"Pupuntahan ka daw ba nila iha? Pamilya mo ba ang taong tinawagan mo?" May galak na tanong sakin ng babaeng tinatawag nila Manang Erna. Hindi pa ako tumagal sa lugar na ito ay puro kabutihan na ang pinapakita niya sakin.
Umiling na lamang ako bilang sagot sa kanya. "It's no use. Hindi ko alam kung nasaan ang mama ko at wala na din ang lalaking sa tingin ko'y makakatulong sakin."
Nakita kong napuno ng kalituhan ang mukha nito. "Pero di'ba myembro ka ng pamilya Sandoval? Hindi ka ba nila tutulungan, ang lolo mo..." natigilan ito ng tapikin siya sa balikat ng lalaking nasa likuran saka ito umiling.
Napalitan ng ngiti ang mukha nito. Tumayo ito at nag-ayos ng sarili.
"Mamayang gabi ay magkwento ka sakin, okay? Nga pala dadalhin kita sa magiging kwarto mo at heto ang magiging damit mo. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman mahirap ang buhay dito sa mansyon at alam kong hindi ka papabayaan ng mga Monteverde." iniabot niya sakin ang isang set ng kulang itim na uniporme. May kasama itong ipit sa buhok at flat white shoes. Sasagot pa sana ako dito pero mabilis niyang hinila ang kamay ko.
Dinala niya ako sa isang maid's quarter. Hindi din kalayuan sa mansyon pero nakabukod ito. Binuksan niya ang isang kwarto na sa tingin ko ay pupwedeng tirhan ng dalawang tao. Kulay puti ang dingding, may double size bed sa kanan, isang maliit na mesa at built-in cabinets.
"Ito ang magiging kwarto mo." nakangiting wika nito. "Mamaya dadalhan kita ng pagkain, magpahinga ka muna at bukas na lamang kita tuturuan kita ng mga gawain sa mansyon."
I don't know how to react. Nagpasalamat nalang ako dito. It's been 10 years simula ng umalis ako sa Isla Velezenia para makapag-aral sa Maynila. Tiniis kong malayo sa mama ko at suportahan na lamang siya gamit ang buwan buwan kong pagpapadala. Marahil ay ito din ang dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi o magbakasyon man lang ako. Kapag sinasabi kong pupuntahan ko siya ay galit ang ibinabato nito sakin, marahil ay alam niya na hindi nabaon sa hukay ang mga naging atraso ng ama ko.
Pinangarap ko lang namang magkaroon ng tahimik at masayang buhay. Gusto kong magkaroon ng buong pamilya, na hindi namin naranasan ni mama. Akala ko ay maaabot ko na 'yon ng makilala ko si Riley. Ngunit nagkamali ako, nagpakatanga ako. At dahil na naman sa isang lalaki ay kelangan kong maghirap ng ganito.
"Iha, pinapatawag ka ng Senorito. Kelangan kitang dalhin sa kwarto niya ngayon din." Iminulat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang mga katok at boses ni Manang Erna mula sa pintuan.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang yakap yakap ang mga binti ko. Hindi panaginip ang lahat dahil nasa loob pa rin ako ng isang simpleng kwarto, at ngayon ay suot ko na ang damit na ibinigay ni Manang sakin papunta sa kinaroroonan ng demonyong lalaking iyon.
"Can you pay me back?" Nagulat ako ng hinablot nito ang kamay ko pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto niya.
Napayuko na lamang ako. Hindi pa rin nagsisink-in dito ang limang milyon na ibinayad niya para sa utang ng pamilya ko.
"Can't talk back? Kahit hindi ka magsalita ay kitang kita ko ang talas ng mga mata mo." Pasinghal nitong inilapit ang mukha niya sakin.
Napaatras ako. Gustuhin ko mang kamuhian siya ay alam kong hindi maari 'yon sa kalagayan ko ngayon. Kelangan kong mabuhay, kelangan kong makatakas dito para maipamukha ko kay Riley ang panlolokong ginawa nila sakin.
"Paano nga pala napadpad sa Isla Velezenia ang isang katulad mo. Anong klase ka bang babae at san ka nagmula?" Iniwas ko ang tingin ko dito.
Totoo nga pala ang mga napapanood ko sa pelikula na kung sino pa ang mayaman at makapangyarihan ay siya pang walang paggalang sa kapwa niya.
"Hindi pwede sakin ang katahimikang pinapakita mo." Napasinghap ako ng bigla nitong dinaop ng palad ang hinaharap ko. Gusto kong pigilan ang sarili kong huwag magalit.
"You're mine now." Sambit nito ng dahan dahan ng ginagalaw ang palad nito sa dibdib ko. Napatingin ako ng masama dito dahil isa isa niya ng tinatanggal ang buttones ng uniform ko.
Tumambad dito ang nagmamalaki kong dibdib. Sumilay naman mula sa mukha niya ang ngiti ng isang demonyo. "I can do whatever I want with you." Napalunok ako ng inangat nito ang huling bagay na nagtatakip sa harapan ko.
Kasabay ng pag-angat nito ay ang unti-unting paglapit ng mukha niya sakin. I can smell his scent, mabigat na pinipiga ng madilim at makasarili niyang arua ang puso ko.
"Pero baka hindi na mabilang na lalaki ang gumalaw sa'yo. Kaya nga nasira ang buhay mo di'ba? Kaya ka nandito! You're a w***e right?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya ng malakas.
"Hindi ko ginustong masira ang buhay ko. Hindi kong ginusto na mapunta sa isang demonyong katulad mo."
"Matapang ka." ngiting demonyong wika ni Cross sakin habang hinahaplos ang parte ng mukha kung saan bumagsak ang palad ko.
Mabilis nitong hinawakan ang baba ko. "You're one of my property. Naiintindihan mo ba ang ibig sabihin 'non?"
I stared at him blankly. Kung totoo mang nagalit ko siya, sana ay ipatapon nalang ako nito sa isang tabi para makita ko man lang ang mama ko. Gusto kong ikwento sa kanya lahat ng accomplishments ko kahit pa nagpakatanga ako sa lalaking dapat ay papakasalan ko.
"I can do this. I can enjoy every inch of you. Kaya ko gamitin ang katawan mo hanggang sa magsawa ako." Hindi ko maiwasang hindi mapahiyaw ng hawakan nito gamit ang kaliwang kamay niya ang maseselang parte ng katawan ko. He's a dominant man, gusto nitong superior siya sa lahat ng taong nasa loob ng mansyong ito.
Napakawalang hiya niya. Wala silang pinagkaiba ni Riley.
Akmang papatalikurin na ako nito sa dingding ng mayroong biglang nagbukas ng pintuan. Mabilis akong tumalikod mula dito para ayusin ang sarili ko.
Tumawa ito ng malakas. "Napakabilis naman ata ng mga pangyayari Cross." Humarap ako at nakita ang isang matandang lalaking marahil ay nasa edad 80 anyos na. Seryoso itong nakatingin sa demonyong nasa tabi ko habang tinatapik tapik ang hawak na baston sa sahig. Nasa tabi nito ang isang magandang babae, hawak hawak nito ang vape na siguro ay pagmamay-ari ng matanda.
"Lolo..." Hindi ko alam kung matatawa ba ako ng makita ang pagmumukha nito. Mula sa pagiging isang mabangis na lion ay naging maamong tupa ito ng dumating ang lolo niya.
Binaling ng matandang lalaki ang tingin nito sakin saka ito ngumiti. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa ngiting iyon. "You're as beautiful as her ihja."
Namula ako sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko alam ang tinutukoy niya, at maling mali ang inaakalang niyang nangyayari samin ng apo nito.
"Wala ka bang balak to be gentle Cross?" may diin nitong wika sa apo.
"s**t! Stop this game lolo. Sinabi ko naman sa'yo na ang mansyon lang ang kelangan ko." Hindi lang pala sakin ganun ang pag-uugali niya kundi pati sa lolo niya. Bad!
Sa pangawalang pagkakataon ay ngumiti ang lolo nito. Saglit siyang napabuntong hininga at tila inoobserbahan kaming dalawa.
"Bukas na bukas din ay ipapahanda ko na ang kasal ninyong dalawa."