Chapter 3: Confession

2229 Words
Saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Yong feeling na may bombang sasabog ano mang oras sa parteng iyon. Bakit ganoon ang sarap sa pakiramdam na tinatawag siya nito na baby girl? Nang mapansing titig na titig ito sa dibdib niya ay agad na tumalikod siya. Nakaisang hakbang pa lang siya ng biglang kabigin nito. Kaya naman napasandal siya sa malaking dibdib nito. "S-sir Eli…" aniya. Napalunok siya ng mahawakan ang matigas nitong dibdib. Wala itong suot na pang itaas. Ang bilis ng t***k ng puso niya. Hindi niya maintindihan. Parang gusto na niyang sumigaw ng mga oras ding iyon. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa likod niya. Kahit may damit iyon ramdam niya pa rin ang kakaibang boltaheng iyon. Hindi siya pamilyar sa mga ganoong pakiramdam. Basta gusto niya iyon. "What have you done to me, baby girl?" sabi nito habang inaamoy ang buhok niya. "P-po? " Wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito. Kahit ang pakiramdam niya na iyon dahil sa namamaos na boses nito. "Nothing, just let me hug you. Okay?" anito. Naging sunod sunuran siya sa binata. Gustong gusto niya ang pagkayakap nito. Yong tipong saktong sakto siya sa mga bisig nito. Napakabango din nito. Parang ayaw niyang matapos ang mga sandaling iyon. Mayamaya inilayo nito ang katawan sa pagkakayakap sa kaniya. "It's getting late, bumalik ka na sa quarters niyo. Good night, baby girl! Matulog ka na para mabilis kang lumaki," sabi nito habang hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. Para tuloy kuya naman ang dating niyon sa kaniya. Kaya medyo nainis siya. "Sige po, Sir Elijah! Good night din po," sabi niya at yumuko bilang tanda ng paggalang. Hindi pa man siya nakalayo ng hilahin siya nito pabalik at mariing hinalikan siya sa labi pero bumitiw din. "That's a good night kiss from me, baby girl, " hindi niya alam kung ngiti ba iyon o ngising kakaiba. Parang kompleto na ang gabi niya. Hindi siya nakatulog lalo dahil sa ginawa ng amo kanina. Kung iisipin lang, parang may gusto din ang binatang amo sa kaniya. Matuling lumipas ang araw at buwan. Hindi niya alam kung bakit nag-iba na ang pakikitungo ng binatang amo sa kaniya. Kung magkakasalubong man sila ay parang hindi siya nito nakikita. Naguguluhan siya sa takbo ng isip ng binatang amo. Samantalang maganda naman ang pag-uusap nila noong huli. Bihira na din itong umuwi ng mansion nila. Kung uuwi man ay kasama ang mga kaibigan at ang nobya. Habang tumatagal ay lalong palalim ng palalim ang nararamdaman niya para sa binata, pag-ibig na yata ito. Mas lalo niya itong namimiss. Nanumbalik na naman ang mga ala-ala niya tungkol sa ilang beses nitong paghalik sa kanya. Hindi niya lang kasi akalaing makakaranas siya ng unang halik sa mismong crush niya. Hindi naman kasi ganoon ang pakitungo dapat ng amo sa mga katulong, lalo na sa dalagitang katulad niya. Nasa kalahatian na din ng taon sa eskwela. Senior High na siya. As usual ganon pa rin siya pumorma. Boyish pero deep inside, babaeng babae siya. Trip niya lang kasi. Tska doon siya komportable. Pauwi na siya ng madaanan ang ale na nagtitinda ng mga branded overruns na mga damit. Bumili siya ng dalawang malaking na damit. May naipon naman siya mula sa pagkakatulong kaya binilhan niya ang sarili niya. Masayang naglalakad siya pauwi dahil nakabili siya ng bagong damit. Nilabhan niya agad ito pagdating saka pumasok sa malaking bahay para tumulong sa gawaing bahay. Ilang araw na niyang hindi nakikita ang binata. Nahiya siya magtanong sa ina. Pagkatapos ng nangyari sa kanila noong gabing iyon ay naging masaya siya pero nanghihinayang dahil may nobya na ito at minsan doon ito natutulog sa mansion ng Davis. Pagpasok niya sa malaking bahay ay may naririnig siyang tawa ng babae. Parang kaedaran niya lang. Medyo matinis kasi iyon. Dumerecho siya sa dining area, doon nga nanggagaling ang tawang iyon. Dumating na pala ang mag-asawang Davis kasama ang bunsong anak ng mga ito. "Oh, Maia you're here. May pasalubong kami para sayo better ask your nanay later. Binigay kasi agad ni Alliah sa pag-aakalang nasa quarter ka," masayang sabi ng ginang. Yumuko siya bilang paggalang. "Maraming salamat po, Ma'am Lucille," aniya. "Welcome hija. Anyway I want you to meet Alliah, Alliah si Maia ang anak ni Nana Mel mo," masayang sabi ng ginang. Lumapit sa kaniya ang dalagang tinawag nitong Alliah. Napakaganda naman pala nito. Parang dalaga na rin kung magsuot. "Hi, I'm Alliah!" sabay lahad nito ng kamay. "Maia, nga po pala Ma'am," sabi niya ng ilapat ang kamay para makipagkamay sa dalaga. "Hey, call me Alliah, okay? Sabi ni Mommy we are the same age," nakangiting sabi nito. Napangiti na rin siya. Akala niya talaga dalaga na ito. Sabagay galing itong ibang bansa. "Alliah," nahihiyang sabi niya. "That's better. So, we're friends now?" "P-po?" Nagulat siya sa sinabi nito. "Ayaw mo ba?" natatawang sabi nito. "H-hindi naman po sa ganon. Nakakahiya po kasi tsaka anak lang po ako ng-" "Whatever Maia, gusto kitang maging kaibigan," pinal na nakangiting sabi nito. "Okay po," "Cut the po," "Okay, Salamat Alliah kasi gusto mo akong maging kaibigan," seryosong sabi niya sa kaedarang batang amo. Lumipas ang mga araw, mas lalong naging malapit sila sa isa't-isa ng dalagita. Madaling makapalagayan si Alliah, dahil likas ang kabaitan nito. Yon nga lang liberated. Dahil siguro sa impluwensiya ng amerika sa dalagita. Minsan pinapakikialaman nito ang pananamit niya. Pero mas siya pa rin ang nasusunod. Naglalaro sila ni Alliah ng Scrable nang dumating ang kuya nitong si Elijah. Nadismaya siya ng makita ang nobya nito na nakabuntot. Sweet ng dalawa masyado kaya hindi siya tumitingin sa mga ito habang kinakausap ang kaibigan niya. Sa board lang siya nakatingin. Kung kanina ginanahan siya ngayon hindi na. Hays, kelan kaya siya magiging ganap na dalaga? tanong niya sa sarili. Dumating din ang mga kaibigan ng binata kaya nagpaalam na siya sa kaibigan na tutulong muna sa kusina. Ang totoo niyan sinabihan ang kaniyang ina ng binata na huwag lalabas kapag may mga bisita lalo na kapag nanjan ang mga kaibigan ni Sir Eli na ipinagtataka niya. Sa kusina siya naglagi at tumulong lang kay Nimfa maghugas ng mga pinggan. "Nimfa, pakihatid nga yung sisig sa pool," rinig niyang utos ni Nana Soleng. Nang kunin ni Nimfa ang tray na may sisig ay napadaing ito, kaya nabitawan nito ang tray. Marahil nahawakan nito ang sizzling plate. Buti na lang hindi ito nahulog. "Aray!" si nimfa. Dinaluhan nila ang kasamahan. "Okay ka lang, Nimfs?" aniyang hinawakan ang kamay nito. Namumula na iyon. Tiningnan niya ang mukha nito, mukhang nasasaktan. Panay ang daing ni Nimfa sa napasong mga daliri. "Naku naman Nimfa nahawakan mo yata ang plate, abay napakainit pa niyan!" ani ni Nana Soleng kinuha ang kamay nito at itinapat sa lababo. "Hindi ko sinasadyang mahawakan Nana yung plate," hinging paumanhin ng kasamahan. Mayamaya ay binalingan siya ni Nana Soleng. "Maia, baka pwedeng ikaw na lang muna ang magdala nyan sa pool. Pag tinanong ka ni Sir Eli. Sabihin mong utos ko," Napakunot-noo siya sa sinabi ng matanda. Ibig sabihin lahat sila sinabihan ni Sir Eli? Ano bang kasalanan niya? Nakaramdam siya ng kirot sa puso agad namang napalitan ng inis. Tumango siya sa matanda at dahan dahang kinuha ang tray na may lamang sisig. Dahan-dahan ang naging kilos niya dahil baka mahulog ito. Lumabas siya ng sliding door para marating ang pool. Isa iyon sa shortcut papuntang pool. Pagdating niya doon ay maingay dahil sa tawanan at halakhak ng mga kaibigan ng amo. Nakita niya ang binata na maganda ang ngiti pero biglang napalis ng mapako ang tingin sa kaniya. Biglang lumukot ang noo nito. Kinabahan siya bigla. Mabilis na inihakbang ang mga paa para marating ang mesang kinaroroonan nila. Binati naman siya ng mga kaibigan ng binata. Nginitian lang niya ang mga ito. "Hi, Maia!" Napalingon siya sa pool. Si Alliah pala. Kasama nito ang nobya ni Eli. Nginitian lang niya ito at ibinalik ang tingin sa mesa. "How's schooling, Maia?" Nilingon niya ang nagsalita. Ang dating guro niya pala, si William. Halata ang inis sa mukha ni Eli nang tumingin ito sa kanya at para bang ayaw siya nitong makita. Nilapag niya muna ang dala at saka binalingan ang guro. "Kayo ho pala Sir William. Ayos lang-" Hindi na niya natapos ng biglang nagsalita si Eli. "Pwede ka nang umalis, Maia! Wala na kaming kailangan," Matigas na sabi ng binata na derecho lang ang tingin sa kaniya. Mabilis na nilisan niya ang mesa at tinungo ang nilabasan niya kanina. Akmang isasara niya ang sliding door ng may pumigil doon. Napaangat siya ng tingin. Bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Eli. "Hindi ba sinabi sayo ng mga kasamahan mo na bawal kang utusan kapag may bisita?" malakas na tanong nito. "P-po?" aniya. So, totoo nga? "Damn!" he cursed, "Feeling mo ba may magkakagusto sayo sa mga kaibigan ko? Hinding-hindi ka papasa sa standards nila, lalo na sa akin! Ang bata bata mo pa!" anitong tiningnan ang kabuuan niya at tumalikod na. Natigilan siya sa sinabi ng binata. Hindi man lang siya pinagpaliwanag nito. Problema ba non? Ano bang akala niya nagpapansin siya sa mga kaibigan nito? Oo, wala naman talaga siyang binatbat sa mga girlfriends ng mga ito. Ni hindi nga siya marunong mag-ayos. Isa pa, wala siyang crush sa mga lalaking yun. Kaya ba nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya? Dahil baka nagpapapansin siya sa mga kaibigan nito? Bumuntong hininga muna siya bago pumasok ng bahay. Pagkatapos ng mga gagawin ay nagpaalam na siya dahil maaga ang pasok niya sa eskuwela. Napalingon siya sa pintuan ng kwarto niya ng pumasok ang kanyang ina. "Anak mungkahi ng kuya mo kung pwedeng doon ka na muna sa kanya kapag nagkolehiyo ka. Para daw matutukan mo ang pag-aaral mo. Mukhang sinuwerte yata sila mag-asawa sa pinasok na negosyo," nakangiting balita ng ina sa kanya. "Talaga po, buti naman po," Natutuwa siya para sa kapatid. Pero sa kabilang banda parang ayaw naman niyang iwan mansion. Di bale matagal pa naman iyon saka na lang niya iisipin ang bagay na iyon. Nakabalik na si Alliah at ang mga magulang nito sa America kaya malungkot na naman ang malaking bahay. Lalo silang naging malapit ni Alliah. Lagi silang magkausap sa pamamagitan ng video call. Gaya ng dati bihira ng umuwi ang binatang amo. Bihira na niyang masilayan ang kagwapuhan nito. Matuling lumipas ang taon. Debut na niya. Gaganapin ito sa kanilang bahay. Pero syempre hindi kompleto kapag walang 18 roses. Kakarating lang din ni Alliah galing amerika para lamang dumalo sa kaniyang kaarawan. Ganon siya kaespesyal para sa kaibigan. Kanina pa niya hinihintay ang pagdating ni Eli. Isa lamang ang hiling niya sa araw ng kaarawan. Ang maging last dance ito. Mayamaya ay natanaw niya ang kotse ng binata. Alas-otso na ng gabi kaya ipinagpasalamat niya na wala ng katao-tao sa garden na katabi ng pinaparkingan nito ng sasakyan. Dahan-dahan ang hakbang niya palapit dito. Palabas naman ito ng sasakyan. Natigilan ang binata ng makita siya. Kitang kita niya ang pagtataka sa mukha nito. Ang dalawang kamay niya ay nasa likod niya na may hawak na invitation card. Kinakabahan siya pero bahala na. Kailangan niyang lakasan ang loob. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Yes?" nakakunot-noo nitong tanong. Parang biglang umurong ang dila niya ng marinig ang boses nito. Inaamin niyang namimiss na niya ito. "What?" tanong ulit nito na ikinagulat niya. Mabilis na inilahad ng dalawang kamay niya ang invitation dito habang nakayuko ang ulo. "What's that?" takang tanong pa nito. Hindi niya alam kung paano ba sasabihin sa binata. Inangat niya ang tingin at nagtama naman ang kanilang paningin. Nakabawi naman agad siya. "S-sir Eli, g-gusto ko po kayong imbitahan sa aking kaarawan at pwede po bang ikaw ang magiging last dance ko?" aniyang hiyang-hiya. Matagal bago nagsalita ang binata. Nangangawit na ang kaniyang kamay dahil hanggang ngayon nakalahad pa rin ang kaniyang kamay na may hawak na card. Narinig niyang bumuntong hininga ito kaya napayuko ulit siya. "Bakit ako? Do you like me? Alam mo ba ang ibig sabihin ng last dance, Maia?" sunod-sunod na tanong nito. Napatingin siya sa binata. Of course, alam niya. Kaya nga siya ang gusto niyang maging last dance, eh! "O-opo. Alam ko po, kaya nga po ikaw ang nais kong huling makasayaw. Gusto kita, Sir Eli. Sana-" "I'm sorry, Maia. Binigyan mo pala ng malisya ang paghalik ko sayo noon?" Natawa pa ito ng pagak. "I'm really sorry, Maia! Dala lang ng alak iyon. You know my taste and besides, I have a beautiful fiancee. Unlike you," tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pero bumalik din ang tingin sa mukha niya. Nahulaan agad niya ang nais iparating nito sa kaniya. Sino ba ang papatol sa kaniya? Para siyang tomboy pumorma. "Si Elise ang mahal ko. Isa pa hindi ako pumapatol sa bata," dugtong nito. Natigilan siya sa sinabi nito. Nasaktan siya sa sinabi nito. Parang biglang may batong humarang sa lalamunan niya. Biglang nag-init ang mga mata niya. Pero pinigilan niya. "Sir, hindi ko naman po sinabing tugunin niyo ang pagmamahal ko. Gusto ko lang naman pong ipaalam sayo. Last dance lang po ang gusto kong matanggap na regalo galing sayo." Hindi na niya napigilan ang humikbi at mabilis na tumalikod. Nagulat siya ng makita ang kaibigang si Alliah. "Maia!" Narinig pa niyang tawag ni Alliah, pero lakad takbo niyang tinungo ang servants quarters.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD