bc

Loving The Ruthless Man

book_age18+
7.6K
FOLLOW
80.5K
READ
kidnap
age gap
dominant
CEO
drama
comedy
bold
small town
first love
cruel
like
intro-logo
Blurb

(Moonzarte's Daughter: Roshana Dazzle Moonzarte)

Si Roshana ay anak mayaman. Ang pamilya nila ay tinitingala ng lahat, sikat ang kanyang apelyido sa kahit saan.

Ngunit kayang talikuran ni Roshana ang pagiging mayaman para lang makasama ang lalaking kanyang minahal.

Dahil ang kanyang lalaking ipinaglaban sa kanyang pamilya ay isang mahirap lamang at mortal na kaaway ng kanyang magulang.

Dahil rito, ayaw ng magulang niya sa lalaking kanyang minahal dahil ito'y mahirap lang.

Handa namang ipaglaban ni Roshana ang pagmamahal niya sa lalaki kaya tatakasan niya ang pagiging mayaman at magpakalayo kasama ang lalaking kanyang lubos na minahal at mamuhay ang dalawa bilang mahirap. Para ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
ROSHANA'S POV "Ang ganda naman, Iha!" puri ni manang Rosalinda. Tuwang-tuwa sa pagdidisenyo ko. Ngumiti ako. At mas pinag-iigihan pa ang pagde-design sa maliit na cake. Naalala ko ‘yong ginawang cake namin kahapon. Hindi niya nakikita noong nag-design ako at naglagay ng letra dahil nagluluto siya ng breakfast namin kahapon, hindi niya nakita kung ano at paano ang pagkasulat ko. Sinulyapan ko si Manang. Nasa kabilang dulo siya ng lamesa kung saan kasalukuyan akong nagkukutingting ng cake. Nakatanaw siya sa ginagawa ko ngayon. "I won't give up," basa ko sa sinulat ko at sa pinakaibaba naka-ukit naman ang "H.C" code name ng taong bibigyan ko ng cake. Para kung sakaling hindi niya ito tatanggapin maibigay ko sa mga kaibigan ko ito at hindi masayang. Hindi kagaya kahapon, kung saan, buong pangalan niya talaga ang binigay ko. Sinulat ko talaga ang, "Herondale Castillejos". Kaso hindi niya tinanggap kaya bumalik sa bahay at hindi nakain, ‘yan tuloy hindi ko naibigay sa mga kaibigan ko dahil natatakot akong mabuking nila, lalo na't malakas silang manghinala. Lumapit si manang sa pwesto ko. Nagtanong kung para kanino ang cake. Sinabi ko na sa kanya, para sa lalaking gusto ko ang cake na ito. At wala siyang idea kung sino 'yon. Hindi rin kasi ako nagsabi at saka hindi niya rin naman nakikita kaya para saan pa ang pag-amin? Siguro magku-kwento na lang ako sa kanya, kahit konti, tungkol do'n sa lalaking crush ko sa school. Para magka-idea siya sa mga pinagsasabi ko. "Sino ba 'yang gusto mong lalaki at tuwang-tuwa ka talaga riyan? Habang sinusulat mo iyang dalawang letra?" 'di niya napigilang itanong ulit. Pang-ilang beses na siyang nagtanong sa'kin mula kahapon, mapahanggang ngayon. Tumawa muna ako tila kinikilig dahil naiisip nanaman ang lalaking kinababaliwan ko. I didn't expect na magkaganito ako sa iisang tao. "Naku! Manang Rosalinda. Napakagwapo ng lalaking ito. Heartthrob nga sa eskwelahan namin. Maganda rin ang boses nito. Sobrang ganda," proud kong saad. Tumango-tango siya. May sasabihin pa sana ngunit pumasok na ang isang tagaluto namin sa malaking kitchen. Binati kaming dalawa at nagtaka kung bakit ang aga kong nagising at naparito ako sa kitchen. Nginitian ko na lang at sinenyasan si manang Rosalinda na sa amin na lang 'yong mga pinag-uusapan namin. Nilagay ko sa box ang cake habang nakikipag-usap pa rin kina manang. Kinuha ko ang bag ko na nakalagay sa isa sa mga upuan doon at dahan-dahan kong ipinasok ang cake sa loob nito. After that, iniwan ko na sila Manang, umakyat na ako pabalik sa kwarto para makaligo at makapagbihis na ng uniporme. As usual, hinatid ako ni kuya Jeho papuntang University. Nagtaka nga siya kung bakit nandoon ang bag ko sa likuran. Kadalasan kasi nasa lap ko 'yon nakalagay. Nagkibit-balikat na lamang ako nang binabasa niya ang nasa isipan ko. Sinasabi ko sa kanya na gusto ko lang doon nakalagay ang backpack ko, para hindi madumihan, dahil bago. Naniwala naman siya at hindi na rin nagtanong at nag-drive na lang. Pagka-lunch break, sinabi ko kina Brix at Kiesha na hindi muna ako sasabay sa pagkain sa kanila, which is, parang bago sa dalawa kong friend. We usually eat together. Ngayon lang ako hindi sumama sa kanila sa pag-lunch, na ipinagtataka ng mga ito. They are my bestfriends at nagustuhan ko talaga ang pagiging hindi nila ugaling mausisa tungkol sa mga kakaibang galaw ko these past few days. "May aaralin muna ako para sa recitations ko mamaya. Sige na, kain na kayo sa cafeteria. Ngayong araw lang ito,hindi muna ako sasabay sa inyo," saad ko pa sabay kaway sa kamay palayo sa kanila. "Busog ka ba?" sabay nilang tanong. "Yeah. I am not hungry.” I smiled to the both of them. Nang mawala sila sa paningin ko, tinakbo ko na agad ang papuntang field para tahakin na naman ang mainit na daraanan, paparoon sa engineering building. As usual, pinagpawisan na naman ako nang makarating. Maraming mga lalaki ang nadaraanan ko sa hallway. Tinitingnan lang nila ako sandali pagkatapos iiwas din kalaunan. Tila takot na takot sa akin. Just like yesterday na napagawi ako rito. Para akong may nakakahawang sakit. Nagkibit-balikat na lamang ‘tsaka nag-focus sa paghahanap sa sadya ko sa building na ito. Hindi ko makuha sa sarili, kung bakit ganito na lang ang ginagawa kong paglaan ng effort para kay Herondale sa kabila nang ginawa niyang pagpapahiya sa akin kahapon. Nang makarating sa tinuturo ng estudyante na pinagtanungan ko kung saan si Herondale. Agaran kong sinilip ang loob dahil walang ingay sa floor na ito. Tahimik lang ang hallway. Kung may studyante man, nasa may hindi kalayuan iyon. May siwang ang pinto nang maabutan ko. Kinatok ko ng ilang beses bago ko 'yon binuksan. Una kong nakita ang white board na may naka sulat pa roon na ika-tigil ng mga paa ko. 'I like you, Herondale Castillejos' Lumunok ako nang ilang segundo. Paulit-ulit na binabasa ng utak ko ang nakasulat doon. Hindi ako maka-imik. Maraming bumabagabag na tanong sa isip ko. Who wrote that? May nag-confess ba sa kanya? Nang makita ko na ang kabuuan ng classroom doon ko lang napagtanto na may nakatayong pigura sa harapan ng white board. Nakapamewang at napahilot sa noo. No other than, Heron. Ang lalaking sadya ko rito. Hindi niya pa ako napapansin. Mag-isa lang siya sa loob at nakatitig lamang siya roon sa white board. I was going to speak pero natigil rin nang maglakad siya sa sulok para kumuha ng eraser. Mukhang buburahin niya ang nakasulat. Pagkabalik niya sa white board doon niya lang ako nakitang naka-abang sa pintuan. Walang mababakas na gulat sa kanya nang makita ako. Tanging blangkong tingin ang binigay niya sa akin. "What are you doing here, Ms.Moonzarte?" Para akong binudburan ng asin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Namalayan ko na lang na pumasok ako sa loob nang tuluyan saka sinara ang pinto. Tumingin ulit ako sa board. Binasa ulit ang nakasulat. "Sinong nagsulat nito?" Turo ko sa harapan. Hindi ako makatingin sa kanya ngunit ramdam ko ang mariin niyang titig sa akin. Kinikilatis ang pagdating ko, gamit ang blangko niyang mga mata. "Can you answer my question, Miss?" Binalingan ko siya ng tingin. Nginitian ko siya sa kabila nang pagkakaba ko ngayon dahil mukhang iritado pa yata siya sa presensiya ko. Mabilis kong inagaw ang eraser na hawak niya. "Ako na." Nakangiti pa rin ako. Hindi ko mawari ang mga tingin niya sa akin. Hindi rin naman siya umimik nang nilinis ko na ang white board, pinapanood niya lang ako nang ilang sandali bago niya inagaw ang eraser sa akin at siya na ang naglilinis ng white board. "What are you doing here?" ulit niya. Ang kanyang atensiyon ay nasa nililinis niyang nakasulat sa harapan naming dalawa. "May ibibigay ako." Kahit parang nawalan na ako ng sigla dahil sa kaba at sa kanyang ugaling pinapakita ngayon, ginawa ko ang lahat upang maglakas loob. I hope hindi na mauulit pa itong pag-refuse niya sa akin katulad kahapon na napahiya ako. "What is it? If that's a----" "Shh..." I put my finger in his lips. Reminding him to stop. Kumunot ang kanyang noo bago siya humalukipkip sabay iling. Kinuha ko ang maliit na cake sa loob ng bag ko, na iniingatan ko talagang huwag pigsain. Nagpatuloy siya sa paglilinis sa white board nang nilahad ko sa kanya ang maliit na cake dahilan nang kanyang pagkatigil. "Hindi mo tinanggap ang gawa kong cake kahapon. So, I made another one for you." I smiled sweetly. Sinulyapan niya ang mukha ko, sunod sa hawak ko. Nagtagal ang titig niya sa cake na nakabalot pa talaga ng makapal na karton pero klaro pa rin ang loob nito kung gaano kaganda ang desinyo. "I made this. I hope you like it." My smile becomes more wider. I felt my knees were shaking. Iniling niya nang isang beses ang ulo, sabay taboy sa kamay ko. "I can't accept that. Ibigay mo 'yan sa iba." Tinapos niya ang paglilinis sa board ‘tsaka siya pumunta sa may bintana kung saan nakikita ang view ng buong field. Hindi maiwasang malaglag nanaman ang panga ko. Did he just refuse me again?. Ganyan din ang sinabi niya sa akin kahapon. Ibigay mo ‘yan sa iba? No! This is for him. So why would I? Tiningnan ko na lang ang field na tinitingnan niya ng panandalian. Namanhid ang pisngi ko nang mapagtanto kong nakikita niya ako mula rito kapag nilalakad ko ang mainit na field papunta sa engineering building nila. I wonder kung nakikita niya ba ako kanina na naglalakad sa mainit na field na 'yan. I hope he's not. Masiyadong nakakahiya ‘pag alam niyang nag-eeffort akong puntahan siya rito, sa kabila ng mainit-init na field na tahakin. "Bakit ayaw mo itong tanggapin? Pinaghirapan ko itong gawin para sa'yo." Sinundan ko siya sa kanyang upuan. I may look like a deperate b***h right now but, I don't care. Gusto kong malaman kung bakit ayaw niyang tanggapin itong cake na gawa ko para sa kanya. "I didn't ask you to make that, so why bother making those?" Tinaasan niya ako ng kilay. Konti na lang maiirita nanaman siya sa akin. I don't know why, he is being irritated because of my presence? I didn’t do anything. What is his problem with me? Ilang beses kong pinakalma ang sarili dahil sa labis na kahihiyan. Napasulyap ako sa gitara na nasa gilid niya. Nasa loob ito ng itim na lalagyan. Napatingin din siya roon. Kinuha niya ang gitara sa tabi bago nagsimulang mag-strum. Hindi siya kumanta, nag-strum lang siya nun. "Bakit ayaw mo nga itong tanggapin? Ayaw mo ba talagang tumanggap na kahit ano sa hindi mo ka-edad? Bakit kahapon, iyong Jenny, tinanggap mo ang cake na bigay niya? Tapos ako...Ayaw mo.” Tumingin siya sa akin dahilan ng pagkatigil ko. Hindi ko mababasa ang mga pinapahiwatig ng kanyang mga mata. Nakakita ako ng kalungkutan doon. Hindi ko mawari kung para saan ang kakaibang tingin niya. Para akong hinihigop. Bakit pakiramdam ko, parang ang layo ng agwat namin sa isa't-isa? Para bang nahihirapan siya sa sitwasyon namin. "I like you..." matapang kong sabi. Kahit dobleng kaba na ang naramdaman ko ngayon pero ginawa ko pa rin ang lahat para aminin sa kanya ang mga katagang lumabas sa bibig. Nakatayo pa naman ako sa harapan niya ngayon kaya naman dama ko ang panginginig ng binti ko. Nakatitig lang siya sa akin. Parang nadaanan ng multo ang paligid namin. Dahil nagtitigan lang kaming dalawa sa isa't-isa. Wala nang nagtangkang magsalita. I know, it's too early to admit this. Sa mura kong edad nakaramdam ako ng ganito. Hindi ko naman gawain ito, na, mag-effort pa talaga sa isang lalaki at magpapansin. Sa kanya lang talaga ako nagmumukhang despirada. "Pardon, Miss?" He breathed deeply. Naglakad ako ng isang hakbang palapit sa kanya. Ramdam ko ang tensiyon sa kanya nang makalapit ako ng tuluyan. "Sabi ko, gusto kita," walang pag-alinlangan kong amin. Galing sa seryosong mukha, nabato ako nang bigla siyang humalakhak. Walang humor, walang laman ang tawa niya, para bang nasa isip niya nagjo-joke ako. Iniling niya ang ulo 'tsaka tinuon ang pansin sa hawak na gitara. "You're too child....You can't like me," balewala niyang sambit. "Stop that damn thing, Miss.” Napakuyom ako sa kamao. I'm rejected again? And again? How could he? I'm Roshana Dazzle Moonzarte, and being rejected by someone I loved? No way! "Bakit bawal kang magustuhan? Kasi hindi mo ako ka-edad? Gano’n ba 'yon, Herondale Castilejos? Kasalanan ko bang nagkagusto ako sa'yo?" Inangat niya ang tingin niya sa akin. Tiningnan pang muli ang dala ko, pataas sa seryoso kong mukha. "Don't make me laugh, Roshana.” He grit his teeth. "Hindi ako nagpapatawa rito. Do you think, I'm kidding here? No! I'm not. Gusto nga kita!" His face crumpled into mad. Nagtaas baba ang kanyang dibdib, tila hirap na hirap sa pakikinig sa akin 'tsaka umiling. "You're a brave girl to confess right now,"seryoso niyang saad. "You disgusted. Hindi ka ba nandidiri sa mga inaamin mo sa'kin ngayon? Ang bata mo pa, para umakto ka nang ganyan. Please, leave!” Tinuro niya ang pintuan. Para akong sinampal ng libo-libong kamay pagka-rinig ko sa 'disgusted'... Nandidiri siya sa'kin? Tapos harap-harapan niya pa akong pinapaalis. Ilang beses kong pinakalma ang sarili para lang hindi mapahiya sa kanyang harapan. "Wala sa bukabolaryo ko ang magtago ng naramdaman. Gusto ko lang na aware ka sa feelings ko sa’yo. Gusto ko malaman mo kung ano itong intention ko. Kung bakit binibigyan kita ng cake. And also, why I'm being too possessive when it comes to you." "Stop it, Ms.Moonzarte!" Natigalgal ako sa sindak niyang tinig. Mukhang ayaw niya sa mga sinasabi ko dahil klaro sa kanyang mukha ang pagkairita pa lalo. "Why?What's your problem with me? I'm telling you the truth. Bakit mo ako pinapatigil sa naramdaman ko sa'yo. I like you so much----" "I said stop it. I hate hearing those in your f*****g mouth. Leave now! Or maybe, I'll leave instead.” Umawang ang bibig ko habang sinusundan ang galaw niya. Padabog niyang binalik sa pagpasok ang gitara sa lalagyan pagkatapos tumayo. Napaatras ako nang makaramdam ako nang panghihina nang mapagtanto ko ang sinabi niya. "I don't want to stop..." mahina kong sabi. Sinabit niya ang gitara sa balikat niya pagkatapos pinulot ang kanyang bag sa upuan. Nilagpasan niya ako, tila para akong hangin. Tumigil lang siya nang nasa likuran ko na siya para sabihin ang katagang.... "Stay away from me. I don't deserve your infuation towards me. Masyado ka pang bata. So, stay away. Kung magpupumilit ka pa. I will always refused. Hindi ko deserve iyang pagkagusto mo sa akin. Humanap ka ng ibang paglalaruan. Huwag ako, dahil hindi sa lahat ng bagay makukuha mo ang lahat ng gusto mo. Mark that in your head, Ms.Moonzarte.” Todo pigil ako sa luha kong hindi umagos. Siguro ang pula na ng mukha ko dahil sa mga naririnig ko sa bibig niya. Ilang beses niya ba akong itakwil? Balewala niya lang ba itong lahat? Babawalain niya ba ako? Gano'n ba iyon? Akmang iiwan na niya ako nang tuluyan nang mapatigil siya sa sinabi ko. "Huwag mong hintayin na gagawa ako nang hindi mo magugustuhan bago mo ako tanggapin, Heron. Because I will not stop liking you. I'll surely get you. Makukuha rin kita sa ayaw at sa gusto mo. Kung maaring ilayo kita at kidnapin para makasama ka lang gagawin ko. " "You're fuckin' crazy!" singhal niya. I smiled evily. And raise my brows up. I know I am crazy. Because I'm obsessed with you. And you can't reject me. I'll make sure of that. Makukuha ko rin ang bato mong puso. Makukuha rin kita sa ayaw at sa gusto mo. Magkakagusto ka rin sa akin. Hahabulin mo rin ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
400.4K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
52.4K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
179.7K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Be Mine Again

read
101.6K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
390.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook