Araw ng biyernes. Maaga siyang nag-out dahil dadaanan siya ng 9pm sa apartment niya ni Ram. Ngayong gabi ang alis nila sa kung saan man iyon. 5pm pa lang ay umalis na siya ng opisina at umuwi na ng bahay. Saktong alas-nuebe naman siya sinundo ng mga kaibigan. As usual, puro hinanakit ang mga naririnig niya sa mga ito, lalo na kay Jessa. "Minsan tuloy iniisip ko kung kaibigan mo ba talaga kami. Ni hi, ni hello sa text o sss wala man lang, " pasaring ni Jessa. "OA niyong dalawa, hindi ba pwedeng busy lang sa trabaho?" turan niya. "Wow, dati diba kahit busy ka nagagawa mo pa kaming dalawin ni Jessa? May pa house raid ka pang nalalaman akala mo vlogger, " si Ram. True, pero busy lang siya nitong mga nakaraan talaga. Marami siyang raket na tinanggap at may mga deadlines iyon. Dahil ta