Chapter 2: Crazy

2355 Words
Alam ko naman kung gaano ka sikat ang mga kapatid ko sa mga babae. I can't blame the girls who are very obsessed to them. They are all good looking and such a wonderful guys. Their charismatic appeal is one of the reason why they seems hyper. Kainis nga, dahil nag-iisang babae lang ako sa pamilya kaya protektado sa lahat ng kapakanan. "Rosh, where is Hazer?" tanong ng kaibigan kong si Briesha. Nagkibit-balikat ako. Kasama niya pa ang anim niyang kaibigan na naging kaibigan ko na rin, I think? Yeah, I'm still not sure by their treatment towards me. Dahil ilang beses na akong naloko ng mga tinuturing kong kaibigan ko kuno, from my past school. Lahat pala sila ayaw sa akin. Tanging pinaplastik lang ako para mapalapit sila sa mga kuya ko. Kaya ngayon, nagtanda na ako sa lahat. Nag-iingat sa mga kaibigang ahas. Iyong kapag kaharap mo lang sila sobrang bait sa'yo, halos tratuhin kang prinsesa pero kapag tumalikod ka na, puno nang pang-lalait, pamba-bash, sinisiraan ka pa sa lahat. I've been in that situations for so many times. And I am sick to handle the kind of people like them. I hope hindi sila isa sa mga 'yon. Sila lang kasi ang kasa-kasama ko rito sa school. Kaya up until now, wala pa akong nakikitang kakaibang balak nila. "Hinatid lang ako sandali ni Hazer pagkatapos umalis na siya. Nagmamadali e," sagot ko sabay ngiti. I hate lying but because of Hazer who don’t want attention, I will pursue myself to tell a lie. Sa lahat yata ng kapatid ko siya lang ang lalaking ayaw ng babae. Nerd nga naman. "Saan siya? Susunduin niya ba ang girlfriend niya?" tanong naman ni Karina. Kumunot ang noo ko,"Walang girlfriend si Haze." Naiisip ko pa lang na may babae ang nerd na iyon. Natatawa na lang ako, laging kaharap nu'n libro. Ni lapitan siya ng mga babae kinaiinisan niya. So that's far from what they've said. Haze hate girls that much. "But, I saw him talking to a girl last friday yata 'yon in the Bo's Coffee. Right girls?" tanong ni Breisha. Sumang-ayon ang lahat. Mas lalong kumunot ang noo ko. What I hate the most. When they always nagging about my brother's girls. Tapos ako ang mapagbuntungan ng lahat. Sa akin sila umusisa. Sa akin nagtatanong ng kung ano-ano. "Maybe a friend. Let's go, we're late," sabi ko na lang at nilagpasan na sila. Sumunod sila sa akin sa likuran na parang alipores. Lahat ng estudyante nakatitig sa amin. Scratch that, sa akin lang pala. They look at me, using their mysterious eyes. Ito iyong ayaw ko sa araw-araw na pumapasok ako. Hindi man klaro sa mga mata nila na hinuhusgahan ako, pero ramdam ko 'yon sa kanila na ayaw nila ako. Tanging pinipilit lang nilang lahat na pakisamahan ako dahil anak mayaman ang isang Roshana Dazzle. "Para talagang prinsesa." "Dami niya namang bantay sa likuran." "Kawawa naman 'yang mga babaeng alila sa likuran niya." "I am so sure tratuhin niya rin 'yan bilang kaawa-awang nilalang." "Simula nang mag-transfer siya rito. Siya na ang hinahangad ng lahat. Nawalang silbi ang papel ni Breisha. Poor Briesha, naging alila na lang sa anak ng Moonzarte." Natigil ako sa paglalakad. Tiningnan ang mga babaeng nakatingin sa mga kaibigan ko na nasa likuran ko pa rin ngayon. Nakatitig sila gamit ang awang-awang mata, na para bang inalipusta ko ang mga ito. Hindi ko maiwasang mairita kapag makarinig ng ganito. "May problema ba?" tanong ko. Walang gana ang boses ko na 'yon. Natural lang ang pagkasabi ko ng kataga pero nanginginig na agad sila sa takot. Nakita ko pang may nagtago sa sulok. "W-Wala- Wala," utal na sabi ng babae. "T-Tara na, Agatha. Baka isumbong niya tayo sa mga kuya niyan," sabi ng isa. Hinila niya ang kasamahan na rinig ko pa rin ang pananalita. "Ikaw kasi. Sabing hinaan mo 'yang boses mo. I heard, ilang babae ng may pinaiyak 'yan sa ibat ibang skwelahan. Sinasaktan at pinapahiya niya, baka maging isa ka pa sa kanila." "Totoo naman talaga. Inagaw niya lahat ng meron si Briesha. Pati posisyon nito sa skwelahan, pati nga yata ang paaralan na ito binili ng magulang niya." Gusto kong umangal sa papalayong babae dahil sa sinabi nila. Hindi ako gano’n, wala akong pinaiyak. Wala rin akong inagaw. Oo, marami na akong pinasukang skwelahan, palipat-lipat lang ako dahil naging masama ang trato ng lahat sa akin doon. Ayaw kong tinitingnan bilang mataas, dahil gusto ko, tinitingala ako bilang isang normal na mag-aaral. I don't want to be treated so nice. To the point nahahalata ko na masyado na silang plastik sa pakikitungo sa akin. "Ano na? Kami na ba bahala sa dalawang 'yon, Roshana?" tanong ni Abegail. Sabay paikot ng daliri sa dulo ng kanyang buhok. "No, don't touch them," mariin kong sambit. "Sige, pero kapag nagbago 'yang isip mo. Sabihin mo lang sa amin," aniya. "Kami na ang bahala." Natigilan ako at hinarap sila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa tuwing may ganito. O maawa sa kanila. Kaya napagkamalan akong war freak at mean girl sa campus dahil na rin sa kahit saan ako magpunta. Napapalibutan ako ng mga babaeng walang kinatatakutan. Iyong hanap ay puro gulo lang. Hindi na ako magtaka kung bakit lagi na lang akong sangkot sa gulo ng iba. When in fact pinagtatanggol ko lang din naman ang sarili. Hindi naman kasi ako ganoon. All I want is to have a good life. That's all. I want a peacefull life. "Please, stop treating me like, I am the leader here. Treat me as a normal student, please lang," sabi ko. Iyon lang naman ang gusto ko, pero hirap iyon ipakita sa lahat. Hindi dahil sobrang yaman ng pamilya namin. They will treat me like a queen in the school. Ayaw ko ng ganoong trato. That's toxic. "But we respect you as a, Roshana Dazzle Moonzarte.” Ngiti ni Breisha. Napapikit na lang ako nang mariin. Huminga ako nang malalim. That's why, I want to live as a poor woman, living in a small house just to felt myself like a nothing, but a normal people. Gusto ko talaga maranasang maglakad na walang media. Walang isyu sa lahat. Walang bahid tungkol sa apelyido ng pamilyang Moonzarte. Dahil kapag dala ko ang apelyido na 'yan. Hindi ako makakaramdam ng kaginhawaan. I was so blessed to have a lovely family and a sweet, caring brothers pero kapag lalabas na ako ng bahay and face the outside world, I want to get lost. I remembered my past school. Since I was in elementary. Once they heard my family name, they are panicking. "I am, Roshana Dazzle," pakilala ko pa sa lahat. Walang nakinig sa akin. Maingay ang mga kaklase ko, ang gulo nila. Nagbabatohan sila ng papel, ni kahit atensyon nila hindi ko makuha kahit nagsasalita na ako sa harapan. Sinita sila ng guro ngunit ganon pa rin magulo 'yong mga kaklase ko. "Roshana Dazzle Moonzarte,” pakilala ko ulit sa buong pangalan ko na ika-tigil ng lahat. Nakuha ko ang atensyon nila. Nanlaki ang mata ng iilan. "May kaklase tayong napakayaman." "Mga, Moonzarte? How I wish I'm one of them. They’re filthy rich, you know." Ngumiti ako ng mapait, when I heard those murmured. “Kakaibiganin natin siya.” Doon nasampal ako sa bawat bata na maririnig ko na ganoon. Kakaibiganin ako kasi mayaman ang pamilya namin sa bansa. I was grade five that time. Another school that I was transferred, dahil may naka-away ako roon sa huling mamahaling skwelahan. This is my fourth time transferring from one school to another. Kaya nalipat ako ng bagong school dahil may isang kaklase ako na kinaiingitan ako masiyado, dahilan para mapaaway ako. Gusto kasi ako noong crush niya pero dahil sa murang edad ko nu'n, dedma lang ako sa lahat ng nagkagusto sa akin. Wala akong pakialam sa mga lalaking musmusin pa lamang. Galit na galit ang kaklase ko nu'n dahil nga umamin ang crush niya sa kanyang naramdman sa akin, tapos binasted ko lang. As I have said, ayaw ko pa sumabak sa ganyan. We're too young. For God sake! Inaway niya ako. Galit na galit siya. Syempre lumaban ako. Inunahan niya ako sa pagsubunot. I fight back and the next thing I know, na-guidance kami. "Marami nang naka-away itong anak niyo, Mrs.Moonzarte. Kailangan na siguro siyang mag-transfer ng ibang school," sabi ng principal. Tumango na lamang si Mommy. Walang pagkulang sa pagsabi si Mommy at Daddy sa akin tungkol sa palaging eskandalo na ginagawa ko. Sinabihan nila ako ng magandang gawin. All of it, I listen to them. I was so nice to everyone but I'll always end up being a mean child, and being betrayed by someone who I treated as a friend. "Kapag may gulo, umiwas ka. Look at your face, you have many scratches," sabi ni Mommy habang ginagamot ang sugat ko sa pisngi at braso. "She push me first, Mom. I was just being friendly. Sinabi ko lang naman na gusto kong makipagkaibigan sa kanya kaso nagalit siya," naiiyak kong sumbong. Huminga siya nang malalim. Pagod na sa bawat rinig tungkol sa hinaing ko. "I understand honey, next time. You shouldn't let yourself hurting again. Kung ayaw sa'yo ng tao, huwag kang lumapit. Hayaan mong sila ang lalapit sa'yo. Huwag kang mamilit ng tao na magugustuhan ka kasi kusa silang lumalapit sa'yo ‘pag gusto ka nila." I ended up nodding and asking myself why people can't even be true to me? Sinunod ko naman ang gusto ni Mommy na huwag silang lapitan. Hihintayin kong lapitan ako ng may gusto sa aking tao pero sa huli ako pa rin ang naging mali sa lahat. Until highschool ganu'n pa rin ang routine. Palipat-lipat ako ng skwelahan. Ewan ko ba, feeling ko malas ako kapag nagkaroon ng kaibigan. Mabilis lang din silang maglaho tapos sa huli makaka-away ko pa. "Chix, pre." "Ganda, oh, bagong transferee." "Moonzarte 'yan. Huwag niyong galawin. Malilintikan kayo sa pamilya niyan." Nasa field ako naglalakad. Natigilan ako nang marinig ko 'yon sa mga lalaking naglalaro ng soccer. Nakatingin sila sa akin, tuwang-tuwa pero nang marinig ang apelyido ko sa isa sa mga ka teammates nila, mabilis silang nagsi-alisan. Kinuha ko ang bola at umupo sa damuhan. Is it a curse to have a surename, Moonzarte? Bakit sa tuwing naririnig ko ang apelyido ko, halos dumugin ako ng mga tao para sambahin. Takot na takot rin sila. "Rosh, mag-isa ka lang? Saan 'yong iba? " Biglang sulpot ni Athena. Nakita kong nagtatakbo ang iba niya pang kasama na kakilala ko rin papalapit sa akin. Pinagkaguluhan ang maganda kong diwa kanina pero ngayon nawala na dahil nakapalibut na sila sa akin. Alam ko naman kung anong sadya nila sa akin. This is not new to me. Noong una nakikisabay pa ako pero sa huli, napagod rin akong magkunwari. "Alam mo ba, Rosh. I saw your kuya Harris. Sobrang guwapo niya pala ‘no!?" tawa ni Kristena. "Please Rosh, send my regards to your hunk brothers. Specially kay Jeho," another girl who said that. "Roshana, pahingi naman ng damit ng isa sa mga kuya mo. Kahit si Deon lang, oh." Hanggang sa umingay na nga sila. Marami pa silang hiningi sa akin na pabor na tanging ngiti ang ginawad ko sa kanila. Wala akong masabi. Gusto ko silang pagsabihan na tama na 'yong trato nila na mabait sila sa akin kahit ang totoo ginamit lang nila ako para sa kanilang sarili. They didn't treat me as a friend, they look at me as a bridge para makasalamuha nila ang mga kuya ko, which is, I hate that thoughts. And I hate being sorrounded in these kind of people. Mabilis akong tumayo para umalis sa field na iyon, para maiwanan na rin sila. Kahit konting pabor para tumahimik ang buhay ko pinagkait pa ng tadhana sa akin. "Hi, gusto ko lang ibigay ito sa’yo." May isang lalaking lumapit sa akin, nilaharan ako ng isang malapad na chocolate at Rosas. "Malapit na kasi ang Valentine's day. Ibibigay ko lang ng advance sa'yo," nahihiya niyang sabi. Hindi makatingin. Sobrang daming tao sa paligid namin, dahil may program sa court. Nakita ng lahat kung anong ginawa ng lalaking ito at naglakas loob na ibigay ito sa harap nang maraming tao. "Hindi tatanggapin ni Roshana 'yan. Gusto niya iyong mamahalin. You're so cheap, bro! Pinapahiya mo lang ang sarili mo.” "Bigyan mo ng malaking bulaklak at isang ref na chocolate panigurado tatanggapin niya ‘yan!" sigaw ng lahat. Nagtatawanan pa sila. Nakita ko ang pamumula ng lalaki dahil sa narinig. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot. Gano’n ba talaga ang trato ng mga tao sa akin? Gano'n ba ang tingin nila sa akin? Isang mapagmataas na babae? Na kailangan talaga, mamahalin lahat na makukuha. They don't know everything about me. Especially what, I like, even in a small things, I’m so glad to take it. "Thank you." Ngumiti ako na ika-tunghay niya ng ulo. Kukunin ko na sana ang binigay niya nang biglang mero’ng bumangga sa akin sa likuran kaya ang resulta natulak ko ang lalaki. Dahilan para mapa-upo siya sa court. Nanlaki ang mata ko. "Sabi na, e! Hindi 'yan tatanggapin.” "Napaka-cheap naman kasi. So cheap bro. Don't try so hard. Mapapahiya ka lang. Look, what you get!” halakhak nila. "What a pity, shits! Natulak ng isang Roshana Moonzarte.” Mas lalong nagtawanan ang lahat. I was going to say, sorry to him pero mabilis na siyang tumayo at tumakbo paalis. Napahiya ng sobra. May iniwan muna siyang salita bago siya tuluyang umalis, na nagdala nang pagkatigil ko. "Sabihin mo na lang na ayaw mo sa binigay ko. Hindi iyong itutulak mo ako. Nahihiya ako noong una, dinagdagan mo lang ang kahihiyan ko. Hindi ko malimutan ang araw na ito, Roshana. Tandaan mo itong ginawa mo sa akin.” Naiwan na lang akong nakatulala. Hindi naka-imik. I can't explain to myself. Gusto kong magalit sa nagtulak sa akin pero sa huli wala akong nagawa. I didn't respond. Hindi ko naman 'yon sinasadya. Hindi, it was an accident.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD