Chapter 1: Brothers

3830 Words
"Mommy, payagan niyo na ako, please," I nag her in their masters bedroom. Wearing my pajamas and barefoot, I climb my feet in the bed. Just to get closer to her. Whenever I ask this, she never let me. Ayaw na ayaw niya talaga kapag naririnig niya ito sa bibig ko. So, she always pretend that she didn't heard my request. "Mom," I called. She's reading a book while waiting my father who's taking a bath. Nakasuot na rin siya ng pajamas. "You are always asking this, Roshana. I don't like your idea." Tinanggal niya ang suot na eyeglasses para tingnan ako nang maigi. Ang mahaba niyang pilik mata ay namana ko talaga sa kanya. Pati ang kanyang bilogang mata. And the thin lips she had. It's a natural pink just like mine. "Gusto ko maranasan, Mommy, ang ganu'ng pamumuhay. Payagan niyo naman ako," I said using my sweet voice. She problematicaly sigh. "Ikaw lang ang ka isa-isahang babae sa pamilya natin tapos aalis ka pa. Hindi ako papayag sa gusto mo." Parang nanlamig ang mukha ko sa sinabi niya. But I can't blame her. She really loves me, that's why she can't afford giving her only daughter a free time to explore. "Dadalaw naman ako rito every weekend, I'll promise." Tinaas ko ang kamay ko. Kahit ano pang sabihin niya buo na talaga 'yung desisyon ko na mamuhay sa ibang lugar. I was sorrounded by so many toxic people. And I was so sick to handle their attitude. Pagod na pagod na akong mamuhay sa mga matang mapanghusga. Gusto ko maranasan magkaroon ng maayos at simpleng buhay. No fake friends, no stress, and no cameras around. Noon pa man, gusto ko na talaga ang planong ito, si mommy lang ang tutol sa gusto ko. "Give me a valid reason why you wanted to leave in our big mansion?" seryoso niyang sabi na nagpatahimik sa akin. Natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo. Baka kapag sinabi ko ang dahilan ko, mas lalong hindi siya papayag sa gusto kong pagbakod. "Mommy, Sege na please. Just for my sake," I pleaded using again, my sweety voice. Umiling siya. "You don't have any reasons, why should, I allow you to go far? Isa pa kung papayag man ako, hindi rin magugustuhan ng mga kapatid mo 'yan. Also, your Daddy is against your decision." I bite my lower lips, I wanted to cry. Sabi nila, spoiled raw akong anak at maswerte, dahil nag-iisang babae lang ako ng mga Moonzarte pero hindi nila alam na para akong sinasakal sa lahat ng gusto ko. Naintindihan ko naman ang pagiging concern nila sa akin dahil babae ako, pero hindi ko talaga kaya 'yung ganito ako palagi. I want to spare myself from anyone. "But, Mommy, I am desperately want to transfer a house. Gusto ko maranasan iyong buhay na hindi ko naranasan kailan man," naiiinis kong wika. I can't help my emotions. Kung sila ang nasa posisyon ko, siguro susuko na lang ng ganito. "Roshana! Anong buhay ba? Ang maging mahirap? Bakit kailangan mo pang gawing umalis at manirahan sa malayon kung nag-uumapaw tayo sa karangyaan," nagsisimula na rin siyang mainis sa akin. Mas lalong namuo ang luha ko. Anong mali roon? Mahirap bang intindihin na gusto kong mamuhay sa gano'ng paraan. Hindi niya ba naintindihan na sa sobrang yaman namin, hindi na ako nagkaroon ng magandang buhay. Mula noon at mapahanggang ngayon. Sobra-sobra na ang mga pambabatikos na dinanas ko sa mga nakapaligid sa akin. Mali ba 'yung mamuhay bilang isang low profile? There's nothing wrong with that. "Anong pinag-uusapan niyo? And why our only daughter is here? Do you have something to ask, Roshana?" Biglang labas ni daddy sa banyo. Tiningnan ko si Mommy. Nakitaan ko siya ng pagkakonsensiya roon nang makita ang namumuo kong luha. "I'm sorry anak. Hindi ko talaga makuha ang ipinunto mo. I don't want you to go far from us. I treasure you," malumanay niyang sabi. Hinaplos niya ang buhok ko tapos ngumiti. "Anong nangyari sa anak natin?" Naririnig kong tanong ni daddy sa likuran ko. "May pinag-usapan lang kami." Baling ni Mommy sa kanya. Pinahid ko ang luha ko na tumutulo. Tumayo ako sa pagkaka-upo sa kama para tignan si daddy ng nakangiti. Ayaw kong magtanong siya kung bakit naging malungkot ako. Masyado siyang apektado kapag ako na ang pag-uusapan. Ang ayaw niya sa lahat ay 'yung makikitang umiiyak ang kaisa-isahan niyang babaeng anak. "May tinanong lang ako kay, Mommy. Goodnight, Dad." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Are you crying, Roshana?" kunot noo'ng tanong niya. Mabilis akong umiling at mas pinalaki pa ang ngiti sa labi. "No, Dad, why would I cry?" I laughed. "Goodnight, Mom." Hinalikan ko rin si mommy sa pisngi bago umalis sa kwartong iyon. Nang makalabas, huminga ako nang napakalalim. Sa lawak ng bahay namin lalakarin ko pa ito ng ilang layo para lang makarating sa kwarto ko. I like it here, it feels safe to me. Gusto ko naman talaga makasama ang pamilya ko sa iisang bahay. Sa malaking palasyo na ito pero hindi ko kakayanin iyong mga taong nakapalibot sa akin. Gusto ko lang naman mamuhay ng matiwasay. Bakit mahirap ibigay iyun? Minsan naiinis na ako. Iyong feeling na nag-iisang babae ka lang sa pamilya kaya lahat na lang bawal. Same as I was not allowed to go out, I should've home at exactly eight o’clock. I am not allowed to go somewhere without any butlers or my kuya's. I'm stuck. Do I look like a prisoner? Hell, No! I wipe my tears. Wala kasing nakaka-intindi sa akin. Kaya feeling ko parang pinagkakaitan nila ako ng kaligayahan. Nasa kalagitnaan na ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang kapatid ko na may katawagan sa cellphone. Nakangisi siya pero nung makita ako nawala ang ngisi niya. "Yeah, I'll be there," sabi niya bago binaba ang tawag. "Good evening kuya, Rohan," bati ko. "Bakit hindi ka pa natutulog? Malalim na ang gabi," kunot-noong tanong niya. "Pinuntahan ko lang si, Mommy, kuya." Sinuyod ko ang kabuuan niya. He is wearing a polo shirt na nakabukas ang tatlong buttons. Nalantad ang kanyang matipunong dibdib. Isa sa kina-iinisan ko sakanilang walo, ay kung paano nila hatakin ang mga babae sa pamamagitan ng kanilang charm. Sa kanilang mga tingin, sa kanilang mabulaklak na salita, lalo na kapag ngumiti lang sila, nahuhulog agad ang mga babae sa kanilang mga patibong. All of them is a good looking man. May I bat ibang angking kakayahan kung paano nila makuha ang isang babae. Gifted na siguro ang pagiging gwapo nila kaya mas lalo silang kinabaaliwan ng mga babae. All of them are heartthrob in anywhere, It's either in school, in the parties or whatsoever. Hindi na ako magtaka kaya palaging sumasakit ang ulo ni Mommy at Daddy dahil sa mga bali-balita tungkol sa kapatid kong mga lalaki. Ano-ano na lang ang issue na lumalabas sa mga bali-balita, mostly sa social media madalas kumalat ang impormasyon. "Anong ginawa mo roon? Hindi pa ba sila natutulog?" "Hindi pa naman kuya, Rohan. Nga, pala, saan ka pupunta?" "Diyan lang. Sige na, matulog ka na sa kwarto mo. Goodnight baby girl." Umiba agad ang timpla ng mukha ko nang marinig ‘yng huling tawag niya. Baby girl? Damn! I hate those thing. "Stop calling me that. Matandan na ako, It's disgusting," angal ko na ika-ngisi niya. "Bunso ka namin kaya paano ka naging matanda? You're eighteen, Roshana. Kailangan pang-alagaan," he laugh evily. "Kuya!" inis kong sigaw. Sa lahat yata ng kapatid ko, siya talaga ang pinakamaloko. Lalo na sa mga babae. I heard marami na siyang pinaiyak at pinaasa. Poor of them. Bakit sa malokong lalaki pa sila nagkagusto alam naman nilang 'di sila seseryosohin. Because one's a heart breaker, always like that. It won't change the fact. "Alright. I have to go, Rosh." Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi saka nilagpasan. Napa-iling na lang ako. Sa porma pa lang niya mukhang alam ko na kung saan siya pupunta. I am so sure that he will go in the club, dancing and acting wild in there, with their girls. I sigh. What a nice life they had. Sana ako rin. Minsan naiingit ako sa galaan ng mga kapatid kong lalaki dahil kahit saan sila magpunta, na pupuntahan nila. Samantalang ako, heto naka-kulong sa malaking bahay namin. Ayaw padapuan ng langaw o lamok man lang. Pagkadating ko sa kwarto, sinalampak ko agad ang katawan ko sa kama. Iniisip pa rin 'yung kagustuhan kong umalis at mamuhay bilang mahirap. Doon sa malayong lugar. I want a peaceful life. That's it. Naiisip ko pa lang na ganoon, hindi na ako makapaghintay. Pero sa tuwing naiisip ko naman na maraming tutol sa kagustuhan ko, gusto ko na lang sabunutan ang sarili sa inis. Bakit ayaw nila? Eighteen na ako? I am at the right age to seperate for the mean time. Natigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang tablet ko sa tabi. Mabilis ko itong kinuha para sagotin ang tawag ng isa ko pang kapatid, which is my favorite brother. "Hi kuya, Zedrick? How's there?" masayang tanong ko. Nakita ko sa background niya na nasa kama siya nakahiga. "I miss you, Rosh. It's fine here. How are you?" he asked using his husky pitch. Umayos ako sa pagkakadapa at nakangiti pa rin siyang kinausap. "I'm fine. Kailan ka ba uuwi? Masiyado ka ng matagal diyan. Namimiss ka na namin," malungkot kong saad. Namimiss ko talagang makipagkulitan sa kanya. Sa lahat kasi talaga ng kapatid ko, siya 'yung pinakapaborito ko. Siya lang kasi ang nakakaintindi sa akin. Kaya noong umalis siya para mag-aral sa Hawaii nalungkot ako ng husto. Iniyakan ko pa nga ang pag-alis niya noon. "Soon, baby, Roshana. Uuwi rin ako." "I heard may kinabaaliwan kang babae riyan?" taas kilay kong tanong. Tumawa siya sabay umiling. "Where did you heard that news? Nag-aaral ako ng mabuti rito." tatawang-tawang utas niya. "Liar! Ikaw lang ang parating pinag-uusapan nina kuya Renzo rito. Sinabi niya may babae ka raw riyan," inis kong wika. Hindi naman ako tutol kung may babae nga sila. Matatanda na sila kaya wala ako sa posisyon na husgahan ang mga kapatid sa kanilang buhay pero mas'yado kasi silang bulakbol. Natatakot ako na baka lolokohin lang nila ang mga babae tapos makarma sa huli. Gusto ko, kapag magkaroon man sila ng babaeng makakasama habang buhay. Gusto ko iyung magustuhan talaga nila. Hindi panandalian lamang. Hindi sila marunong magseryoso sa iisang babae lang. Iyan ang naririnig at napatunayan nila sa akin habang lumalaki ako. They are good in playing girls. They are badass, asshole, bastard, and a very dangerous son of Moonzarte. "Kaibigan ko lang siya, Rosh,"pagde-deny nito. "You like her?" Matagal bago siya sumagot. Nag-iisip sa tamang sasabihin. "Don't denied kuya, Zed. Halata sa'yo na may gusto ka sa babaeng ‘yun. Anong nagustohan mo sa kanya?" "I like her because she's kind. But I can't take a risk and put my situation to her life. May naghihintay sa kanya sa Pilipinas. It's not that easy to give in and risk." Kung sino man itong tinutukoy niya, masaya na lang din ako para kay kuya Zedrick. Mukhang gusto niya talaga ang babaeng 'yun pero pinigilan niya lang dahil may nagmamay-ari na rito. "Sad reality, kuya. Umuwi ka na kasi. I miss talking to you. Wala na akong mapagsabihan ng mga hinaing ko, mga problema ko. Lahat na lang sila para akong pinagkakaitan. I don't have time to have fun," malungkot kong sumbong. "Bakit, may nangyari ba sa'yo?" "Gusto kong umalis sa bahay?" deretsahang sabi ko. "What!" Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko dahil napatayo siya sa pagkakahiga. I saw how his jaw clench tight. "Gusto kong mamuhay bilang mahirap. Is it good?" I ask. "Sa lahat ng gusto mo, Rosh. Ito lang yata 'yung desisyon mo na hindi ko nagustuhan. I won't agree. No, you can't go far." Alam ko galit na siya dahil nagbago na ang boses niya. Kahit gaano pa ka rahan 'yun pero ramdam ko pa rin kung gaano niya pinigilang huwag sigawan ako. "Pero kuya, Zed. Gusto ko talaga ang ganoong pamumuhay. Siguro mga anim na buwan, Okay na ako roon Please, convince mom---" "I won't let you. Masiyado ka pang bata para humiwalay kina Mommy at Daddy. Stay in our house." Wala nga akong magawa sa gabing 'yon kundi magpaliwanag sa kanya sa gusto kong mangyari pero kahit anong gawin kong pag mamaka-awa gaya ni mommy, ayaw niya rin sa gusto ko. Kahit yata umiyak na ako ng dugo wala talagang papayag. Kinabukasan nasa hapag na kami. Nasa master’s chairs si Mommy at Daddy. Nasa tabi ako ni Mommy naka-upo. Tapos kaharap ko naman iyong kapatid ko na si Hazer. Magkasunod lang kami nitong pinanganak. Malaki ang suot niyang eye glasses na nakaka-botherd tingnan sa kanya. Bagay naman sa kanya 'yon pero nakaka-asiwa kasi. Mas bagay sa kanya ang walang eye glasses sa mata. Mas lalong tumingkad ang lahing Moonzarte 'pag nagkataon. "Hazer," tawag ko. Seryoso siya sa pagkain ng almusal. Kahit narinig niya ako, nagpatuloy pa rin siya sa pagkain. Seryosong-seryoso pa rin sa ginagawa. Para bang ayaw ng istorbo. He is like that, always snob in my presence, or should I say in the people around him. He is like a robot, na parang walang kabuhay-buhay. "Ishmael." Natigil siya nang marinig niya ang pangalawang tawag ko sa kanya. Unang pangalan niya yun at kapag naririnig niya ang second name niya, dumilim agad ang mga mata niya sa iritasyon. He may look nerd on his eyes glasses but I can't help but to adore his appearance. "What is your problem, Roshana Dazzle Moonzarte?" walang gana niyang tanong. Tinawag pa ang buong pangalan ko. Kapag ganyan na ang boses niya, nagtitimpi na talaga siya ng inis. At gusto ko talagang nakikita siyang naasar sa akin. Napahalakhak ako nang mahina. Mabuti na lang wala pa ang ibang mga kapatid namin. Tanging siya at ako lang muna ang nandito. Si Mommy at Daddy naman busy sa pag-uusap ng kung ano-ano sa hapag. "Sasama ako sa'yo papuntang Academy. Pwede ba?" hinging permiso ko. Mas lalo siyang natigilan. Hindi nagustuhan ang sinabi ko. Same school lang din kasi kaming dalawa. Kaya alam ko lahat ng buhay niya sa paaralan namin. At kung anong klase siyang tao sa loob ng campus. "I don't like, you will gonna come with me." He lazily look away "Kuya, Harris, gonna ride you in the school. Not my ass," walang gana pa rin niyang sabi. Napanguso ako. Hindi sa ayaw niya akong pasakayin sa sasakyan niya. May matindi rin kasi siyang dahilan kaya ayaw niya akong isama papuntang school. Naintindihan ko 'yun, pero gusto ko talaga na sa kanya sasama. Sa tuwing naiisip ko ang dahilan niya natatawa na lang ako. "Pero, Hazer. Gusto ko sa'yo sumama. Ayaw ko kay kuya, Harris. Malakas siya magpatakbo ng kotse. Please, let me go with you." I use my puppy eyes na alam kong hindi umepekto sa kanya ngunit sinubukan ko pa ring magpa-cute. Kamuntikan na akong matawa nang ngumiwi siya. Napa-igtad ako nang marinig kong may humila ng upuan sa may 'di kalayuang silya. Pagtingin ko sa kadarating lang sa hapag. Si kuya Harris iyon. Seryoso siyang nakatitig sa aming dalawa ni Hazer. Mukhang narinig yata ang pag-uusap namin. "Good morning, Mom and Dad," malamig niyang bati. "Morning, kuya," ngumiti ako para maibsan 'yung kaba. Tinanguan niya lang ako. "Morning. Eat your breakfast, stop bothering, Haze," maowtoridad niyang utos. Sa lahat ng kinatatakutan ko sa Moonzarte brothers, ay siya lang talaga. Si kuya Harrison ang para sa akin ang may pinakanakakatakot ang aura. Siya ang pinakanakakatanda sa aming lahat. Masiyado kasi siyang strikto sa lahat ng bagay. Seryoso rin siya. Halos kaming lahat ng kapatid niya nirerespeto namin bawat desisyon na gusto niya. Because we know it's for our own good. "How's the factory, son?" tanong ni daddy kay kuya Harris. "Well, undergo, Dad. I put some changes to our products and import them to the other countries," sagot niya. Hindi ko naman naintindihan ang mga pinag-usapan nila tungkol sa business dahil sila lang naman ang nagmamani-obra nun. Si kuya Harris 'yung nag-manage sa lahat dahil na rin siya ang panganay sa amin. Sinabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Napaka-hard working masiyado. Hindi na ako magtaka kung bakit wala pa 'yang girlfriend hanggang ngayon. Dahil na rin sa dami ng problema na kinakaharap niya sa negosyo. He's a workaholic man. "Ikaw na lang kasi ang maghahatid sa akin sa school. Diba pupunta ka naman doon," sabi ko kay Hazer. Hindi ko pa rin siya matantanan kahit binalaan na ako ni kuya Harris na tumigil. Inayos niya ang suot na eye glasses sa mata saka tinignan ako gamit ang kanyang walang ekspresyong mukha. "I can't, Rosh. Alam mo naman siguro ang nangyari noong huli kitang ‘sinama diba? You saw what happened to me." "Pero kas----" "Hazer, ihatid mo na si Roshana. Sabay na lang kayong pupunta ng skwelahan. I have some errands to do today. Hindi ko na mahatid ang bunso natin," singit ni kuya Harris. Narinig ko ang mahina niyang mura na tanging ako lang ang nakarinig. Pinandilatan ko siya ng mata. Kapag narinig 'yan ng mga tao rito, patay talaga siya. "I can't, kuya. Her friends will gonna kill me," problemadong saad niya. Binalingan niya ako ng tingin. He look at me using his annoyed look. Yes, such a cold brother. Kung umasta siya akala mo talaga papatayin siya ng mga kaibigan ko sa school. Well, I can't blame him why he is acting so problematic. He is also a drop dead heartthrob in that school. "Ikaw na ang maghatid. Don't be so mean to her," maowtoridad namang utos ni Daddy na ika-ngisi ko dahil sa lukot na pagmumukha ni Hazer sa aking harapan. "Mom, Dad. Why don't you give her a damn car," aniya. "Ops! Hindi ako papayag na magda-drive 'yan mag- isa. Baka ibangga niya pa ang kotse. Diba, baby girl?" Biglang sulpot ni Alaster. "She's reckless spoiled child,"dugtong niya pa. Siya ang pumapangatlo sa akin, kasunod lang siya ni Hazer. Siya naman ang kinaiinisan ko kapag masiyado ng maloko. The way he spit words to anyone, you'll gonna annoyed by his unmannered mouth. Ang lakas niyang mang-asar lalo pa't pinatulan mo mas lalo ka lang maasar sa walang preno niyang bibig. "I agree. Huwag niyo 'yang hayaang magkaroon ng sasakyan. I don't want my little sis, injured because of her clumsy decision and moves," halakhak ni kuya Jeho. Nag-apir pa ang dalawa. "Agree with me, Alas?" "Yeah. You're right bro." They laughed evily. Namuo sa akin ang sobrang inis. That's why I hate being like this, being their little sister. Masiyado silang over reacting sa lahat, kapag ako na 'yung pag-uusapan, they are exaggerating. Lalo na itong dalawang ito na kadarating lang. Kapag sa kalokohan nagkakasundo agad. "I'm not reckless. Hindi lang kasi kayo marunong magturo nun," galit kong sabi. Naalala ko nu’ng tinuruan nila akong mag-drive dalawa. Imbis na ako ang magmamaneho ng sasakyan. Si Alaster ang nagdala, tapos nu’ng biglaan kaming nabangga, ako pa 'yung sinisisi dahil sa ka ingayan ko raw kaya kamuntikan na kaming nabangga. Sino ba ang hindi magra-rant sa kanila ni kuya Jeho at Alas kung puro kakagogohan ang alam. Sayang-saya pa naman ako nu'n dahil sa wakas matuturuan na rin ako sa pagda-drive tapos ang kahinatnan, ni maski manobela hindi ipanahawak sa akin. That's absorb. Ginagawa nila akong gaga. "Kami pa talaga ang dahilan, Pfft," pigil na tawa ni Alaster. Sinamaan ko siya ng tingin. Sumigaw siya nang inapakan ko ang paa niya. "That's what you get," I wickedly smile. "O, siya tama na iyan. Hazer, ikaw na maghatid kay Roshana. Hindi siya mahahatid ngayon ng kuya, Harris niyo," putol ni Daddy sa kasiyahan sa hapag. "Why don't you tell that to your other sons," rinig kong bulong ni Hazer na mukhang narinig ng katabi na si Jeho at Alaster. "Sensiya pre, may banda ako ngayon. Ikaw na lang muna maghahatid sa mumunting princesa natin," kindat ni Jeho sa akin. "Ako rin, malayo ang paaralan ko sa skwelahan niyo. Gustohin ko mang ihatid 'yang si baby girl natin hindi ko magawa.” Tapik ni Alaster sa kanya sabay tawa ng nakakaloko. "Tss. I don't want to hear that kind of excuse. Hindi bagay." Si Hazer, nayayamot sa pinagsasabi ng dalawa. "I'm done." Tapos na siya? Mukhang hindi pa nga nagalaw ang pagkain niya. Mukhang nabadtrip pa yata si Hazer. Mabilis kong inubos ang gatas ko para magpaalam na sa kanilang lahat sa hapag. Nauna nang mag lakad si Hazer kaya sinundan ko na agad siya. Palundag-lundag pa ako habang nakasunod sa kanya sa likuran. "Thank you, Haze," ngisi ko. "Get in, ihahatid na kita, " walang kabuhay-buhay niyang wika. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Mabilis akong pumasok sa loob. I can't wait any longer. Seeing, his irritated face when we are in the Academy. Siya lang talaga 'yung kapatid ko na pangalawa sa pinaka- comportable akong pakisamahan. Kahit wala siyang emosyon na pinapakita. Ngunit alam ko naman na masiyado siyang concern sa paligid niya. Lalo na pagdating sa akin. He can't say, No. "Hindi kita ipapasok sa parking lot. Baka dudumogin na naman ako ng mga kaibigan mo," paalala niya sa kalagitnaan ng daan. "Aye! Aye!" Nag-salute ako sabay halakhak. Kahit nerd 'yung porma niya, marami pa rin ang humahanga sa kanya sa paaralan na iyon. He's very popular. Daig mo pa ang artista kung dudumogin siya ng mga babae. Noong huling sakay ko sa kanya ay halos magkamuwang-muwang siyang umalis sa parking lot nu'n. Dahil maraming humihingi sa kanya ng picture. Pinasok pa siya sa loob ng sasakyan at mukhang ginahasa ng mga babae. Not literally but he is really pissed that time. Sinisis niya pa ako sa pagkagusot at pagkapigtas ng butones ng kanyang uniporme. Siya lang yata 'yung nerd na kilala ko na kinabaliwan nang lahat. Wala namang espesyal sa kanya. Tanging walang kabuhay-buhay magsalita pero bawat kataga tumatagos talaga. Hindi rin marunong ngumiti. He is always blank. "We're here," sabi niya nang makarating kami sa harap ng gate. "Thank you," masiglang pasasalamat ko. Tumango siya. Bago pa ako makababa mabilis niya ulit na binuhay ang sasakyan. "s**t!" mura niya habang pasulyap-sulyap sa rear mirror. Nakita ko roon ang mga kaibigan ko na papalapit sa sasakyan niya. Mukhang kanina pa yata sila naka-abang sa sasakyan ni Hazer. Kaya bago pa siya dumogin, mabilis na niyang nilayo ang sasakyan. "I can't blame them. You're such a greek," tawa ko. "They're annoying, dammit!" he said bluntly. I laughed one more time. Itinigil niya ang sasakyan sa pinakatagong parte ng parking lot. "Thanks, Haze." I kiss his cheeks before going out in the car.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD