulo ni Dash ang isip ko. Agad sumagi sa isip ko na ito ang huling araw na palugit ni Dash para makipaghiwalay ako at layuan si Hadley, ngunit paano kong gagawin iyon, kung si Hadley ang nagbigay ng buhay at pag-asa sa madilim kong mundo. I can't imagine myself without Hadley, kaya nga mas lalo akong nahihirapan sa gustong ipagawa ni Dash sa akin. "Princess... gising ka na ba?" narinig kong tanong ni Mommy kasunod nang mahihina nitong pagkatok sa pinto ko. "Yes Mom." sagot ko dito. "Ok, bumaba ka na kapag nakapag-ayos ko na." ang sunod nitong sinabi. Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga nang mapansin