-=Naya's Point of View=- Buo na ang loob ko, hindi ko kayang makipaghiwalay kay Hadley, ngayon pa na mahal na mahal ko na si Hadley, kaya naman nagpasya na ako na muling kausapin si Dash. Wala akong pakialam kung magmakaawa ako dito, ang gusto ko lang ay maipakita ko sa kanya kung gaano ko kamahal si Hadley, kahit na nga ba sa paningin nito ay mali ang relasyon namin ni Hadley dahil pareho kaming babae. Sakto naman nang sumadya ako sa locker ko ay may nakita akong sulat mula uli kay Dash at ayon sa sulat nito ay muli itong nakikipagkita sa akin sa gilid pa din ng gymnasium kung saan ako nitong unang kinatagpo para i-blackmail para layuan si Hadley. Matapos kong mabasa ang sulat na iyon ay marahas ko iyong nilamukos at agad nang tinapos sa basurahan. Hindi ako makakapayag na iwanan si