Nawala ang ngisi ko nang makapasok na sa gate. Parang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. "Good evening, Maam," bati ng gwardiya na minsan ko na ring nakasalamuha. "Good evening din po." I smiled sweetly. Klaro sa kanila ang pagtataka dahil naglakad lang ako papasok ng gate. Ngayon lang nila ako nakitang walang sakay na sasakyan, mostly kasi hinahatid ako ng mga kuya ko pauwi o 'di kaya ng family driver namin.. Hindi na rin sila nagtanong pa kaya naman dire-diretso na akong pumasok sa loob. Mula sa nilalakaran ko papuntang malaking bahay namin. Nakikita ko ang malaking golf court namin kung saan naglalaro ang ama ko at sina kuya kapag weekends. Minsan nagte-tent din kami. Sa pinakagitna ng Golf court may malaking fountain doon. Nagsi-ilawan ang dalawang anghel na statues, nagbubuhos