Bitbit ang cake na ginawa namin ni manang Rosalinda kaninang umaga. Tinahak ko ang mainit na field papunta sa kabilang building kung saan ang mga College students ang nando'nn. Tagaktak na naman ang pawis ko dahil sa malayo-layong building na 'yon. Ilang beses akong nagpahid sa noo ko para lang hindi tumulo ang pawis sa pisngi. Ang init talaga ng panahon. Sa field naman wala maski isang puno dahil na rin isa ito sa mga track field na pagdadausan sa tuwing may event pang sports. Nang makarating na rin sa wakas sa harapan ng Engineering building ilang beses kong inamoy ang sarili. Bago ako pumunta rito naligo ako ng pabango dahil alam kung mamawis na naman ako. Nang malanghap ko ang pabango na long lasting ang amoy, confident akong pumasok sa loob. Patingin-tingin na lang ang mga lala