Chapter 4: Beautiful Woman

2355 Words
"Hoy!" Napapitlag siya ng tampalin ni Ram ang kaniyang braso. "Reminiscing?" natatawang sabi nito. Binato niya ito ng ballpen sa inis. Ano naman ang ginagawa nito dito. Basta basta na lang pumapasok sa opisina niya? "Ano na naman ang ginagawa mo dito? Buti pinapasok ka ng guard?" aniyang isinandal ang katawan sa swivel chair at tiningnan ito. "Sus, ako pa ba. Eh di nilandi ko yung lady guard niyo! Basic!" pagmamayabang nito. "Sira ka talaga. Ano ngang pakay mo dito?" "Sabi ni Jessa dalawin daw kita kung humihinga ka pa. Isang buwan ka ng hindi nagpapakita sa amin." anitong natatawa. "Sabihin mo malapit ng mamatay! Bakit miss na niya ako? Dapat kasi sa akin siya nagpaligaw hindi sayo para updated siya sa mga nangyayari sa akin," nakangising sabi niya. "Don't me, Maia! Ano sasabihin ko ba kung ano at sino ang gusto mo? Balita ko sa gabi para kang pakawala na naghahanap ng kalinga. Anyare sa MJ namin? Miss na namin yong dating MJ na classmate at best friend namin," seryosong sabi nito na titig na titig sa kanya. "What's wrong? Ano ka ba, ako pa rin ito si MJ as in si Michael Jackson!" pabirong sabi niya. "I'm f*****g serious, MJ! Tumino ka nga! Mas gusto mo kasama ang ibang tao kesa sa amin! Kelan ka ba mag bo-boyfriend ng may magbawal na sa mga pinaggagawa mo," litanya nito. "Yun, yun, eh!" aniyang natatawa pa rin. "Bakit gusto mo bang maging matandang dalaga?" Natawa siya sa tanong nito. Ito ang gusto niya sa dalawang kaibigan. Maalalahanin. Naging karamay niya si Jessa at Ram noong mga panahong bigo siya. Nanjan din naman si Alliah, pero nahihiya siya sa kaibigan. Ilang beses din siyang tinulungan ng dalaga para mapalapit sa kapatid nito. Pero wala talagang nangyari, bagkos lumayo ito. Ang pagkakaalam niya noon ay sa penthouse ito nakatira. Yon ang kahuli-huling balita sa kanya ni Alliah. Kinausap na niya ang kaibigan na ayaw na niyang mabanggit ang binata dahil baka magulat sila nasa ibang bansa na ito. "Okay, so anong gusto nyong gawin ko?" tanong niya sa kaibigan. "Sumama ka sa amin sa biyernes. Mag-out of town kami sumama ka ha. Uulitin ko sumama ka ha? Magaganda ang tanawin doon siguradong mag eenjoy ka! Maganda din ang mga beaches. Diba wala kang pasok pag weekends?" "Call!" biglang sabi niya. Sabagay gusto rin niyang magrelax. Nakakapagod din naman ang trabaho niya. Nagliwanag naman ang mukha nito sa narinig. "So, paano yan see you na lang! Daanan ka na lang namin sainyo ng 9pm. Iisang sasakyan lang gagamitin natin," anito. "Okay," tipid niyang sabi at pinalabas na ito. Pagkaalis ng kaibigan ay tumingin siya sa kalendaryo na nasa harap niya. Wednesday pa lang naman kaya may panahon pa siya para maghanda. Paglabas niya mamaya mamimili siya ng mga gagamitin sa mall. Yes, sa mall. Afford na niya bumili ng mga mamahalin. Malaki naman ang sinasahod niya bilang Accountant sa isang private company. Nag fe-freelance din siya kaya naman malaki ang naipon niya sa loob ng dalawang taon. Board passer siya kaya trabaho na ang kusang lumapit sa kaniya, dagdag pa ang stock knowledge niya. Hindi din humihingi ang ina niya at mga kapatid dahil may mga trabaho naman daw ang mga ito. Kaya naman nakakaipon talaga siya. Maaga siyang umalis ng opisina. Tutal tapos na niya mga dapat ayusin. Dumerecho siya sa pinakamalapit na mall. Tinungo niya ang department store at binili ang mga kakailanganin sa darating na weekend. Palabas na siya ng department store ng marinig ang boses ng lalaki na tumatawag sa kaniya kaya naman hinanap niya ang boses na iyon. Nagulat siya ng makita ang lalaking nakangiti na lakad takbo ang palapit da kinaroroonan niya. "Ikaw nga yan, Maia!" anitong humahangos. Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito. Familiar ang mukha ng lalaki. Kailan ba siya nagkaroon ng kakilala na pogi? Medyo malabo pa naman ang paningin niya dahil tinanggal niya ang suot na contact lens kanina. Near sighted kasi siya. Hindi rin niya alam kung kailan ito nagsimula kaya nagsusuot siya ng contact lens o kaya salamin. "Hey, it's me, William Jimenez!" nakangising sabi nito. Nang marinig ang pangalan nito saka lang niya naalala, ang dating guro niya pala ito. Lumapit siya dito at sinipat ulit ang mukha nito. Nag matured na kasi ang mukha nito, pero parang gumuwapo ito ngayon. Mas lalo ding nadagdagan ang masel sa katawan nito. Kitang kita sa suot nitong polo shirt. "Oh! Kumusta po, Sir William! Buti po nakilala niyo agad ako," aniya. "Yes, of course. Hindi ko yata makalimutan ang magandang mukha mo," matamis na ngiting sabi nito. Natigilan naman siya sa sinabi nito. Siya maganda? Salamat naman at may nakaappreciate pa ng hidden beauty niya. Bigla siyang natuwa sa sinabi nito. "Hindi ko akalaing makikita kita ngayon dito. Kumain ka na ba? Would you mind if yayain kitang kumain?" sabi ulit nito. "P-po?" aniyang hindi alam ang sasabihin. Parang ang bilis, kanina lang nagagandahan sa kaniya, tapos ngayon niyaya siya magdate? Nailing siya bigla sa mga isiping yun. Nilinga niya muna ang mata baka kasama nito ang iniiwasan niya din na si Eli. Ayaw niya pa makita ang binatang iniiwasan niya. Sabagay siya nga iyong iniiwasan nito, eh. Mukha namang wala itong kasama. "Sure," nakangiting sabi niya. Nginitian din siya nito. Kinuha nito ang dala-dalang paperbags na naglalaman ng mga pinamili niya. Hindi na siya nakatanggi dahil kinuha nito mismo sa mga kamay niya at inakay siya patungo sa mamahaling restaurant. Pinaghila siya nito ng upuan. Nahihiya siya kasi parang kilala ang binata ng mga staff. Agad na kinuha niya ang menu book at kunyaring naghahanap ng oorderin. Napalunok siya ng makita ang presyo. Ginto naman. Itinaas niya ang menu para takpan ang mukha niya dahil sa kanya nakatuon ang atensyon ng manager ng kainang iyon. "Maia," mahinang tawag ng dating guro. Ibinaba niya ang menu at tumingin sa binata. "P-po?" aniya. "Drop that po, Maia. I am not your Highschool teacher anymore. Call me Will or William. Feeling ko ang tanda ko na." natatawang saad nito. Totoo naman. 7 years ang tanda nito sa kanya. Kaedaran nito ang taong nanakit sa kanya. "Will." sabi na lang niya. "Sounds good! What would you like to eat?" "Ang mahal dito, pwede bang sa fast food na lang?" Nahihiyang sabi niya. "No, 'wag mong isipin ang presyo, okay? Para mapanatag ka, I owned this restaurant." Napa Oh siya sa sinabi nito. Kaya naman pala pinagtitinginan sila ng mga tauhan nito. Hindi naman siguro ikakalugi ng negosyo nito kung magpapalibre siya. Parmesan pasta with bacon and broccoli pinili niya at iced tea lang ang panulak. "Yan lang?" tanong ng binata sa kanya. "Yeah." tipid na sagot niya. Tinawag naman nito ang staff at panay turo sa sa menu. Mukhang madami ang inorder nito. Napailing naman siya. Diet pa naman siya. Tinanggal niya ang coat niya kaya kitang kita ang mapuputing braso niya dahil sa black chiffon spaghetti V-neck tank top niya na pang-ilalaim. Naka square pants naman siya na kulay cream. Mayamaya ay inabala na lang niya ang sarili kakadutdot ng cellphone. Tahimik din kasi ang kaharap niya. Tama nga ang hinala niya, marami ang inorder nito. Nagtaka siya ng hindi makita ang inorder niya. "Ang dami naman niyan yata. Saan ang inorder ko?" tanong "Hindi ko inorder, nagdadiet ka pa sa lagay na yan? Kumain ka ng marami ang payat mo kaya," anitong tumingin sa katawan niya. "Hindi ako payat, seksi lang," nainis na sabi niya. "Yeah, seksi nga. Pero mas bagay sayo ang dati mong katawan. You look different now, Maia. Even the way you dressed," anitong nakatitig sa kanya. Dati nyang katawan? Yeah, medyo malaman nga siya dati. Pero diba dahil nga yata doon kaya hindi siya nagustuhan ng kanyang first love? Bakit mas gusto ba naman nito na magdamit siya ng maluluwang na damit? Jusmio kurimaw hindi niya maintindihan ang mga lalaki! "Wala ba akong karapatang magsuot ng ganito?" parang naiinis na tanong niya. "D-does not what I mean, Maia. Hindi lang siguro ako sanay. I'm sorry," hinging paumanhin nito. "Okay. 'Wag na nating pagusapan ang mga nakaraan, please?" sabi niya. "Okay." Nginitian siya nito. Mayamaya ay katahimikan ang sumunod. Tanging kalansing ng plato ang naririnig niya. "I saw your name on the PRC board passers master lists. Congratulations! Hindi na ako nagtaka when I saw your name at the top." sabi nito habang sumusubo. "Uhuh. That was 2 years ago, Will. Pero salamat pa rin," sabi naman niya habang ngumunguya. Tumango tango naman ito. "Welcome!" nakangiting sabi nito."Akala ko nga IT ang kinuha mong kurso." pagkuway sabi nito. Natigilan siya sa sinabi nito. Oo, noon yon. Dahil nagka interes siya kay Eli. Ang mga Davis kasi ang isa sa nagmamay-ari ng electronics and pati IT industries sa buong bansa. May mga BPO din itong mga hawak. Pero pagkatapos ng 18th birthday niya. Nagbago na ang hilig niya. Hindi lang pala ang hilig niya, pati siya mismo. "I just realized na hindi ko pala yun gusto," sabi na lang niya. "Sabagay, you're also good at your accounting subject before." Ayaw na niyang humaba pa ang usapan kaya hindi na siya sumagot. Pagkatapos nilang kumain ay naglakad-lakad muna sila sa loob ng mall. Pero nagpaalam na din siya agad sa dating guro. Gusto pa sana nitong ihatid siya pero hindi na siya pumayag. Hiningi din nito ang numero niya. Ayaw naman sana niya pero mapilit ang dating guro kaya binigay na niya. Bago niya ito iniwan ay may sinabi siya dito. "Ahm, Will pwede bang MJ na lang ang itawag mo sa akin?" Nagtaka naman ito sa sinabi niya. "Why?" "Hindi na kasi ako sanay na tinatawag na Maia. Please?" palusot niya. "Okay, MJ. That's also your nickname, right? I heard your friend before calling you MJ." "Yeah," tanging sagit niya. Alas nuebe na ng gabi siya nakarating sa apartment niya. Nilabhan niya muna ang mga pinamili bago naglinis ng katawan. Hindi pa siya inaantok kaya bumisita muna siya sa f*******:. Agad na nagpop up ang mga mensahe na galing sa messenger. Maghapon kasing naka-off ang mobile phone niya. Ayaw niya ng storbo. Through landline lang siya pwedeng macontact. Nanuod lang siya ng mga Vlogs na nakakatuwa at nakakainspire. Minsan sa Youtube din siya nanunod. Kasalukuyan siyang nanunod ng Vlog ni Vice Ganda ng mag appear ang Messenger niya. Someone's calling, mejo late lumabas ang pangalan nito. Ganyan talaga ang Internet sa pinas parang pagong. Napangiti siya ng mabasa na ang pangalan ng tumatawag. Agad na sinagot niya ito, audio lang muna. Siguradong maiinis na naman ito. "MJ, open your f*****g camera!" galit na sabi ng tumawag. Tinawanan niya lang ito. "Madilim na dito, kaya useless lang ang camera, babe!" aniyang nang-aasar. Naa-asar ito kapag sinasabihan niya ng babe. Nakakadiri daw. "Don't call me, babe! I hate you, sabi ko buksan mo ang camera mo! I just want to see you right now!" Agad na tinap niya ang video icon at nagtakip ng mukha. "Damn you, MJ! I still can't see you!" Natutuwa siya kapag asar na asar na ang kaibigang si Alliah. Every other day ito tumatawag kaya naman minsan parang wala na silang pinag-uusapan. Ipapakita na naman nito siguro ang mga bagong desenyo nitong mga damit. Lagi siya nitong pinapadalhan ng package puro damit at chocolate ang laman. Hinawi na niya ang kamay at hinarap ang kaibigan. Nagpout muna muna siya ng lips at sinuot ang sombrero na nasa mesa niya. "Pogi na ba, babe?" aniyang nang-aasar. "Iww! Tamaan ka sana ng kidlat, MJ! Remove your cap nga ang pangit mo. Promise!" anito at itinaas pa ang kanang kamay. Natawa siya sa sinabi nito. "Bakit ba nang-iistorbo ka ng tulog jan? Anong oras na, oh!" sabi niya at pinakita ang wallclock. "Anong nang iistorbo? Panay pa like mo sa mga post ko kanina!" She hissed. "Sabi mo nga diba kanina, meaning ngayon hindi na. Nakalimutan ko lang patayin ang data ko kaya akala mo lang gising pa ako," palusot niya. "Sus, palusot dot com! Anyway tinatanong ni kuya bakit wala ka daw mga picture sa sss account mo puro papel at ballpen. O di kaya yung dingding daw mga kinukuhaan mo," Natigilan siya sa sinabi nito. May kung anong saya siyang naramdaman. Pero teka, talaga lang ha? Baka pinagloloko na naman siya ng kaibigan. Minsan parang hindi na totoo ang sinasabi nito. "Don't me, Alliah! 'Wag mo nang sabihin yan dahil wala naman pake sa akin ang kuya mo noon pa man. Gumagawa ka na naman yata ng storya. Dapat sayo manunulat, hindi fashion designer!" Natatawang sabi niya. "Luh, di ba ako kapani-paniwala? Yeah, sometimes nagsisinungaling ako but this time, it's true!" parang nainis naman ang kaibigan niya. Nanahimik ito bigla. "Fine, 'wag mo ng pansinin ang sinabi ko," anitong nagtatampo na at pinindot nito ang end button. Mukhang nainis na nga. Kaya siya naman ngayon ang tumatawag. Nakadalawang attempts na siya pero di pa rin nito dinasagot. Napangiti siya ng sinagot na nito sa pangatlong. "Babe, oo na naniniwala na ako. I'm sorry sa sinabi ko. Okay?" bungad niya. Sumimangot muna ang kaibigan bago ngumiti. "Sorry din, MJ. Alam ko naman na maling banggitin ko pa ang kuya ko, eh natuwa lang ako kasi first time ka niyang mabanggit eh after all these years. Sige, hindi ko na ulit babanggitin si Kuya," "Okay," tanging sagot niya. Mayamaya ay may iwinagayway itong white envelope. "See you next month, MJ!" Parang nahulaan niya ang laman ng envelope. Uuwi na kaya ito? "Uuwi ka na, babe?" "Uhuh! Gusto ni mom na magtayo ako ng boutique jan. Tsaka namiss ko na ang pinas. Kaya magkikita na ulit tayo!" masayang sigaw nito. "Sabi mo diba isasama mo ako sa mga nightlife mo?" dugtong pa nito. Oo, nga pala lagi niya itong kinukwentuhan sa mga naging lakad niya. Ito nga din sponsor niya sa mga suot niya minsan. Parang nalalapit na yata ang pagkikita nila ni Eli kung uuwi na nga talaga ang kaibigan. Well, handa naman na siya at saka hindi na siya ang dating walang muwang na si Maia. She turns into a beautiful grown woman. May ibubuga na siya. Ilang modeling agency na ba ang tinanggihan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD